Chapter 14

34 2 1
                                    

Nakahiga si Arianne sa kama habang nagbabasa ng libro  nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Dali dali siyang bumangon para buksan yun. Pagbukas niya, tumambad sa kanyang harapan si Manang Celia.

"Bakit po, Manang?"

"Bumaba ka na, hija, sa dining room at handa na ang hapunan." Sabi nito.

"Ah, opo. Sandali lang po, Manang. Susunod na po ako."

"O siya, sige. Bilisan mo at hindi magandang pinaghihintay ang pagkain." Tumalikod na ito at umalis.

Pumasok siya sa banyo at inayos ang sarili. Makakasalo niya si Alastair habang kumakain. Nahihiya pa rin siya sa nangyari kanina. Tiyak na pinagtatawanan siya nito sa isip. Wala na siyang nagawa kundi ang bumaba kesa naman mapagalitan. Pagkarating sa dining room, nakaupo na si Don Andrew sa pwesto nito. Sa kanan naman nito ay ang papa niya katapat ni Alastair. Umupo na siya sa pwesto niya, katabi ng papa niya at kaharap rin si Alastair. Nakatingin pa ito sa kanya ng nakataas ang kilay at may nakakalokong ngisi. Inirapan niya nalang ang mokong. Pasalamat ito dahil nasa harap sila ng hapagkainan.

"Ok, andito na si Arianne. Let's eat." Nag usal muna sila nang dasal bago nagsimulang kumain. Panakanaka ay sumusulyap siya sa damuhong nasa harap niya. Ganun rin ang ginagawa nito kaya umirap na naman siya. Hindi tuloy siya makapagconcentrate sa kinakain kaya ang resulta ay napaso ang labi niya sa sabaw. Napangiwi tuloy siya.

"Arianne, ok ka lang ba anak?" Nag aalalang tanong ng papa niya. Nagsalin ito nang tubig sa baso at binigay sa kanya. Agad naman niya itong ininom para maibsan ang sakit sa labi niya.

"Ok lang, papa. Medyo mainit lang yung sabaw."

"Masyado kasi siyang pre occupied sa masarap na putaheng nasa harap niya." Sabat nang damuho sa harapan niya. Parang may ibang meaning ang sinabi nito! Nakangisi pa rin ito at parang aliw na aliw sa nangyari sa kanya.

"What do you mean, Niko?" Nakita niya naman ang pagtataka sa mukha ni Don Andrew. Lihim niyang pinandilatan si Alastair. Ngumisi lang ito pagkatapos ay tumikhim.

"Nothing. The dinner is sumptuous, Uncle. Baka kasi gutom talaga si Arianne kaya hindi na niya namalayan na mainit pa ang sabaw." Palusot pa nito. Nakakainis. Ngayon naman ay pinalabas nitong patay gutom siya! Nanggigigil na talaga siya. Tumawa naman ang papa niya at si Don Andrew.

"Don't worry, hija. Kumain ka lang diyan. Siguradong pagod ka sa school niyo. Come on, eat more. Masarap talaga magluto si Manang Celia." Ani ni Don Andrew. Nahihiya nalang siyang tumango. Dati rati hindi naman ganito ang eksena sa hapagkainan. Basta wala silang pansinan ng damuhong nasa harapan niya. Tinignan niya uli ito ng masama. Kulang nalang ay isaksak niya ang tinidor sa lalamunan nito. Pero ang mokong ay walang pake at tuloy tuloy lang sa pagkain.



"Alone?" Tanong sa kanya ni Brian. Andito siya ngayon at nakaupo sa bench malapit sa field. Mula sa kinauupuan ay kitang kita niya kung paano magtawanan ang grupo nila Georgina kasama si Alastair. Nasa kabilang panig ang mga ito pero hindi kalayuan sa pwesto niya. Lumingon siya kay Brian.

"Kakaalis lang ni Angela. Mamaya ay aakyat na rin ako. May dalawa pa akong klase ngayong hapon." Sagot niya pagkatapos ay lumingon uli sa pwesto nila Alastair.

"Magkaibigan ba kayo nun?" Bigla ay nagsalita ito makaraan ang ilang minuto.

"Sino?" Kumunot ang noo niya.

"Si Alastair. Magkasama kayo sa mansyon diba?" Sabi nito at tumingin na rin sa pwesto nila.

"Hindi naman kami nag uusap masyado." May kung anong kislap ang dumaan sa mga mata nito.

"Kung ganoon, hindi kayo close? Mabuti naman." At huminga si Brian ng maluwag na parang nabunutan ng tinik. Nagtataka siya sa inaasal nito.

"Bakit mo naman naitanong? Masama ba kung maging magkaibigan kami?" Humarap na ito sa kanya at matamang tinitigan siya sa mukha.

"Ayaw ko lang kasi na makitang magkalapit kayo. Alam mo naman siguro na galing syudad si Alastair, Arianne. Hindi ko gugustuhin na makihalubilo ka sa mga gaya niya. Masyado kang inosente sa mga bagay bagay." Sabi pa nito. Napakurap kurap siya.

"Kung ganoon, ayaw mong makipagkaibigan ako sa kanya?" Mahina naman itong tumango. Tumawa siya ng mahina.

"Ano ka ba Brian, hindi kami magkaibigan. Pero hindi ko rin siya pwedeng iwasan dahil magkasama kami sa mansyon at isa pa, ako ang naatasan ni Don Andrew na magbantay sa kanya kahit papano." Bumuntong hininga lang ito at nag isip ng malalim.

Bakit ba nito pinoproblema ang bagay na iyon? Alam naman niyang ganun talaga ang pag uugali ni Alastair pero sa tingin niya ay masasanay naman na siya kapag nagtagal.

Nakatingin pa rin siya kay Brian. Ang gwapo talaga ng kababata niya kaya maraming nagkakagusto dito. Pero kahit kailan hindi lumagpas sa pagkakaibigan ang pagtingin niya dito. May mga pagkakataon na napakasweet nito sa kanya pero sa tingin niya ay nasa ugali lang talaga nito na maging mabait lalo na sa mga babae. Hindi lang kababata kundi kapatid na rin ang turing niya dito dahil magkasama na sila noon pa. Kahit na nagkaroon na ito ng girlfriend, hindi pa rin nabawasan ang oras nito sa kanya. Hindi naman siya nagdedemand ng oras dito, pero kusa nitong binibigay.

Binasag ng tunog ng telepono ang katahimikan sa pagitan nila. Kinuha ni Brian ang cellphone nito at sinagot.

"Hello, Clarice?" Medyo matigas na sagot nito sa kausap. Si  Clarice pala ang tumawag pero bakit parang galit yata si Brian. Nag away ba ang mga ito?

"Diba sinabi ko ngang mamaya nalang? Hindi... Basta.
Hintayin mo nalang ako." Pinatay nito ang tawag saka bumaling sa kanya. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

" Kailangan ko nang bumalik kasi may isang klase pa ako, Arianne. Pero bago yun, ihahatid muna kita sa classroom mo. Tara na." Kinuha nalang niya ang bag niya at sumabay na kay Brian. Ayaw niya munang magtanong kung may problema ba sa pagitan nila ng girlfriend nito. Sigurado naman siya na magkakaayos ang mga ito. Madalas na rin kasing mangyari ito noon pero hindi pa rin nagkahiwalay ang dalawa.

Malapit na sila sa classroom niya nang hindi niya inaasahan na nandoon din pala si Alastair, kausap ang isang babae na si Clarice pala. Napahinto silang dalawa ni Brian. Mukhang napansin na rin naman silang dalawa kaya lumingon ang mga ito sa pwesto nila.

"Ayan na pala ang boyfriend mo. Tol, hinahanap ka nitong girlfriend mo."  May nakakalokong ngisi sa labi ng mokong. Ano na naman kaya ang ginagawa nito?

"Baby! Kanina pa kita hinahanap." Mabilis itong lumapit kay Brian at yumakap. Gumilid naman siya at pinanood ang dalawa. Walang ekspresyon sa mukha ni Brian. Akala niya ay yayakapin din nito si Clarice pero kinalas lang pala nito ang brasong nakayakap.

"Sinabi ko na sayong mamaya na tayo mag usap. " Madiing wika nito.

"Pero Brian naman! I can't wait knowing na nagtatampo ka!" Sagot naman ni Clarice. Mukhang may di pagkakaintindihan nga ang dalawa. Nabigla nalang siya nang may umakbay sa kanya. Paglingon niya si Alastair pala na mukhang aliw na aliw sa pangyayari na nakikita nila.

"Oh, LQ? Tsk tsk. Tama nga naman ang sinabi ng gf mo 'tol. Hindi magandang pinapatagal ang away." Sabat pa nang mokong sa gilid niya. Siniko niya ito kahit nakaakbay sa kanya. Napangiwi ito pero may ngisi pa rin sa labi. Baliw na talaga. Hinila nalang niya ito palayo kila Brian dahil baka hindi makapag usap ng maayos ang dalawa.

"Halika na nga! Wag ka nang sumali sa kanila."

"Tama naman ang sinabi ko ah! Palibhasa kasi mas inuuna pa nun ang ibang babae kesa sa syota kaya bagay nga sa kanya yon." Anas pa nito.

"Anong sabi mo?! Ako ba ang tinutukoy mo?!" Sa tingin niya kasi ay siya ang tinutukoy nitong "ibang babae". Hindi naman siya nag aassume pero madalas na magkasama sila ni Brian nitong mga nakaraang araw. Tinaas naman nito ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Hey, wala naman akong sinabing ikaw. Pero ang payo ko,dapat kasi sa akin ka sumama para walang problema. Palagi ka pang masaya sa piling ko." Hindi niya alam kung may ibang kahulugan ba ang mga sinasabi nito pero pinamulahan siya.

"Asa namang sasama ako sayo!" Sigaw niya

"Chill! Nagsasuggest lang naman ako. Ayan tuloy, nagiging kamatis ka na naman." Tumawa pa ito.

"Diyan ka na nga! Wala talagang matinong lumalabas diyan sa bibig mo!" Tumalikod na siya at nagmartsa paalis. Kulang nalang ay banggain niya ang lahat ng nakakasalubong niya papasok sa classroom sa sobrang inis sa lalaking yon.


-lj









To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon