Chapter 19

24 4 0
                                    

"Wag kang maingay diyan! Kasalanan mo talaga kapag napalayas tayo dito." Mahinang saway niya kay Alastair. Ngumisi lang ito pagkatapos ay tinambol tambol na naman ang lamesa gamit ang kamay. Sinapak niya ang mga kamay nito para mahinto.

"Aray naman! Sadista ka na pala ngayon?" Sabi nito habang hinihimas ang nasaktang kamay.

"Kung tumahimik ka kasi diyan eh di walang problema. Nakikita mo bang seryoso ang mga taong nag aaral dito? Kung ayaw mong mag aral sa mga lessons, lumabas ka nalang. Istorbo ka eh." Irap niya dito.

"Tss. Bakit kasi dito pa? Pwede naman tayo sa bahay eh. Alam mo yun? Yung tayong dalawa lang?" Sabi nito nang nakangisi. Tumikhim naman ang ibang kasamahan nila sa lamesa.

"Ay, iba rin eh. May ganyan na pala kayo Arianne? Bakit di ko alam?" Tanong ni Angela na may nakakalokong ngisi.

"Ano bang sinasabi niyo diyan? At ikaw naman Alastair, pag aralan mo yung sinasabi mong lesson na nahihirapan ka. Kaya nga tayo nandito di ba? Para maturuan ka nang maayos kaya umayos ka diyan." Baling niya sa mokong na walang ginawa kundi magtambol sa lamesa.

"Nakakatamad naman kasi. Akala ko ba tututuruan mo ako sa bahay?" Nakangusong tanong nito.

"Ano ka sineswerte? Kaya ko nga sinabi na dito tayo sa library ay para maturuan ka ni Kyla sa Finance. Matalino siya kaya sa kanya ka magpaturo." Sagot niya.

Bumaling siya kay Kyla na nakangiti lang. Siya ang nahihiya ngayon. Pinakiusapan kasi niya si Kyla na turuan si Alastair sa Finance dahil may part daw na hindi nito maintindihan. Pagkatapos ang walang modong si Alastair ay tinatamad naman na magpaturo dito.

" Pasensiya ka na, Kyla. Mukhang may topak na naman kasi si Alastair kaya nagkakaganyan. Nasayang tuloy ang oras mo." Hinging paumanhin niya.

"Hey! Wala akong topak. Ikaw kaya ang madalas na may ganyan." Reklamo pa nito sa gilid niya.

"Ok lang. Madalas din naman ako dito sa library kapag free period ko. Kaya walang problema." Nakangiting sagot nito. Tumingin naman siya kay Alastair at inirapan ito. Pasalamat talaga ito at mabait si Kyla.

Ngayong pagkatapos nang klase ay pumunta sila sa library para mag aral. Malapit na ang preliminary kaya kailangan niyang magreview sa mga previous lessons. Pagdating kasi sa pag aaral ay seryoso siya. Ayaw niyang bumagsak kaya hanggang maaari ay  gusto niyang matataas ang markang makukuha niya. Kahit kasali siya sa volleyball team ay hindi pa rin niya pinapabayaan na mahuli siya sa mga lessons nila. Gusto niyang maging proud sa kanya ang papa niya kapag nakapagtapos na siya nang pag aaral.

"Arianne, mauuna na siguro ako sa inyo. May inutos pa kasi si nanay sa akin kaya pupunta pa ako sa sentro." Paalam ni Angela sa kanila.

"Sige. Ingat nalang." Ngumiti siya dito pagkatapos magpaalam.

"Tayo rin, Ian. Anong oras ba tayo uuwi?" Tanong sa kanya ni Alastair.

"Ngayon na. Wala din naman palang kwentang dinala kita dito. Ang mabuti pa umuwi nalang tayo. Doon nalang ako sa kwarto ko mag aaral." Tumayo na siya pagkatapos ay isa isang inayos ang mga gamit.

Tumayo na rin si Alastair at saka nag inat. Sinukbit nito ang bag pack.

"Mauuna na kami, Kyla. Pasensiya na talaga sa istorbo." Paalam niya kay Kyla.

"Sige. Mag iingat din kayo. May hinihintay pa kasi ako kaya baka mamaya pa ako makauwi." Sagot nito. Nagpaalam din si Alastair dito. Tumalikod na sila at lumabas sa library.

"Alam mo, sa susunod talaga hindi na kita tutulungan. Nakakainis ka." Sabi niya sa kasama.

"Oh? Ano na namang ginawa ko?" Maang na tanong nito.

"Ewan ko sa'yo. Baka mamaya magtampo pa yung si Kyla. Hindi na ako bigyan nang pabor."

"Bakit ka ba naiinis diyan. Ok lang naman daw eh. Saka kilala ko naman yun. Willing naman siyang tulungan ako." Ani pa nito.

"At paano mo naman nasabi yan? Magkakilala ba kayo?" Pinanliitan niya ito ng mata.

"That was before. Nag offer kasi siyang tulungan ako sa assignment ko. Sabi ko next time nalang. See? Wala kang dapat ikabahala. Siya na mismo ang nagoffer." Pagmamalaki pa nito.

May ganoon na palang nangyari sa pagitan ng mga ito. Hindi naman kasi niya alam. Sa dami ba naman ng mga babaeng populasyon na nagkakagusto dito, malamang na marami rin talaga ang lumalapit para tulungan ito sa kung anumang pwedeng maitulong para lang mapansin.

"Marami naman palang pwedeng magturo sa iyo. Bakit sa akin ka pa nangungulit. Doon ka nalang sa kanila." Irap niya dito.

"It's not my fault kung gusto nila akong tulungan. Why not grab the offer, right? I'm just being good to them, you jealous?"  Nakangising tanong nito. Nag init na naman ang pisngi niya.

"Hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos sa kanila?!" Sagot niya. Nagkibit balikat lang ito.

"Chill. Oo na hindi ka na nagseselos kahit masyadong halata. Don't worry, mas close pa rin naman tayo kesa sa kanila." Ani nito na nakangisi.

"Bwisit ka!" Mabilis siyang naglakad palayo dito dahil sa sobrang inis. Humabol naman ito sa kanya.

"Sus. Selos ka lang eh." Humalakhak pa ito.

"Alam mo, ang kulit mo. Tantanan mo nga ako, pwede ba? Kahit ngayon lang?" Anas niya.

"Hindi ka pa nasanay. Halika nga, samahan mo ako sandali." Sabi nito pagkatapos ay hinila siya nito.

"Teka lang! Saan ba tayo pupunta?" Wala siyang nagawa kundi ang magpahila dahil ang lakas nito.

"Papalamigin natin yang ulo mo." Nakarating na sila sa parking lot kung saan nakapark ang SUV. Pinasakay siya ni Alastair sa passenger seat pagkatapos ay umikot ito at sumakay sa driver's seat.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong niya nang makitang hindi sa rancho ang direksyon nila.

"Kung saan kakalma ka. Ang high blood mo kasi!" Asar na naman nito.

"Niloloko mo ba ako ha?! Kung ganoon nga, iuwi mo nalang ako." Angal niya.

"Hindi nga sabi. Andito na tayo." Pinark ni Alastair ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na shop. Mukhang bagong bukas ito dahil ngayon lang niya nakita. Bumaba na silang dalawa. Hinila siya ni Alastair at pumasok sila sa loob.

Dessert café pala ang pangalan ng shop. Ngayon lang siya nakapasok sa ganito dahil hindi naman ito uso sa probinsya. Kaya nagulat siya nang may nagtayo pala ng ganito rito sa Ildefonso.

"What's yours? May ice cream sila dito saka cake. Dapat kumain ka ng ganyan para hindi ka palaging bitter." Sinamaan niya ng tingin ang mokong. Kahit kailan talaga walang patawad ang bibig. Kahit nasa harap sila ng ibang tao hindi pa rin tumitigil sa pang aasar sa kanya. Nasa may counter sila at may isang crew na nakatingin sa kanila habang naghihintay ng orders.

"Yung ice cream nalang. Vanilla flavor saka isang slice ng chocolate cake." Sabi niya sa crew habang nakangiti. Nagbigay na rin ng order si Alastair pagkatapos ay naghanap sila ng pwesto. Hindi naman mahirap makahanap dahil walang tao sa shop. Marahil ay dahil papadilim na rin.

"Bakit alam mo itong shop?" Tanong niya dito.

"Nirekomend lang sa akin nung isang babae na nakausap ko sa school. Sabi niya bagong bukas daw ito kaya pumunta daw kami at magdate." Sagot nito.

"Ano? Tapos dito mo pa talaga ako dinala?"

"Bakit? May masama ba doon?" Inosenteng tanong nito sa kanya. Syempre wala. Hindi lang niya maisip na dapat ay ibang babae pala ang kasama nito na magpunta sa lugar na iyon.

Hindi na siya sumagot kasi dumating na ang orders nila. Masarap naman ang mga pagkain kaya kahit papano ay nabawasan ang inis niya kay Alastair. Nag enjoy siya kahit pa puro pang aasar ang inabot niya dito habang magkasama silang kumakain.




-lj






To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon