Chapter 28

4.3K 102 1
                                    

Busy sila David sa paghahanap ng lead kung saan matatagpuan ngayon ang lungga kung saan naroroon ang dumukot kay Tifa.

"Bro, hindi mo ba sasagutin? Kanina pa kasi tumutunog ang phone mo." Sabi ni David. Hindi ko man lang napansin ang pagtunog ng phone ko ngayon.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag and it's Bianca.

"Si Bianca." Tugon ko pero hindi ko pa rin sinasagot ang tawag ng babaeng ito.

"Are you doubting her?"

"Yes. May posibilidad na may kinalaman rito si Bianca dahil pinagbantaan na niya ang buhay ni Tifa noon. It is been 3 days since I left Manila with Tifa and Mason."

Inutusan ni David ang iba pang ka pulisan at may mga equipment sila na kinabit sa phone ko.

"Bro, you have to answer the call at kami na bahala ang maghanap sa location niya." Tumango ako kay David bago sagutin ang tawag.

"Why it takes so long before you answer my call, Red?"

"I'm sorry. I'm kinda busy right--"

"Busy with your mistress? Come on, Red I already warned you before that I'm going to kill that bitch." Napatingin ako kay David at sinyesan lang niya ako na tuloy ko lang ang paguusap kay Bianca.

"No, love. I'm busy with my work and I have business meeting here in Baguio. I'm sorry if I forgot to tell--"

"Liar!" Napalunkot ako ng ilang beses. Dapat sa ganitong paraan ay naniniwala na ngayon si Bianca. "Ciao."

"Hello? Bianca, hello?!" Biglang nawala ang tawag.

"Ano? Nakuha mo ang location kung nasaan ngayon ang tumawag?" Tanong ni David sa kasamahan niya.

"Yes, chief. Nasa Manila ngayon ang tumawag kay sir Red."

"Manila? Hindi imposibleng may kinalaman nga dito ang asawa mo, bro. At ayon sa mga narinig natin talagang papatayin niya si Tiffany."

Nagtitiim ang bagang ko sa galit at talagang mapapatay ko ang babaeng iyon.

Narinig ko na lang ulit ang pagtunog ng phone ko kaya agad ko tiningnan. Isang text message galing sa hindi kilalang numero.

"Damn it!" Isang video kasi ang pinadala sa akin at pinapahirapan ngayon si Tifa.

"What's wrong?" Binigay ko kay David ang phone ko dahil hindi ko kayang panoorin ang ginagawa nila kay Tifa. Lalong umiinit ang ulo ko sa kanila. "Oh God! Kailangan na talaga natin puntahan si Bianca sa Manila. Pero wait para bang isa itong abandon hospital."

"Paano ka naman nakakasiguradong isang hospital iyan?"

"Hindi ako pwedeng magkamali, Red." Pinakita niya sa akin yung video pero naka pause na ito ngayon at tinuro niya sa akin dahil may kama ito sa gilid. "Ang mga hospital lang merong ganitong klaseng kama. Kaya posibleng isa sa mga abandon hospital ngayon dinala si Tiffany at saka 72 hours na rin ang lumipas simulang dinukot nila si Tiffany kaya nasa Manila na sila simula pa kahapon."

Inutos na ni David ang mga kasamahan nito na kumilos para sa operation dahil may lead na kami kung saan mahahanap ngayon si Tifa.

Hintayin mo ang pagdating ko, Tifa...

"Sasama ako sa inyo."

"Bro, hindi ka pwedeng sumama dito. Mapanganib ang pwedeng mangyari pagbalik namin sa Manila."

"Mas hindi ko kaya kapag wala akong ginagawa rito at hinihintay ang report mo sa akin, Dave. Gusto ko rin maligtas si Tifa."

Ilang sunod-sunod na paglabas ng hangin ni David bago pa ito sumagot.

"Hindi ko sagot kung may mangyari sayo. Tatapusin namin itong operation at dapat buhay ka, Red." May inabot na isang baril si David sa akin. "Kahit bawal dahil wala ka naman lisensya na pwede kang humawak ng isang baril pero para sa kaligtasan mo."

"Thanks, man." Agad ko kinuha ang baril sa kanya at inipit sa may taligiran ko.

"You can thank me later after this at siguraduhin mo lang mabubuhay ka. Hindi ko alam sasabihin sa pamilya mo lalo na kay Tiffany kung mamatay ka rito."

"Hep! Saan kayo pupunta?" Pareho kami napalingon ni David. But I heard my friend groaned.

"Not you too, Cam. Hindi ako papayag na sumama ka sa amin. You have to stay here with Mason para may maghabantay sa anak nila Red."

"Dito lang ako kasama ni Mason, chief pogi pero tawagan niyo na lang ako kung naligtas niyo na ang beshie ko." May pagaalala sa boses ngayon ni Cameron.

"Okay, I will. No worry."

Habang nasa biyahe kami at si David ang nagmamaneho ng sasakyan niya.

"Sure ka walang something sa inyo ng kaibigan ni Tifa?"

"Wala. Kilala mo naman ako mabait ako sa mga tao kahit isa pa silang bakla o tomboy. At saka wala naman akong balak makipag relasyon sa isang bakla, no? Babae ang hanap ko hindi katulad kong lalaki pero may pusong mamon."

"Curious lang kasi ako. Masyado ang closeness niyong dalawa."

"In love ka lang kung anu-ano na ang iniisip mo ngayon. Anyway, ang sabi ni Gael nahanap mo ba daw yung babaeng naka one night stand mo 4 years ago."

"Yep. Si Tifa ang babaeng iyon."

"Wow. What a small world. Kaya pala tinawag mong asawa kahapon si Tiffany dahil siya pala ang babaeng pinapahanap mo sa kanya noon."

Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman iyon? Baka sinabi rin sa kanya ni Gael.

"Ayaw ko man sabihin sayo ito baka umurong ka sa operation."

"Ano iyon, bro?" Pasulyap sulyap sa akin si David habang nagmamaneho sa kotse niya.

"Ang sakit sa pwet ng upuan mo sa kotse. Pwede bang palitan mo ito, yung kumportable naman ako." Magrereklamo ko. Pinagtawanan lang ako ng kumag. "Seryoso ako, Dave."

"Akala ko pa naman kung ano na. At huwag ka magreklamo dahil sasakyan ko ito, hindi sayo." Biglang tumunog ang walkie-talkie ni David parang may kumokontak sa kanya.

"Chief, can you hear me?"

"Yes. Ano iyon?"

"Nilibot na namin ang buong hospital pero walang sign na kahit sino dito."

"Okay, baka yung iba may mahanap na sign ng kalaban. Basta alerto lang kayo."

"Roger!"

Hanggang sa nakatanggap na kami ni David kung matatagpuan si Tifa. Hintayin mo lang ako.

"Kumapit ka ng mabuti, bro." Sinunod ko na ang sinabi niya kumapit ako ng mabuti sa hawakan dahil isa lang ang gagawin niya. Papaliparin ang sariling kotse. Isang police chief pinapalipad ang sasakyan.

Nang nakarating na kami sa sinasabing hospital ay bumaba na kami pareho ni David.

"Chief." Nagsalute ang isang pulis na sumalubong sa amin.

"Nandito na ba kayong lahat?"

"Sir, yes sir!"

"Okay, good. Team A, doon kayo sa likod pumasok. Team B, sa harap kayo at team C, dito lang kayo sa labas at tingnan ang buong paligid kung may kalaban. Kasama si Red papasok sa loob ng hospital at tatawagan ko na lang kayo kung kailangan namin ng back up."

Nagsipuntahan na ang mga pulis sa kanilang pwesto kaya pumapasok na kami ni David sa loob ng hospital.

"Hindi biro itong trabaho ko, Red kaya kailangan maging alerto ka."

"Alam ko naman iyon dahil ilang beses ka na muntik mamatay noon."

"That's why I'm telling you this, hindi kita mapapatawad kung may mangyaring masama sayo at huwag na huwag kang magpapabayani para iligtas si Tiffany."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon