Chapter 40

4.2K 95 0
                                    

Mga ilang oras ako nandito sa carinderia pero hindi pa rin ako umaalis dahil kailangan kong makausap talaga si Tifa.

Nakita ko na rin ang pagpalit niya sa direksyon ko.

"Magsasara na kami, sir."

"But I want to talk with you." Sabi ko. Hindi ako aalis rito hanggat hindi pumapayag si Tifa kausapin ako. "Please, Tifa."

Bumuntong hininga ito.

"Fine. Bukas magusap tayo. Alam mo naman bawal sa akin ang magpuyat dahil..."

"Dahil ano? Dahil buntis?" Sabi ko at halatang nagulat siya dahil alam ko ang pagbubuntis niya.

"Paano mo--"

"Nakalimutan mo na yatang may kaibigan akong investigator. Pero bukas ko na lang sasabihin sayo ang lahat na detalye." Tumayo na ako at lumabas na sa carinderia na iyon. Ang importante ay alam ko na kung saan makikita si Tifa at hindi totoo ang sinabi ng fisherman na iyon kanina na umalis siya rito. Siguro siya ang asawa ng may ari ng carinderia kung saan nagtatrabaho si Tifa. Sila ang tumulong kay Tifa nang makarating siya rito.

Kinabukasan...

Medyo tinanghali na ako ng gising kaya nagmamadali na akong maligo para magkita ulit kami ni Tifa. Doon ulit ako kakain para makausap ko na siya.

Pagkarating ko ay ang daming tao kumakain ngayon. Paano ko tuloy makakausap si Tifa? Katulad kagabi ay pumila rin ako kahit ngayon ko lang ito ginawa sa buong buhay ko. Palagi ko kasi inuutusan ang sikretarya ko para bumili ng makakain sa labas o carinderia sa kumpanya at may taga luto naman ako sa bahay. Kung ganito ang gustong buhay ni Tifa ay patay ako.

Pagkaorder ko ay umupo na ako sa bakanteng table.

Ilang minuto ang hinintay ko ay dumating na rin ang inorder ko kaya nagsimula na akong kumain pero napansin kong umupo sa harapan ko si Tifa.

"Hindi ba maguusap tayo ngayon?"

"Yes, I really want to talk with you. Gusto ko lang malaman kung bakit ka pumayag sa kagustuhan ni Gold?"

"I have no other choice, Red. Hindi ko kaya ang ginagawa niyang pagtotorture sayo kaya mas pinili ko ang magpakasal na lang sa kanya."

"Kasal ka na ngayon kay Gold?"

"Hindi pa dahil ang sabi niya ay 2 weeks pa gagapin ang kasal." Naalala ko pala sinabi ni David na minamadali na ni Gold ang kasal na ito. "Pero bago mangyari iyon ay tumakas na ako. Habang nasa loob ng isang fast food si Gold ay naisip ko iyon na ang pagkakataon kong tumakas."

"Kaya ka nandito ngayon?" Tumango siya sa akin. "Tifa, noong pumunta sila Dave sa lungga ni Gold... Pinatay ng kasamahan ni Dave si Gold."

"Paano mo nalaman na dito ako pumunta?"

"Nakalimutan na yata ang file na pinagimbestiga ko kay Gael tungkol sayo. Hindi ko lang alam kung paano ka nakapunta rito."

"Pagkatakas ko ay nakilala ko yung mag-asawang tumulong sa akin at sabi ko sa kanila na sumama na lang ako sa kanila para makalayo kay Gold. Pumayag naman sila at nandito nga ako ngayon. Tinutulungan ko sila ngayon si aling Rosie sa carinderia niya. Ikaw musta ka na?" Hinawakan niya ang mukha ko at halatang nagaalala si Tifa sa nangyari sa akin noon. "Mukhang gumaling na yung mga pasa mo at pagaling na rin yung mga sugat."

"Yeah. May tumulong rin sa akin noon. Ang pagkaalala ko ay inalabas lang ako ni Gold sa gusali na iyon at ang hindi ko lang maalala kung paano ako nakarating ng Batangas. Baka inutusan niya sa mga kasamahan niya na ilayo ako sayo. Ang akala siguro niya ay mauutakan niya ako. Kahit kailangan talaga bobo ng lalaking iyon."

"Sorry sa lahat, Red. Dahil sa akin kaya napahamak ka ulit." May luhang pumatak sa kanyang mga mata. Agad ko naman iyon pinunasan. Hindi ko kaya makitang umiiyak si Tifa.

"Bakit hindi ka bumalik ng Manila? Sigurado akong nagaalala na sayo ang mommy mo, Tifa."

"Ayaw ko na bumalik ng Manila dahil ayaw kong mapahamak rin sila ng dahil sa akin."

"Maayos na ang lahat. Wala na sina Bianca at Gold ngayon. Malaya na tayo ngayon sa kanila at wala ng mapapahamak." Hinawakan ko ang isang kamay niya nakapatong sa mesa. "Kung gusto mo dito manirahan, sige. Basta kasama lang kita."

"Wala kang alam ang gawain nila rito. Kung paano sila mamuhay. Laki ka sa yaman, Red."

"Hindi problema iyan. Pwede naman ako matuto kung ano ang mga ginagawa nila rito. Ang sabi ko nga sayo basta kasama lang kita."

"Si Mason?"

"Nasa bahay ng parents mo ngayon si Mason. At kung iisipin mo rin na may alam sila sa nangyari... wala silang alam. Pagkabalik ko ng Manila kahapon ay hindi pa ako nagpapakita sa kanila kahit sa pamilya ko. Gusto ko makasama kayo ng mga anak natin."

"Red..."

"I know this is not the right place to ask you, but will you marry me?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. May tubig na rin sa gilid ng mga mata niya at konti na lang ay papatak na ang mga luha niya. "Handa akong pakasalan ka sa kahit saang simbahan. O kung gusto mo dito pa mismo. A beach wedding, maybe?"

"Red..."

"Please... Desperado na akong makasama kayo ni Mason at sa unborn baby natin. Please, Tifa."

"Kahit hindi mo ko pilitin umoo ay isa lang naman ang sasagutin ko, Red. Oo, magpapakasal ako sayo pero yung sana naman nageffort ka para magpropose sa akin. Hindi ako demanding pero gusto ko memorable ang lahat na pangyayari dahil once lang ito mangyayari sa buhay ko."

Ngumiti ako sa kanya.

"Kung iyan ang gusto mo, sige paghahandaan ko ang araw kung kailan ako magpopropose sayo, Tifa. Dapat maging handa ka rin."

Bandang hapon ay naglalakad lang kami ni Tifa sa dalampasigan. Marami ngang kababaihan ang lumalapit sa akin at inaakit ako pero isa lang naman ang gusto ko, ang babaeng kasama ko ngayon.

"Tifa." Napatingin ako sa kanya mukhang nagselos sa mga babae at niyakap ko siya. "Huwag ka na magselos. Wala naman akong interest sa kanila kahit maganda at sexy pa sila ay ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko hanggang sa pagtanda natin."

"Lumayo ka sa akin! Hindi tayo bati, Red."

Ano daw? Hindi kami bati?

"Tifa. Mimi, sorry na. Handa ako maging slave mo."

"Really?" Nilingon niya ako na may ngiti sa mga labi nito.

"Yes. Pagkatapos ng magiging sikretarya mo sa akin ay ako naman ang utusan mo. Kahit ano gagawin ko para lang mapasaya kayo ng anak natin."

"Bili mo ko ng lansones na walang buto."

"Meron ba noon?" Napapaisip ako bigla doon dahil ang alam ko lahat na prutas ay may buto.

"Eh di maghanap ka ng lansones na walang buto."

"Okay, ma'am." Naglakad na ako para maghanap ng gusto niyang kainin.

"Hoy, Red." Huminto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. "Iuwi mo na muna ako sa bahay bago ka maghanap ng lansones na walang buto."

"Okay, tara na."

Pagkarating namin sa bahay kung saan tumutuloy ngayon si Tifa ay nakasalubong sa namin ang isang may edad na babae.

"Sino itong napagwapong kasama mo, Tiffany?"

"Si Red po, aling Rosie."

"Hello po. Salamat po sa pagalaga sa asawa ko."

"Asawa mo?" Napatingin naman siya kay Tifa.

"Yes po. Siya po yung tinutukoy kong ama ng pinagbubuntis ko ngayon."

Tumango naman siya kay Tifa bago binaling ang tingin sa akin.

"Hindi ba ikaw yung masungit na CEO?"

"Yes po. Pero kung hindi dumating sa buhay ko si Tifa ay baka ganoon pa rin po ako hanggang ngayon."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon