Epilogue

5.4K 113 3
                                    

Red's POV

Nandito ako ngayon sa kumpanya dahil simulang bumalik kami ni Tifa ay tambak na ang mga trabaho ko. Tsk. Kaya ayaw ko ang umaabsent kaso wala ako magagawa. Hindi ako babalik ng Manila hanggat hindi sumasama sa akin si Tifa.

Si Tifa, Mason at ang unborn baby namin ang gusto kong makasama habang buhay.

Abala ako nakatingin sa harap ng laptop ko ng may narinig akong katok sa pinto.

"Come in." Sabi ko pero hindi ko na inabalatang tingnan ang pinto. Kailangan ko na rin kasi tapusin ito para makauwi ng maaga. I missed Tifa.

"Sir, delivery po." Kumunot ang noo ko kaya inangat ko ang tingin.

"Delivery? Mimi, kailan ka ba naging delivery girl?"

"Ngayon lang, Didi." Nakangiting sabi nito sa akin.

"Ano pala ang ginagawa mo dito? Hinintay mo na lang sana ako sa bahay."

"Dinalhan kita ng makakain. Baka kasi hindi ka pa kumakain sa sobrang workaholic mo at ang sabi ni manang Ching paborito mo daw itong pesto." Nilapag niya ang hawak niyang paper bag naglalaman ng isang tupperware sa center table medyo malapit sa table ko. Napalunok ako ng makita ko pesto nga yung laman. "Hindi ba may allergy? I mean may isda rin ang pesto."

"Hindi naman lahat na isda may allergy ako. Pwede ako ng anchovy kaso bihira lang ako kumain ng ibang isda dahil takot si mom atakihin ako ng allergy ko." Tumayo na ako para lumapit kay Tifa at tumabi na sa kanya.

"Alam kong pagod ka sa trabaho kaya susubuan na lang kita." Pinaikot na niya ang tinidor sa pesto at inabot sa akin. "Say ahh."

"Ahh..." Binuka ko naman ang bibig ko at sinubuan ako ni Tifa. Ang sarap talaga ng pesto. "Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko, Mimi?"

"Mamaya na lang paguwi mo." Napangiti ako dahil sa pagpayag niya.

"Talaga pumapayag ka?"

"Wala na rin naman ako magagawa, Red. Alam ko naman hindi mo ko titigilan sa pangungulit mo sa akin."

Nang naubos ko na ang pestong dinala ni Tifa sa akin ay nabusog ako ng sobra. Ang sarap talaga.

"May ganito pa ba sa bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Maraming niluto si manang Ching kaya magpabusog ka." Natutuwa naman ako dahil mapaparami kain ko nito pero ang gusto kong hapunan ay si Tifa at baka mamaya na rin ang binabalak kong magpropose sa kanya.

Narinig ko ang pagtunog ng intercom kaya tumayo na ako para sagutin.

"Yes?"

"Sir, paparemind ko lang po sa inyo na malapit na ang meeting niyo sa mga board members."

Shit, kung hindi lang talaga importante ang meeting ko ngayong araw ay papa cancel ko sa sikretarya ko. Gusto ko pa naman kasi makasama si Tifa.

"Mukhang busy ang schedule mo ngayon ah." Humarap na ako kay Tifa habang nililigpit niya ang tupperware. "Kita na lang tayo sa bahay, Didi."

Sumimangot akong lumapit sa kanya dahil wala na ako magagawa pa. Hinalikan ko na rin siya sa mga labi nito pero ako na rin ang humiwalay baka hindi na ako makaattend ng meeting ko kapag may nangyari sa amin ni Tifa ngayon. Mamayang gabi na lang.

Pagkatapos ng meeting ko sa mga board members ay nagmamadali na akong umuwi sa bahay. Excited na ako makita muli si Tifa.

"Nandito na pala kayo, daddy." Pagkakita sa akin ni Mason noong nakarating na ako sa bahay.

"Hey, lad. Tapos mo na ba ang mga homework mo?"

"Yes po. Tinulungan na rin po ako ni mommy sa homework ko."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon