Chapter 24

5 1 0
                                    

Mahinang tapik ang gumising kay Arianne. Minulat niya ang kanyang mga mata at ang una niyang nasilayan ay si Alastair na napakalapit ng mukha sa kanya. Nagulat siya kaya bigla siyang napabangon.

"Bakit?" Maang na tanong niya. Pasimple niyang chineck ang sarili dahil baka kung ano ang ginawa nito sa kanya.

"It's already 4:00 in the afternoon. Pinagpaalam na kita sa coach at captain niyo kaya pwede na tayong umuwi." Sabi nito.

"O-ok. Mauna ka na. Susunod nalang ako." Sumimangot ito.

"Didn't you hear me? Sabi ko sabay tayong uuwi."

"Ha? Pwede namang mauna ka na." Tumaas ang isang kilay nito.

"Bakit? Ayaw mo akong kasabay? Kanina ka pa, napapansin kong ayaw mong samahan kita. Galit ka ba?" Nangunot ang noo nito. Siya naman ay natigalgal.

"H-hindi naman-"

"Eh bakit ayaw mong samahan kita?!"

"Kasi baka may practice ka pa sa basketball?" Ani niya sa maliit na tinig. Kahit siya ay hindi rin sigurado sa rason niya.

"Wala na. Nagpaalam ako na ihahatid ko ang girlfriend ko kasi naaksidente." Sabi nito habang nakangisi. Nanlaki ang mga mata niya.

"Anong sinabi mo?!" Sigaw niya. Hiyang hiya na siya sa nangyari sa kanya kanina. Pakiramdam niya magiging usap usapan siya sa buong eskwelahan at mas lalong nahiya siya dahil sa kabalbalan ng lalaking 'to.

"Sabi ko naaksidente ang girlfriend ko."

"Gago ka ba?! Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?! Alastair naman! Gusto mong matsismis tayong dalawa?!" Gusto na niyang sumabog sa kahihiyan. Pero si Alastair naman ay prenteng prente lang na nakaupo.

"Why not? You should be proud dahil sa akin ka matsitsismis."

"Siraulo ka! Kahit kailan ayaw kong mainvolve sayo." Irap niya dito.

"Ouch! Sa gwapo kong ito, ikaw pa ang ganang umayaw?" Sabi nito sabay hawak sa dibdib. Nakangisi pa ang mokong.

"Gago!"

"Hmmm.. I didn't know you curse a lot now. I wanna do something with that mouth of yours." Sabi nito habang hinihimas ang baba.

"Tse! Wala kang pake bwisit ka!" Kahit sino ay mapapamura ng madalas kapag ito ang kasama. Ang sakit pa sa ulo. Humalakhak lang ito.

"Arianne!" Nagulat nalang sila bigla ng sumulpot si Brian sa clinic.

"Brian? Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka siya kung nandito ito ngayon. Pawis na pawis ito at hinihingal.

"Nabalitaan ko na dinala ka dito clinic. Ayos ka lang ba?" Sabi nito sabay lapit sa kanya.

"Oo. Sa katunayan ay uuwi na kami." Si Alastair ang sumagot. Napalingon naman si Brian dito. Kitang kita sa mata ni Brian ang galit. Hinarap nito si Alastair.

"I know what happened! Kasalanan mo kung bakit nandito siya ngayon." Nanggagalaiting sigaw nito. Hindi naman natinag si Alastair.

"Alam ko. That's why I'm taking her home. Doon na siya magpapahinga." Kalmadong sagot lang nito.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. Baka ipahamak mo na naman si Arianne."

"Didn't you hear me? I said, I will take her home. She is my responsibility and this is out of your business already."

"Stay away from her! Pahamak lang ang dulot mo sa kanya."

"Stay away from her? What if I don't want to? Anong gagawin mo?" Hamon ni Alastair Kay Brian.

"She's my friend kaya alam ko kung sino ang mga tao na karapat dapat na lumapit sa kanya!"

"Well, she's my friend to! Kaya may karapatan din ako!"

Kinakabahan na si Arianne sa nangyayari. Seryosong seryoso ang mukha ng dalawa. Ramdam na ramdam din niya ang tensyon sa pagitan ng mga ito.

"Ano ba?! Pwede tumigil na kayong dalawa?! Walang magsasabi sa akin kung sino ang dapat kong kasama kaya tumahimik kayo!" Singhal niya sa dalawa. Natahimik ang mga ito.

"Brian, sasabay ako kay Alastair ngayon dahil isa lang sasakyan naming dala." Mahinahong sabi niya.

"Pero may dala along kotse. Pwede kitang ihatid." Pagpupumilit pa nito.

"Alam kong marami ka pang gagawin. Siguradong hahanapin ka na ng mga kasamahan mo ngayon." Napabuntong hininga lang ito pagkatapos ay napailing.

"Arianne" Tawag ni Brian sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nito.

"Bakit?"

"If something bad happens, call me." Sabi nito. Hindi mo makikitaan ng ng kahit na anong emosyon ang mukha nito. Wala sa sariling tumango lang siya.

"Umalis ka na. Ako ng bahala sa kanya." Sabat naman ni Alastair. Pinanlakihan niya ito ng mata dahil sa kabastusan. Walang salita na lumabas naman si Brian sa clinic. Hinampas niya uli si Alastair.

"Ang bastos mo! Concern lang naman yung tao tapos gaganunin mo!"

"Aray ha! Nakakadalawa ka na! Saka sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid. Epal lang talaga yun."

"Kaibigan ko kaya siya!"

"Kaibigan mo rin ako ah! Ano yun, may special treatment kapag siya? Ang unfair mo naman!" Ngumuso ito na parang nagtatampo. Muntik na siyang tumawa sa itsura nito. Akala mo batang inagawan ng candy. Pero kahit ganon, ang gwapo pa rin nito. Hindi na yata mawawala yun. Pinamulahan tuloy siya sa naisip.

"Ano ba? Para kang bata! Tara na nga. Umuwi na tayo." Tumayo siya sa kama kaya mabilis siyang inalalayan ni Alastair. Hinawakan nito ang beywang at braso niya na para bang isa siyang babasaging bagay. Sa sobrang gulat ay hindi siya nakagalaw. Wala pang nakagawa ng ganun sa kanya kaya nagulat siya.

"Tutulungan na kita. Baka mamaya ay mahilo ka uli." Sabi nito. Tila walang pake sa lapit ng distansya nila.

"Sandali, Alastair."

"Bakit?"

"Ano..kaya ko ng tumayo." Sagot niya. Naningkit naman ang mga mata nito.

"Sigurado ka ba? Dapat yata ay buhatin kita." Pinamulahan siya. Naalala niya ang nangyari kanina.

"Wag! Kaya ko na." Mabilis siyang tumayo ng tuwid para ipakita dito na kaya na nga niya.

"Ok. Tara na." Naglakad sila palabas ng clinic. Dahil alas kwatro pa naman ay may mga estudyante pa rin sa eskwelahan nila. Nadaanan nila ang iba niyang classmates at nagtatanong kung ok na ba siya. Pero iba ang pakiramdam niya. Para bang may ibang gustong itanong ang mga ito pero nagdadalawang isip lang. Titingin ang mga ito sa kanya pagkatapos ay kay Alastair. Binilisan niya ang lakad papunta sa kotse habang nakasunod sa kanya si Alastair.

" Teka, ako na ang magmamaneho." Suhestyon nito. Wala siyang nagawa kundi ang lumipat sa passenger seat. Habang nasa byahe, tahimik lang siya.

"Why so silent?" Tanong sa kanya ng kasama. Hindi siya sumagot.

"Hey, did I do something again?" Bakas sa tono nito ang pag aalala.

"Lagi naman eh." Bulalas niya. Nagulat naman ito.

"Woah. Kung dahil yun sa pagsabi na girlfriend kita, then I'm sorry. Don't worry, kay coach ko lang sinabi yun."

Yun na nga. Alam niyang palusot lang yun ni Alastair. Pero hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya. Iniisip niya, napakaimposible na mangyari ng bagay na yun. Si Alastair ay si Alastair. Mayaman, gwapo at habulin ng mga babae. Lahat ng luho,  nasusunod. Lahat ng gustuhin, nakukuha. Halos lahat ay gusto itong kaibiganin. Samantalang siya, isa lang simpleng babae. Walang maipagmamalaki. Napakalayo ng agwat nila sa isa't isa.



-lj











To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon