Chapter 10

5K 137 1
                                    

Red's POV

I don't why pero noong sinabi sa akin ni Tifa na uuwi siya sa kanila ay parang gusto ko malaman kung saan probinsya pero ang dami ko pang kailangan tapusin ko. Kaya hindi ko na siya pinansin simulang nagusap kami tungkol doon kanina

Nang makita ko na siyang umalis na sa pwesto niya ay inayos ko na muna yung mga gamit ko at umalis na rin ako para sundan siya kung saan siya pupunta. Alam ko hindi tama itong ginagawa ko pero curious ako. Gusto ko malaman ang lahat.

"Umuwi pa pala siya sa bahay niya." Sabi ko sa sarili. Gusto ko bumaba sa kotse ko dahil naawa ako kay Mason dahil magisa lang siya dito.

Nang makita kong sumakay na si Tifa sa taxi ay palihim ko siyang sinsusundan hanggang nakita ko siyang bumaba sa isang ospital.

Ano naman ang ginagawa niya rito sa ospital? I thought she's going to meet up with her little brother?

Wala akong ibang choice kaya pumunta ako sa parking lot para magparada ng sasakyan at naghihintay ng elevator.

Come on! Kung kailan ka nagmamadali doon naman ang bagal gumalaw ng elevator. Kung ganito kabagal paniguradong tigok na mga pasyente nila.

"Ah, damn it!" Wala na akong choice dahil kailangan kong mahanap si Tifa kaya gumamit na lang ako ng hagdanan.

Pumunta ako sa lobby at hinanap ko siya rito pero wala si Tifa. Ang laki naman kasi ng lobby ng ospital na ito. Kaya umakyat ulit ako sa isang floor baka dito ko siya sa 2nd floor makikita. Pero napansin ko mga clinic ng mga doctor ang nasa 2nd floor.

"Um, excuse me. May mga room ba dito sa 2nd floor o sa taas pa?" Tanong ko sa taong nakasalubong ko kanina.

"Sa taas pa po ang mga room, sir pero may ward po dito." Tinuro niya sa akin ang papunta sa ward.

"Okay. Thanks." Nagmamadali na ako pumunta sa sinasabing ward ng ospital.

Hinanap ko saang banda ang ward hanggang makita ko may tatlong tao naguusap at narinig ko ang pangalan ni Mason. Sawakas nakita na rin kita, Tifa.

"Me. I'm the father of Mason." Sa hindi ko alam kung bakit ako nagpakilalang ama ni Mason. Eh, hindi ko naman siya anak. Pumayag lang ako dahil naawa ako sa bata at gusto ko na rin ang magkaroon ng anak.

"R-Red..." Tawag ni Tifa sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Sorry po kung hindi ako nagpakilala noon, ma'am. I'm Red De Luca." Pagpakilala ko. Tifa called her mama a while ago. Ano ito? Hindi patay ang parents niya, buhay na buhay at humihinga. Ikaw pa naman naniwalang patay na ang parents niya kaya siya ang bumubuhay sa mga kapatid niya. No, I doubt na hindi niyang kapatid si Mason.

"CEO ng DL Corp.? Wow, ate ah big time." Sabi ng isang binata. Siya siguro yung tinatawag niyang Leon.

"Excuse me lang po." Humarap ako kay Tifa na seryoso dahil kailangan ko siyang makausap. Right now. "We need to talk."

Hinila ko siya sa may braso siya palayo sa pamilya nito.

"Just tell me the truth, Tifa who the hell are you?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Sino ka ba talaga, Tifa? Are you part of my life before? Pero wala talaga akong maalala.

"Tiffany Tuazon. Naging schoolmate niyo noong grade school pero hindi niyo ko pinapansin noon. Sino ba naman ako para mapansin ng isang Red De Luca na sikat sa buong campus."

Pareho pala kami ng pinapasukan noon.

"Are you telling me the truth? O baka naman kasinungalingan lang lahat na ito?"

"Nagsasabi po ako ng totoo, sir. Kahit pumunta pa kayo doon ngayon at hanapin niyo ang records ko na doon rin ako grumaduate ng grade school."

"Why did you tell your parents got passed away?"

"Dahil simulang tinakwil nila ako ay wala na akong contacts sa kanila hanggang tinawagan ako ni Leon kanina."

"Tinakwil? Why? Dahil buntis ka kay Mason?"

Yumuko siya sa akin pero inangat ko ang ulo niya para tingnan ako.

"Y-Yes." May luhang pumapatak mula sa mga mata nito. I didn't mean to made her cry.

"Who is the real father of Mason?"

Pero wala akong sagot nakuha mula kay Tifa. Isang hikbi lang ang naririnig ko.

"S-Sorry, Red pero hindi ko kilala ang ama ni Mason." Hindi tuloy alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

"It's okay. Hindi na kita pipilitin kung hindi ka pa handa sabihin sa akin ang lahat." Hinila ko siya para yakapin dahil tuloy pa rin siya sa paghikbi. "Shh... Stop crying. Baka isipin ng ibang tao ay pinaiyak kita."

Pagkatapos ng paguusap naming dalawa ay pumasok na kami sa loob ng ward. Tanggap nga ako ng pamilya ni Tifa kahit ang totoo niyan hindi naman talaga ako ang ama ni Mason. Ang sitwasyon ko ngayon parang boyfriend ni Tifa na tinanggap ang pagkatao niya magkaroon ng anak sa ibang lalaki at ako na ang tatayong ama ng bata.

Pero hindi ganoon ang sitwasyon mo, Red!

"Leon, right?"

"Yes po, kuya Red." Ngumiti ako ng tipid sa kapatid ni Tifa. Naalala mo sa kanya si Theo at Sarah, eh. Silang dalawa ang close sa akin pero si Blue hindi masyado.

"Ako na magbabayad ng hospital bill niyo rito kaya yung binigay sayo ng ate mo ay tago mo na lang."

"Huwag na po. Nakakahiya po kasi at baka magalit si ate sa akin."

"No, I insist. O gastusin mo na lang ang perang binigay niya para sa gamot ng dad niyo."

"Nakakahiya po talaga." Ginulo ko ang buhok niya.

"It's okay. Kakausapin ko na lang ang ate mo."

Bumalik na ako sa loob ng ward. Sobrang init dito at nagkasama sama ang mga pasyente.

"Tifa, come with me." Hinawakan ko ang braso ni Tifa at lumabas kami ng ward.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sana payagan mo ko na ako ang magbabayad ng hospital bill niyo at ilipat sa isang private room ang dad mo."

"Ayaw ko magkaroon ng utang sayo o baka naman babawasan mo ang sahod ko kapag ginawa mo ito."

"Wala kang ipagaalala hindi mababawasan ang sahod mo. Kung magkano ang binibigay ko sayo monthly ay ganoon pa rin matatanggap mo this month."

"Ayaw ko pa rin, Red. Hindi ko matatanggap iyang alok mo. Salamat sa malasakit pero makakaya ko naman ito na magisa."

"Huwag na matigas ang ulo, Tifa. I know how you love your family kahit tinakwil ka na ng magulang mo pero handa ka rin tumulong."

"Because they are my family. Kahit ilang beses pa nila ako ipagtakwil ay handa pa rin akong tumulong sa kanila."

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinabi ni Gold na iba ka sa ibang babae nakilala nila dahil palaban kang tao, Tifa."

~~~~

Comment and press ☆ to vote

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon