Chapter 13

34 3 1
                                    

"Mauuna na po ako, papa." Paalam ni Arianne sa tatay niya ngayong umaga.

"Hindi ba kayo magsasabay ni Alastair?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi po. Try outs po kasi ngayon kaya walang klase. Sigurado namang hindi pupunta ng eskwelahan yun kasi mabobored lang siya." Sagot naman niya.

"Ganun ba? Bakit iba yata ang sinabi ng batang yun kahapon kay Andrew?" Parang nagtataka pa rin ang papa niya.

"Hindi ko po alam. Wala din kasing sinabi yun kung sasali ba. Sige po, papa. Aalis na ako baka malate pa ako." Naglakad na siya papunta sa sasakyan at nagmaneho papunta sa eskwelahan. Pagdating niya ay busy ang lahat ng mga estudyanteng nandoon.

Nagsisimula na ang bawat club para sa mga bagong myembrong gustong sumali. Marami sa mga ito ay mga freshmen. Pumunta na siya sa locker room ng girls volleyball club para magpalit ng uniform. Sleeveless ang upper ng jersey niya na may pinaghalong kulay blue at white at may print ng apelyido niya sa likod pati ang pangalan ng eskwelahan. Maikling shorts pero may cycling naman ang pang ibaba kaya kitang kitang ang kabuuan ng hita niya.

Nandoon na rin ang ibang kasamahan niya at abala sa pagbibihis. Ang iba naman ay sineset up ang court na gagamitin nila para sa try out ng mga gustong sumali. Siya ang Vice Captain ng Girl's Volleyball club kaya isa siya sa mga susubok sa mga gustong magtatry out.

Nilapitan niya si Elle, ang Captain nila. Busy ito sa pagbabasa ng mga pangalan ng nagpalista. Mukhang marami rami din ang gustong sumali.

"Captain, anong oras tayo magsisimula?" Tanong niya.

"Ngayon na. Tapos na rin ang pag aayos sa court kaya pwede na. Ang mabuti pa, pumwesto ka na sa para makapagsimula na tayo." Yun nga ang ginawa niya. Isa isa rin luminya ang mga gustong sumali.

Nasa kabilang panig siya. May pumwesto na rin na babae sa kabilang panig ng net. Siya ang magseserve ng bola at titignan niya kung gaano kalakas magspike ito. Pati ang control sa bola ay minamarkahan din nila. Ang captain nila ang bahala sa pagbibigay ng marka. Mas gusto nilang makita kung medyo may experience na ang mga ito para mas madaling itrain.


Natapos ang buong umaga sa ganoong pangyayari. Tapos na sila kaya pwede nang magpahinga. Balak niyang kumain sa canteen pagkatapos magpalit ng damit dahil lunch na rin naman. Habang nagbibihis, hindi niya napigilan ang makinig sa usapan ng mga kasamahan niya sa club.

"Anong oras yung try out sa basketball? Manood tayo! Ang balita ko sasali daw siya."

"Mamayang ala una. Doon sa covered court gagawin kaya pwede tayong manood. Na eexcite ako. Sasali din nga yung crush ko! Kaya di ko pwedeng palagpasin to." Naghagikgikan ang mga ito pagkatapos ay lumabas na. Napailing siya. Lumabas na rin siya para pumunta sa canteen.

Habang naglalakad ay nasalubong niya si Brian. Lumapit naman agad ito sa kanya.

"Arianne, may gagawin ka ba ngayon?" Salubong nito sa kanya.

"Tapos na kami sa club eh. Papunta ako ngayong sa canteen para kumain. "

"Ganun ba? Baka gusto mong manood ng try out mamaya sa basketball? Ala una pa naman. Panoorin mo ako." Tumawa naman siya.

"Hindi pa naman actual game ah. Saka lagi naman akong nanonood ng mga laro mo." Ngumuso lang ito.

"Ano naman ngayon? Basta manood ka. Gusto ko lagi mong makita na magaling talaga ako kapag nasa court." Pagmamayabang pa nito. Natawa uli siya.

"Oo na! Manonood na ako. Teka, nasaan ba si Clarice? Di ba siya manonood?"

"Busy siya sa dance club. Maraming gustong mag audition ngayon eh." Ganoon pala.

"Sige na. Pupunta ako mamaya para naman may supporter ka." Pagbibiro niya. Kinurot nito ang pisngi niya.

"Ikaw talaga, ang kulit mo. Sige, kumain ka na muna. Pupunta lang ako sa gym, ok?" Ginulo nito ang buhok niya saka umalis na. Napailing nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.





Nagpapahinga siya ngayon sa bench malapit sa field. Kakatapos lang niyang kumain kaya naisipan niyang magpahangin sandali bago pumunta sa gym. Maya maya pa ay dumating ang humahangos na si Angela. Mukhang ang layo ng tinakbo nito.

"Arianne! Arianne! Andito ka lang pala! Halika sumama ka sa akin, dali!" Napatayo siya sa pagkakahila sa kanya ni Angela.

"Teka lang, Angela! Saan ba tayo pupunta?!" Guyod guyod pa rin siya nito.

"Sa covered court tayo!"

"Pupunta naman talaga ako doon! Papanoorin ko si Brian eh."

"Hindi si Brian ang dapat mong panoorin!"

"Ha?" Nagtataka naman siya sa sinabi nito. Nakapasok na sila sa court at napansin niyang ang daming mga nanonood at karamihan sa mga ito ay mga babae na nagtitilian.

"Hindi si Brian ang dapat mong panoorin kundi si Alastair!" Saka nito tinuro ang ibaba kung saan kitang kita kung paano lampasan ni Alastair ang mga nagbabantay dito. Nanlaki ang mga mata niya!

Si Alastair nga ang nakikita niya. Sumali ito sa basketball club? Madali nitong nalampasan ang mga nagbabantay habang dinidribble ang bola. Napanganga siya. Sobrang bilis ng pangyayari na naishoot agad nito ang bola ng hindi man lang nakakilos ang mga kaharap nito. Napatili uli ang mga babae sa court. Halos mabingi siya sa lakas ng mga ito! Pati siya ay hindi rin makapaniwala na magaling pala ito sa basketball.

Hindi lang yon, nakasuot ito ng Jersey uniform na may tatak na Britt sa likod. Kitang kita ang muscles nito sa braso. Pawis na pawis din ito habang may nakasabit na towel sa balikat. Nakikipagtawanan ito sa ibang myembro.

"Ang galing niya, Arianne! Siguradong pasok na siya sa team. Gwapo na mayaman at magaling pa sa basketball!" Sumali na rin si Angela sa pagtili.

Mukhang napansin siya ni Alastair na nakatingin kaya liningon siya nito. At mas lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso niya ay ang biglang pagkindat nito sa kanya! Pakiramdam niya ay sasabog na ang mukha niya sa sobrang init. Lumingon uli ito sa kasamahan at muling nakipagtawanan.


Palabas na siya sa gym. Iniwan niya si Angela na mukhang gusto pang manood ng ibang gustong magtry out. Natutuliro pa rin siya sa nangyari kanina. Hindi tuloy niya napansin na nakasunod sa kanya si Alastair.

"Ian!" Tawag nito. Nanigas siya. Huminga siya ng malalim at tinanggal ang expression sa mukha bago ito nilingon.

"Bakit?" Matabang niyang tanong.

"Nakita mo ba kanina kung gaano ako kagaling?" Nakangisi ang kumag.

"Tss. Marami din naman ibang magaling ah. Hindi lang ikaw." Aniya saka nag iwas ng tingin.

"Ganoon ba? Kaya pala nakita kitang nakanganga kanina habang nanonood. Mukhang bilib na bilib ka sa akin eh. " Tuluyan na nga siyang namula.

"Anong sabi mo? Hindi ako nakanganga! Ang kapal mo!" Humalakhak naman si Alastair. Lumapit ito saka inakbayan siya. Amoy na amoy niya ang pabango nito kahit na pawis ito. Napakabango at ang sarap amuyin. Mas lalong siyang namula sa ginawa nito.

"Ikaw naman, wag ka nang magkaila. Halata masyado." Mabilis niyang hinawi ang braso nitong nakaakbay sa kanya.

"Asa naman! Manigas ka!" Yun lang at mabilis siyang tumalikod paalis. Naririnig pa rin niya ang halakhak nito. Nakakabwisit! Nakakainis dahil totoo naman ang sinabi nito. Ang sarap magwala!




-lj









To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon