Chapter 6

39 3 1
                                    

Isang araw palang ang lumipas pero pakiramdam ni Alastair ay halos ilang taon na. Wala siyang magawa sa mansyon. Hindi siya sanay na napakatahimik. Lagi niyang hinahanap ang ingay ng mga kaibigan. Tinignan niya ang kasama habang may binibili sa tindahan.

Gusto niyang lumabas ng mansyon at walang ibang choice kundi ang sumama kay Ian. Hindi niya talaga maisip kung paano makakasurvive sa lugar. Ni signal sa cellphone ay napakahina!

"Hey, Ian. Are you done?" Tanong niya dito.

"Pwede maghintay ka? Marami itong inutos ni Don Andrew kaya matagal."

"Geez." Ang sungit talaga ng babaeng maton na'to. Kung may iba pa siyang choice as if naman sasama siya dito. Buti nalang talaga at wala siyang kakilalang close friend niya sa lugar. I bet they will laugh their asses off if they found out he's hanging out with this kind of girl.

Sa itsura palang akala mo hindi babae. Parang di alam ang fashion. She's wearing a long sleeve checkered polo with a shirt inside. Faded black pants  and boots. Come on! Alam niyang nasa probinsya sila at sa rancho sila nakatira pero talagang kinareer nito ang pagiging ranchero dahil sa klase ng fashion sense. Tapos laging mainitin ang ulo. Laging nakasimagot kapag kasama siya. Allergic yata sa gwapo.

He is really bored. Kung bakit naman kasi walang mga bar sa probinsya o kaya kahit mga mall man lang! Nilibot niya ang paningin at dumapo sa may bandang parke sa kaliwa ng simbahan. May mga grupo ng kabataan na nagkakasiyahan habang kumakanta at tumutugtog ng gitara. Wala na ba talagang ibang mapagkakaabalahan ang mga tao dito?

"Hoy, Señorito aalis na po tayo. Baka gusto niyo na pong sumakay?" Napabaling siya kay Ian.

"Bakit parang sarcastic sa pandinig ko kapag tinatawag mo akong Señorito?"

"Sarcastic naman talaga yun." Bulong pa nito na akala nito ay hindi niya narinig.The nerve of this girl!

"Don't you have any other places na pwedeng mapuntahan dito? I'm bored to death! Baka meron pwedeng pasyalan?" Tanong niya.

"Meron po, Señorito. May sikat na falls dito na dinadayo ng mga bisita."

"Stop calling me that. Tawagin mo na nga lang ako sa pangalan ko!"

"Edi sige, Alastair. Ayan may reklamo pa ko kayo?" Nakasimagot pa ito

"Saan yung falls na sinasabi mo?" Hindi nalang niya pinansin iyon.

"Papasok pa yun mula sa dulo ng lupang taniman ng mais. "

"Let's go! I wanna see it."

"Sandali lang naman! Marami akong gagawin ngayong araw kaya hindi ako pwede."

"Ano ba yang gagawin mo? Is it more important than me?" That didn't sound right but he doesn't care. Kailangan unahin siya kasi siya ang amo ng babaeng 'to.

"Oo. Kaya kailangan na nating bumalik sa mansyon at tutulong pa ako doon. " Yun lang at pinaandar na nito ang jeep. Wala na siyang nagawa.

Pagdating sa mansyon ay tuloy tuloy ito papunta sa opisina ng Uncle niya. Siya naman ay sumunod din. Pagpasok sa loob ay nadatnan niya ang Uncle Andrew niya kasama ang isang middle age na lalaki kausap si Ian.

"Niko? May kailangan ka?" Tanong ng Uncle Andrew niya.

"Nothing." Sagot niya.

"By the way, I want you to meet Nelson Gomez. My secretary and Arianne's father." Lumapit si Nelson sa kanya at nakipagkamay.

"Nelson Mendez, Señorito Alastair. Kinagagalak kong makilala ang pamangkin at tagapagmana ng rancho." He's very much different from his daughter. Mabait at palangiti. He wonders kung kanino nagmana ang anak niyang bugnutin. Tinanggap niya ang kamay nito.

"Nice meeting you, Sir. " sagot niya.

"Naku, Nelson nalang Señorito. At nakilala niyo na ba ang anak ko? Si Arianne?"

"Opo Mang Nelson. Sinamahan ko siya papunta sa sentro kanina. "

"Ah, ganoon ba? May pinabili kasi kami sa kanya. Kumusta naman po ang anak ko Señorito? Minsan tahimik talaga ito at hindi umiimik pero mabait naman kapag hindi tinotopak." At sinundan iyon ng tawa.

"Papa naman!" Protesta pa nito. Gusto pa sana niyang dagdagan na napakabugnutin nito at laging maiinit ang ulo na akala mo laging may dalaw.

"It's ok. I have met a lot of girls like her. Hindi na po ako magugulat." Sabay tawa. Ang sama naman ng tingin sa kanya ni Ian. "By the way, Uutusan niyo pa po ba si Arianne? I wanna go out with her." Tanong niya.

"You wanna date her?" Tumaas ang isang kilay ng kanyang Uncle Andrew at may tinatagong ngiti.

"Of course not! What I mean is, kung pwede ba akong mamasyal. Isasama ko siya as my tour guide." Geez.

"Pwede naman po Señorito. Saan niyo ba gustong pumasyal ngayon?"

"Doon po sa falls."

"Right now? Much better kung magbaon kayo ng pagkain at baka magtagal kayo doon." Payo naman ng Uncle niya.

"Kung ganoon ay magpapahanda ako ng makakain niyo kay Manang Celia."

"Akala ko po ba ay may ipapagawa kayo sa akin ngayon?" Singit naman ni Ian na kanina pa tahimik.

"Hindi na. Ang mabuti pa anak ay samahan mo ang Señorito. Alam mong hindi niya kabisado ang buong lugar." Napasimangot pa ito. Ang arte talaga.


Papunta na sila sa pinagmamalaking Maribago Falls ng bayan ng Ildefonso. Simangot pa rin at badtrip ang kasama niya. Not that he cares. And they are not alone. Kasama nila si Jezel na nakasalubong nila kanina bago umalis. She insists na sumama kaya hinayaan nalang niya.

"Excited na ako!" Sabay yakap sa kanya. Nasa backseat silang dalawa while Ian's driving.

"Malapit na ba?" Tanong niya. Hinihimas ang nakaexpose na binti ni Jezel. Smooth. He likes it.

"Hmm, malapit na." Sabay humilig sa kanya. Nakita niya pang napaismid si Ian. What's her problem? Jealous? He grinned at that thought.

Nang sa wakas ay nakarating na sila ay namangha siya sa ganda ng falls. Hindi naman siya nature lover but he found this very astonishing. Hinakot na nila ang mga pagkain at gamit papunta sa isang cottage. May nakita pa siyang mga kabataan na naliligo. Some of them are shouting and cheering on the guy that just jumped from a high cliff!

"Tara na Alastair! Swimming tayo!" Naghubad si Jezel ng shirt at pinakita ang bikini top. And here he is, thinking na conservative ang mga tao sa probinsiya.

Hinila na siya kaya wala siyang nagawa kundi hubarin ang t shirt. Naka board shorts siya kaya ok lang. Napasinghap naman ito ng masilayan ang kanyang katawan. Well, he can't blame her. He have a body that will make girls scream in pleasure. He grinned.

Tumalon sila. The water's cold and refreshing. Just enough to relieve the all stress simula pa nung nakaraang araw. Lumapit naman si Jezel sa kanya at lumingkis sa braso.

"Punta tayo doon sa likod ng bato,Alastair." Yaya pa nito. Napatingin siya sa sinasabi nito at nakitang walang masyadong tao sa parteng yun dahil tago. Napangisi siya. Perfect. Lumingon siya sa cottage at nakitang busy si Ian sa pagkain. Lumangoy sila papunta doon at pagkarating ay agad niyang sinandal si Jezel sa bato.

-lj

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon