Prologue

13.1K 262 5
                                    

Tiffany's POV

Sobrang daming nakapila rito sa labas ng CEO private room dahil lahat sila ay nagaapply bilang bagong sikretarya ng CEO nila. Marami rin nagsasabing sobrang strikto daw ng magiging amo ko kung matatanggap ako sa trabaho at kailangan ko rin ng trabaho para makatulong sa pamilya ko.

"Ms. Tiffany Tuazon." Napatayo ako sa kinauupuan ko nang tawagin ako ng isang babae. "Kayo na po ang susunod."

"O-Okay po. Salamat." Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi wala ang kaba ko. Isa lang naman ang hinihiling ko ang makapasa ako sa interview para may trabaho na ako. Fresh graduate kasi ako at ang hirap makahanap ng trabaho.

Pagkatapos ko sa private room ay namilog ang mga mata ko sa aking nakita. Hindi pwede ito! Apat na taon na rin at ngayon lang ulit kami nagkita.

"Miss, are you going to stay there or we should start your interview?" Pataray nito. Hindi pa rin siya nagbabago dahil ganoon pa rin ang ugali niya. Strikto at hindi uso ang ngumiti sa kanya.

"S-Sorry." Lumapit na sa desk niya at umupo sa silya. Todo kaba dahil nagkita ulit kami at sana hindi niya ako maalala.

"So, you are a... fresh graduate." Tugon niya habang binabasa ang resume ko.

"Y-Yes, sir."

"A cum laude. Hmm, nice."

Pinupuri ba niya ako?

"Why do you want this job?" Binaba na niya ang resume sa desk niya at tumingin sa akin na para bang inoobserban niya ako. Napalunok ako.

Huminga na muna ako ng malalim.

"Kailangan ko po itong trabaho para mapag aral ko ang dalawa kong kapatid." Patango tango siya habang nakikinig sa akin.

"And you are a 22 years old. Bakit ngayon ka lang nakapagtapos sa pagaaral?" Tanong nito sa akin.

"Nagkaroon lang po ng problema kaya huminto ako ng apat na taon." Tumango ulit siya sa akin. Totoo naman huminto ako sa pagaaral noon,

"I have my own rules that you need to follow." May kinuha siyang isang papel sa drawer niya at nilapag sa desk nasa harapan ko. May nakasulat doon. Binasa ko yung nakasulat sa papel.

- I don't want you to be late
- Do your work properly
- Pass your reports on time
- I don't want to hear any gossip inside of my company
- Mind on your own business
- Don't be lazy
- Follow all my orders
- I don't wanna hear any complains
- To make sure you have to take down notes during my meeting
And lastly
- Don't fall in love

"Hope you agree with my rules or else there is a consequence if you don't follow one of those."

"Ano pong consequence?"

"You're fired!" Deretsong sagot niya kaya napalunok ulit ako at parang may tinuturo siya sa papel. "You have to sign here."

Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at pinirmahan ko na yung papel.

"Okay, then." Sumandal na ito sa backrest ng swivel chair niya. "You can start on Monday."

"Okay po." Tumayo na ako at nag-bow sa kanya. "Maraming salamat po, sir."

Palabas na sana ako nang tawagin niya ako kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Did we met before?" Tanong niya sa akin kaya todo ang kaba ko para bang nakipag karera ako sa kabayo.

"Po? Hindi pa po, sir. Baka nagkamali lang kayo."

"I see. Sorry for stopping you. You may go."

Pagkalabas ko sa kwartong iyon ay bumuga ako ng hangin.

Mabuti hindi niya ako naalala.

Pumunta ako sa isang coffee shop pagkatapos ng interview ko dahil tinawagan ako ni Cameron.

He is a gay friend of mine.

Siya lang nakakaalam ng sikreto ko dahil pinagkatiwalaan ko siya at si Cameron lang din naman ang tumutulong sa akin noon.

"Beshie, parang laki ng problema mo ngayon ah."

"Nagkita kasi kami kanina."

"Nino? The father of Mason?" Tumango ako sa kanya. "Oh gosh! Ano ang sabi pagkakita niyo, beshie?"

"Tinanong niya ako kung nagkita na ba kami noon pero siyempre hindi ko inamin sa kanya. Kaya lang malaking problema ito dahil tanggap ako sa trabaho at makakasama ko siya araw-araw."

"Destiny. I believe in destiny."

"Ikaw lang iyon pero ako hindi. Kailangan hindi niya malaman ang tungkol kay Mason." Iniinom ko na ang inorder kong Cafe Latte. "Bakit hindi na lang magpanggap kang asawa ko?"

"What?!" Lahat ng tao rito sa coffee shop ay napatingin sa direksyon namin. "You're crazy, beshie."

"Para hindi siya makahalata tungkol kay Mason."

"Alam mo naman bakla ako. Mahirap sa akin ang magpanggap na tunay na lalaki at lalaki ang gusto ko makasama, hindi kapwa ko."

"Magpapanggap lang tayo. Wala naman akong sinabing magkasama na tayo sa isang bahay." Ngumiti ako sa kaibigan dahil nakasimangot siya sa akin.

"Pero beshie ang alam ni Mason kapatid mo siya, hindi anak."

Tama si Cameron dahil sinabi ko kay Mason ay kapatid ko siya noong lumalaki na siya at kami na lang ang natitirang pamilya. Ang hindi niya alam buhay pa ang mga magulang ko na nagtakwil sa akin nang nalaman nilang buntis ako sa murang edad. Ginawa ko lang naman iyon para makapagtapos ako sa pagaaral ko dahil kamuntikan na ako hindi nakapagtapos sa pagaaral. Dalawang taon na lang nakakatapos na ako. Until I met Cameron siya ang tumulong sa akin sa pagaalaga kay Mason kaya naging magkaibigan kami dahil mabait siyang tao. Sayang nga lang bakla siya, maraming babae ang nababaliw sa kaibigan kong ito.

"Ano ang gagawin ko? Takot ko lang kapag nakita niya si Mason ay kunin niya. Hindi ko kayang mawala sa akin si Mason."

"Eh, iwasan mo siya kapag nakikita siya sa daanan."

"Sana nga ganoon kadali iyon." Tumingin ako sa labas ng coffee shop at namilog ang mga mata ko nang makita ko siya sa labas. "Shit."

"Language, beshie."

"Kasi naman nakita ko na naman siya." Tinuro ko kung nasaan siya kaya napatingin si Cameron kung saan ako nakaturo.

"Oh gosh! Ang gwapo naman pala-- ay may linta pala siyang kasama."

"Baka naman girlfriend niya."

"Beshie, huwag ka ng malungkot kung malaman mong may girlfriend na si fafa."

"Baliw ito. Hindi ako nalulungkot. Wala naman akong pakialam kung magkaroon pa siya ng girlfriend o asawa. May rules siyang pinakita sa akin kanina at ang nasa last rules niya bawal mainlove sa kanya. Kaya hanggat maaga pa ay iiwasan ko na itong nararamdaman ko dahil kailangan ko ng trabaho."

"Hanggang ngayon pa ba may feelings ka pa rin kay Red De Luca?"

"Ano ang magagawa ko?"

Simulang mga bata pa lang kami ni Red ay may gusto na ako sa kanya pero hanggang tingin lang sa malayo ang ginagawa ko kaya hindi niya ako napapansin hanggang umalis siya ng bansa dahil ang balita ko bumalik ang pamilya niya sa Italy at sigurado akong doon na siya nakapagtapos sa pagaaral.

6 years ang tanda niya sa akin.

18 years old pa lang ako noong panahong sinuko ko ang sarili ko dahil kailangan ko ng pera. And now I'm 22 years old.

"Gwapo naman kasi. Akin na lang, aagawin ko sa jowa niyang wala namang boobs at mas lalong walang pwet." Natawa na lang ako sa sinasabi ng baklang ito. Baliw talaga.

~~~~

Matagal na ito nasa utak ko at mabuti di nawawala palagi delay ko sinusulat haha

-Skye

Comment and press ☆ to vote

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon