Chapter 23

4 1 0
                                    

Hindi alam ni Arianne kung paano magfofocus sa laro dahil pakiramdam niya, tinutunaw na siya ng mga titig ni Alastair habang naglalaro siya.

"Di ba si Alastair yan? Anong ginagawa niya dito?" Bulong bulongan ng mga kasamahan niya sa volleyball.

"Baka papanoorin niya ako, girl." Sabi pa ng isa niyang kagrupo. Nasa kalagitnaan sila ng practice pero nagawa pa rin ng mga ito na magkwentuhan.

"Assumera ka. Bakit ikaw naman ang pupuntahan niya dito? Mas naniniwala pa akong ako ang binibisita niya." Sagot naman ng kausap nito.

"Ang kapal mo naman. Akala mo kagandahan ka?"

"Compare naman sa'yo, mas maganda at sexy ako."

Mukhang mag aaway pa ang mga ito dahil sa mokong na yun. Tumalon siya ng mataas pagkatapos ay  inispike ang bolang paparating sa pwesto niya. Malakas ang tira niya kaya hindi ito nasalo ng kabilang panig. Panibagong puntos para sa grupo niya.

Tumingin siya sa pwesto ni Alastair. Nandoon pa rin ito at prenteng prenteng nakaupo sa bench habang nanonood sa kanila. Nagtataka siya kung bakit nandito ito ngayon. Parang kanina lang ay nandoon siya sa court para panoorin ito pero ngayon ay ito naman ang nanonood sa kanya.

Lumakas ang kabog sa dibdib niya ng nakita niyang nakatingin na ito sa kanya at may tinatagong ngisi sa labi. Kinakabahan siya sa klase ng tingin nito dahil parang may binabalak itong gawin.

Ibinalik niya ang tingin sa laro at nakitang papunta na naman sa pwesto niya ang bola.

"Mine!" Malakas niyang sigaw para makuha ng mga kasamahan na siya ang titira sa bola. Nasalo ito ng kabilang panig at ibinalik sa kanila. Ibabalik na sana niya  ito pero nagulat siya sa biglang pagsigaw ni Alastair.

"Go, Ian! Ang sexy mo sa suot mo ngayon!" Sigaw nito.

Dahil sa nangyari, napalingon siya sa pwesto nito kaya hindi niya nasalo ang bola.

"Arianne!" Mabilis na sigaw ng mga kasamahan niya. Bumagsak siya mula sa pagkakatalon niya dahil sa gilid ng ulo niya tumama ang bola. Dumulog ang mga ito sa pwesto niya.

"Arianne, anong masakit sa'yo?!" Nahihilo siya dahil sa tama ng bola at mas lalo siyang nahihilo sa mga sunud sunod na tanong ng kasamahan niya.

"Tabi! Ian!" Narinig niya ang malakas na sigaw ni Alastair sa likod ng mga kasamahan niya. Hinawi nito ang mga tao para makadaan papunta sa kanya.

Nang makalapit sa pwesto niya, mabilis siyang kinarga nito sa mga bisig. Kahit nahihilo ay pakiramdam niya pinamulahan siya sa sobrang hiya.

"Alastair! Ibaba mo ako, nakakahiya!" Mahinang bulong niya. Hindi siya nito pinansin at nagsimula na itong maglakad. Mabilis ang kilos nito at kitang kita sa mga mukha nito ang pagkakataranta.

"Alastair! Ano ba, ibaba mo nga ako!" Ulit niya.

"Shut up! Dadalihin kita sa clinic kaya pwede lang wag ka munang pasaway." Natahimik siya sa sigaw nito hanggang makarating sila sa clinic. Mabilis siyang inihiga nito sa kama pagkatapos ay tinawag ang school nurse.

"Anong nangyari?" Tanong ng nurse.

"Natamaan siya ng bola sa ulo." Ito ang sumagot sa tanong ng nurse.

"Anong pakiramdam mo?" Siya naman ang tinanong ng nurse.

"Medyo nahihilo lang po ako." Sagot niya. Tinignan nito ang gilid ng ulo niya. Samantalang si Alastair naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanila.

"Magpahinga ka muna. Hindi naman malala pero may bukol ang gilid ng ulo. Kukuha muna ako ng cold compress para diyan sa bukol." Umalis ang nurse. Dahil doon ay mas lalong natahimik ang paligid dahil hindi walang nagsasalita sa kanila ni Alastair.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon