Chapter 20

4.8K 113 2
                                    

I was in the middle of my meeting with my investors nang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Hindi nga tumutigil sa pag-vibrate at mabuti na lang nakasilent mode ito. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin? Hindi pa naman ako pwede mag-excuse saglit dahil importante itong meeting. Sawakas tumigil na rin ang vibration kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Are you okay, mr. De Luca?" Tanong ng isang investor ko na si mr. Fontanilla.

"Yes, I'm fine. Let's proceed." Sagot ko naman agad.

Pagkatapos ng meeting ay nagsialisan na rin ang mga investors kaya agad ko tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin kanina. I saw a missed call from Gael at tinawagan ko siya agad.

"Tangina naman, Gael. Nasa kalagitnaan ako ng meeting kanina ng tumawag ka."

"Aba, ano malay ko nasa kalagitnaan ka pala ng meeting."

"Ano ba ang problema mo at tumawag ka?"

"I have a good news for you. Kung hindi ka na busy ngayon ay pumunta ka rito sa opisina ko, Pula. Ayaw ko kasi sa telepono sabihin sayo."

"Okau, okay. Tapos na rin naman ang meeting ko kaya dederetso na ako agad diyan sayo." Pinutol ko na agad ang tawag para puntahan na si Gael. Sana nga lang yung sinasabi niyang good news ay tungkol sa pinagimbestiga ko sa kanya kay Tifa.

Pagkarating ko sa opisina ni Gael ay wala ng katok-katok

"Wow naman. Wala man lang warning knock bago pumatok. Sabi nito at inikot ko ang mga mata ko.

"Ano na ang itong good news mo?" Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib habang nakatitig lang sa kanya. May nilapag siya sa harap na isang brown folder.

"Before I give you this folder, may sasabihin ako sayo at sana huwag ka magbibigla."

"Okay, shoot. Ano iyon?"

"Tungkol doon sa babaeng naka one night stand mo 4 years ago at si ms. Tiffany Tuazon ay iisa lang." Seryosong sabi ni Gael at kumunot naman ang noo ko.

"Are you fucking serious?!"

"Yes. Kaya posibleng anak mo rin yung anak ni Tiffany, pre."

May anak ako kay Tifa? Oh, shit. Bakit ngayon ko lang naisip iyon? Kaya pala ang gaan ng loob ko kay Mason noong unang beses ko siya nakilala. Anak ko pala siya.

Hindi naman ako galit kay Tifa dahil mahal ko siya at may anak pa kami.

Nakita kong binuksan ni Gael ang folder, may kinuha itong isang papel at inabot sa akin.

"Kaya kumuha ako ng isang buhok mo para makakuha ako ng DNA result niyo ng bata."

"Nakipagkita ka kay Mason?"

"Yeah, once. Pero huwag ka magaalala pumunta ako doon wala si Tiffany o kahit sino sa pamilya niya susundo sa bata at kumuha rin ako ng isang pirasong buhok niya. Maingat ako sa trabaho ko, Red." Tumango lang ako sa kanya bago binaling ang tiningin sa DNA result. Hindi ako makapaniwalang positive ang resulta ng DNA. May anak ako. Shit.

"Tungkol sa school record ni Tifa?" Agad kong tanong sa kanya.

"Kumpleto lahat diyan. Information, school records at DNA result. Tungkol sa DNA result hindi na kailangan bayaran. Sagot ko na dahil alam ko naman matagal mo na gusto magkaroon ng anak pero hindi mo alam may anak pala kayo ni Tiffany."

"Thanks, man. Tungkol sa bayad mo ay ilalagay ko na lang sa bank account mo." Sabi ko at nag-OK sign naman siya. Kinuha ko na rin ang brown folder at nagpaalam na sa kanya.

Pagkasakay ko sa kotse ay binasa ko lahat na information tungkol kay Tifa at tama nga lahat na sinabi ni Gael kanina. Kumpleto lahat na information nakuha ng lalaking iyon. Sa school record naman ni Tifa ay mukhang nagsasabi ng totoo si Tifa na pareho kami ng pinapasukan noong grade school.

Mapatingin ako sa walkie-talkie na binigay sa akin ni David noong inutusan ko siya at ang team nito na bantayan si Tifa.

"Bro, mission abort." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Nakahalata ba si Tifa? Naku.

"Tangina mo, Dave! Sinabihan na kitang huwag magpahalata!" Sigaw ko sa kanya. Minaliit ko yata ang kakayan ni Tifa. Graduate siya ng cum laude, malamang malalaman niya na pinagbabantay ko siya kay David para sa kaligtasan.

"Pasye--" Naputol ang sasabihin nito sa kabilang linya.

"Hoy, lalaki kapag nalaman ko pang pakalat kalat rito ang dalawa mong kaibigan ay babasagin ko iyang itlog mo para hindi ka na magkaroon pa ng anak!" Napalunok ako sa sinabi ni Tifa. Mukhang seryoso siya sa sinabi.

"Huwag naman ganoon, babe. Gusto ko pa magkaroon ng anak sayo." Napangiti na lang ako dahil may anak ako sa kanya pero wala pang alam si Tifa na may alam na ako. Napaisip ako na bigyan kaya namin ng kapatid si Mason. Papayag ba si Tifa? Malamang hindi dahil iisip noon si Bianca ang atupagin ko at hindi naman niya ako mahal.

"Tigil tigilan mo ko! May asawa ka na kaya doon ka na!"

"Papayag ka ba kung makipaghiwalay ako kay Bianca? Gusto ko ikaw ang makasama ko pati si Mason. Kayong dalawa lang ng anak mo." Siyempre hindi ako magpapahalata na may alam na ako sa sikreto ni Tifa na matagal na niyang tinatago sa akin.

"Lumabayan mo na ako! Please lang, Red!"

"Bro, wala na sila. Nakaalis na sila ng kaibigan niyang bakla."

"Dahil nandiyan ka na rin naman sa pinagtatrabahuan ni Tifa ay kausapin mo ang boss na sinantehin niya si Tifa."

"Bro, kailangan niya ng trabaho para anak nito, diba? Wala ka talagang puso, akala ko ba mahal mo si Tiffany?"

"Galunggong ka talaga, Dave! Malamang ibabalik ko siya sa kumpanya."

"Hoy, ano iyang bina--"

"Gawin mo na lang ang pinapahawa ko sayo kung gusto mo makuha ang pera mo."

"Blackmail ito. Oo na. Naglalakad na ako papasok ng mall. Tangina ito." At nagawa pa niya akong murahin. Napailing na lang ako ulo.

Pagkauwi ko sa bahay ay niyakap ko si Bianca mula sa likod at nagulat pa siya sa inasal ko ngayon.

"Babe?!"

"Love, you want to come with me?"

"Where?" Mukha pa siyang excited kung saan kami pupunta ngayon.

Sa impyerno. Para naman matapos na ito.

"I want to visit my family tonight."

"Okay. Let's go, babe."

Walang kahirap hirap kay Bianca dahil tanggap naman siya nila mommy except my little sister dahil hindi magkasundo ang dalawa. Kaya nga pumunta ng Amerika si Sarah para doon magaral.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon