Chapter 32

4.4K 96 1
                                    

Red's POV

Hinihintay ko ang gustong sabihin sa akin si Tifa dahil hindi na niya tinuloy ang sasabihin hanggang sa dumating na si manang dala ang juice at nilapag na sa center table.

"Tifa, what do you want to tell me? Pabitin ka ng sasabihin."

"Alam mo naman siguro na kilala na kita simulang pagkabata pero ako, hindi mo kilala." Sawakas nagsalita na rin siya pero mukhang hindi iyon ang karugtong sa gusto niyang sabihin sa akin.

"Bakit hindi mo naman ako nilapitan noon?"

"Bakit naman ako lalapit sayo? Baka isipin ng ibang tao katulad rin ako ng mga babaeng nagkakadarapa para sayo. Sobrang sikat mo campus, Red."

She's right. Marami ngang babaeng ang nakalibot sa akin sa tuwing naglalakad ako sa hallway ng school and I really hate it. Hindi ko naman pwedeng hindi pansinin ang mga babae tumitili sa akin kapag nakikita na ako.

"Mas mabuti sa malayuan lang kita tinitingnan. But I'm not your stalker baka kasi iyon ang iniisip mo. Pagkakataon lang kung saan ako ay nandoon ka rin."

"Baka ako ang stalker." Ngumisi ako sa kanya. Paano naman ako magiging stalker sa isang babae na hindi ko pa naman kilala noon?

"Siguro nga." Natawa ako ng mahina dahil sa pagsang ayon ni Tifa sa akin. "Pero ang totoo niyan um, sa unang beses kita nakita sa school's hallway ay gusto na kita kahit hindi mo ko kilala."

Napangiti ako ng malapad. She likes me pero iba ang gusto sa mahal.

"That's before, but how about now?"

"Hindi pa rin nagbabago, Red. Ganoon pa rin pero noong nagapply ako sa kumpanya mo ay kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko sayo. Ayaw kong matanggalan ng trabaho."

Damn. Bakit hindi ko iyon napansin agad? Matagal ng may gusto sa akin si Tifa at kahit hindi ko pa siya kilala ay nahuhulog na rin ako sa kanya. I'm so stupid. A jerk. An asshole. Ano pa pwedeng itawag sa akin?

"Lalong nakilala kita sa labas ng kumpanya mo ay lalo akong nahuhulog sayo." Niyakap niya ako at sinubsub niya ang kanyang mukha sa dibdib ko.

"Ibig sabihin mahal mo ko." Hindi talaga mawala ang ngiti sa mga labi ko. Lalo na noong tumango siya sa akin.

Oh, damn. For real?

"Natatakot lang ako sa mangyari noon kaya pinutol ko ang ugnayan ko sayo pero mukhang sinusundan mo ko sa kaibigan mong detective kaya nalaman mo kung saan ako nagtatrabaho."

Oh, right. Pero ang tanga rin ni Gael nagpakita kay Tifa noong panahon na iyon. Hindi pwede maging stalker ang lalaking iyon baka magpakita lang sa mga babaeng iniistalk niya.

"Anyway, napatunayan ko na ba sayo na mahal kita?" Tumango lang sa akin si Tifa.

"Ayaw ko lang mawala ka ulit sa akin, Red. Natatakot ako baka hindi na kita makita muli." Naririnig ko ang paghikbi ni Tifa. Patay. Hindi pa naman ako marunong magsuyo ng babae. Inangat ko ang mukha niya para pahidin ang mga luha niyang pumapatak.

"Wala ka ng alalahanin dahil nandito ako ngayon sa harapan mo. Hinding hindi kita iiwanan, promise."

Oh, damn. Ang bilis ng tibok ng puso ko at si Tifa lang talaga ang makakagawa nito sa akin. Siya lang talaga.

Kumalas na rin sa pagkayakap sa akin si Tifa at kinuha niya ang baso ng juice.

"I don't want to take
advantage because you love me, Tifa. Kaya ko pa naman maghintay kung kailan ka handa."

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?" Umiinom na siya ng juice ngyon.

"Having a second child. Bigyan ng kapatid si Mason." Naibuga ni Tifa ang iniinom niyang juice. "Are you okay?"

"Red naman. Ilang beses ko ba sasabihin sayo wala pa sa plano ko ang sundan si Mason. I need money that time kaya nagawa ko iyon pero hindi ko naman sinisi na dumating si Mason sa akin ng mas maaga."

"I know. Kaya nga sinabi ko sayo handa ako maghintay sayo o sa honeymoon na lang natin."

Mas nauna pa nga ang honeymoon namin dahil sa nangyari 4 years ago.

"Pero bakit ako ang lalaking nilapitan mo? Ang daming lalaki sa mundo."

Imposible naman dahil maraming pera ang pamilya ko kaya lumapit sa akin si Tifa.

"I don't know. Basta nakita na lang kita palabas ng club noon at mukhang wala kang kasama kahit mabigat ka ay pinipilit kong dalhin kita sa hotel room na sinasabi mo."

"Did we talked before we.. You know."

Putragis naman. Ngayon pa talaga ako nahihiya ngayon.

"Gusto mo malaman ang pangalan ko pero hindi ko sinasabi sayo baka iyon ang huling pagkikita nating dalawa at sinabi ko sayo ang problema ko kaya sabi mo handa kang tumulong sa problema ko basta pumayag lang ako." Napakurap ako ng ilang beses dahil iyon pala ang nangyari. "Kung hindi lang nawalan ng trabaho si papa baka hindi tayo magkakilala ngayon at wala rin si Mason sa buhay ko."

Binalik na niya ang basong wala ng laman ng juice sa center table.

"Pero seryoso ako, Red dahil ikaw ang unang lalaking pumasok sa buhay ko sa simula pa lang kahit nanliliit ako dahil mayaman ka."

"Don't be. Kung hindi ka dumating sa buhay ko baka ganoon pa rin ang ugali ko."

Naalala ko yung sinabi ni Tifa na wala akong puso dahil totoo naman iyon. I'm a heartless CEO of DL Corp dahil doon ako nakilala dahil sa pagiging walang puso ko. Unang una ayaw ko tatamad na empleyado. Pangawala ayaw ko magkagusto sila sa akin dahil mawawalan ang pagiging professional at concentration nila sa trabaho. That's the reason why I made those rules dahil isa lang ang goal ko sa buhay noon ang maging no. 1 sa buong mundo ang DL Corp at gusto ko patunayan rin kay dad na kaya kong humawak ng isang kumpanya namin not only Theo.

Lumapit ako sa kanya at dinikit ko ang labi ko sa kanya. Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi at agad rin naman tumutugon si Tifa.

"Akala ko ba hindi i-take advantage ang sinabi ko sayo kanina." She said between our kiss.

"Yes pero kiss lang naman ito kaya pagbigyan mo na ako." Sagot ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi niya kaya iyon ang dahilan napaungol siya. Gosh. Nakakaramdam na ako ng init sa katawan pero kailangan pigilan ko ito dahil ayaw kong magalit sa akin si Tifa.

Ako na rin ang humiwalay.

"What's wrong?" Takang tanong ni Tifa sa akin.

"Baka pumunta pa tayo ng langit kung hindi ko pigilan ang sarili ko."

"Manyak ka talaga." Umiwas ng tingin sa akin si Tifa at kitang kita ko ang pagpupula ng pisngi niya. Natatawa na lang ako sa reaksyon niya ngayon.

"Pakilala ko kayo ni Mason sa family ko bukas dahil nakauwi na pala si Sarah."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon