Chapter 13

4.8K 110 2
                                    

Tiffany's POV

Tahimik na ulit ang buhay ko ngayon dahil walang Red o kahit anong konektado sa lalaking iyon. Alam na ng pamilya ko na may pamilya na si Red dahil ayaw ko na ang magsinungaling sa kanila.

"Beshie!" Niyakap ko si Cameron dahil sobrang tagal na rin ang huling kita ko sa kanya.

"Musta ka na, Cam? Sobrang busy mo na yata sa trabaho mo."

"Oo nga, eh. And guess what pwede kita ipasok sa pinagtatrabahuan ko ngayon."

"Really? Tamang tama kailangan ko ng trabaho ngayon para sa pamilya ko."

"Yep. Tutulungan na kita sa mga requirement para makapasok ka doon at next week ang interview."

"Salamat, Cam. Hulog ka talaga ng langit."

"Of course. I'm your fairy god mother. So, tara na?"

"Ngayon na ba?"

"Pwede rin ngayon pero yayain sana kita lumabas."

"Okay. Wait, magbibihis lang ako." Nagmamadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay nakita kong kinakausap ni Cameron si Mason.

"Mimi, pasalubong ko po ah?"

"Wala pang pera si Mimi ngayon, baby." Sagot ko. Naubos na kasi lahat na ipon ko sa ospital ni papa para lang makalabas siya agad. Ngayon ay inaalagaan namin si papa at dapat palagi niya iniinom ang kanyang gamot.

"Okay lang po. May binigay naman si tito Leon na laruan." Masiglang sabi ng anak ko. Masyadong spoiled si Mason kay Leon kahit ilang beses ko na sinabihan ang kapatid ko na huwag niya masyadong bigyan ng kung anu-ano si Mason. "Ingat na lang po kayo ni tito Cam."

Nalaman na rin ni Mason na hindi ko siya kapatid dahil narinig niyang naguusap kami ni mama. Ilang araw nga ako hindi kinakausap ng anak ko dahil nagtatampo siya sa akin na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, kahit sa sarili kong anak ay nagsinungaling ako. Mabuti nga hindi siya lumayas at puntahan ang Didi niya.

"Huwag ka maging pasaway sa lola mo ah. Lalo na sa lolo mo."

"Mimi, mabait po ako."

Nang pumunta na kami ni Cameron sa isang mall ay alam kong dito siya nagtatrabaho. Sa isang restaurant kasi siya nagtatrabaho at isa pa siyang manager.

"Hindi ba dito ka nagtatrabaho?"

"Yup. Tara puntahan na muna natin yung restaurant ng pinagtatrabuan ko para alamin ang requirements." Nauna na ito maglakad patungo sa escalator.

"Anong posisyon ba ang hinahanap?"

"Isang nasipag na waitress o waiter. Ayos lang ba sayo?"

"Oo naman. Kahit anong trabaho basta legal siya." Pabiro ko sa kaibigan.

"Loko ka talaga, beshie. Hindi ko naman magagawang ipahamak ka kaya legal itong papasukan mo."

Habang naglalakad kami ni Cameron papunta sa restaurant ay may nakita akong familiar na tao. Teka, si Red ba iyon? Hindi ako pwedeng magkamali dahil kasama niya ang kanyang asawa. Kaya imbes na dumeretso ako sa restaurant ay ibang direksyon ang pinupunta ko.

"Beshie!" Tawag ni Cameron sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad.

"Shh... Tahimik ka lang. Baka marinig nila tayo." Nagtago na ako sa likod ng pader. Sana nga lang hindi ako nakita ni Red. Ano ang ginagawa nila rito? Malamang mall ito.

"Sino naman ang makakarinig? May humahabol ba sayo, beshie?"

"Walang humahabol sa akin pero ayaw ko naman makita ni Red dito."

"What?! Si sir pogi nandito?!" Nagulat pa ang gaga. Kung hindi ko lang ito kaibigan matagal ko ng binatukan.

"Oo, kasama niya ang kanyang asawa." Bigla ako nakaramdam ng lungkot dahil na miss ko na rin ang lalaking iyon. Sa labas ng apat na sulok ng kanyang opisina ay ibang iba si Red napaka caring niyang tao kaya siguro maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at ang swerte ni ma'am Bianca dahil siya ang naging asawa ni Red.

"Grrr... Kasama niya ang linta na iyon. Sarap talaga sabunutan ang babaeng iyon."

"Wala tayong magagawa dahil siya ang asawa ni Red."

"Dapat kasi noon pa lang ay sinabi mo na kay sir pogi ang totoo. Kung alam na niyang may anak kayo ay baka hiwalayan na niya yung linta."

"Iyan ang hindi pwede, Cam. Kaya ako bumalik sa bahay ng magulang ko para lumayo kay Red dahil may balak akong patayin ni ma'am Bianca nang nalaman niyang magkasama kami ng asawa niya sa ospital."

Natatakot lang ako baka totohanin niya talaga iyon. Ayaw ko pati si Mason ay mapahamak dahil sa baliw na babaeng iyon.

"Baliw pala ang pinakasalan ni sir pogi. Dapat ang gawin doon ay iparehab baka bumalik katinuan ng babaeng iyon." Sumilip si Cameron sa likod ng pader kung saan kami nagtatago ngayon. "Hindi ko na sila natatanaw dito. Siguro naman pwede na tayo tumuloy sa restaurant."

Noong nalaman na namin ni Cameron ang requirement para sa trabaho ay tinutulungan na niya akong gawin ang lahat para magkaroon na ako agad ng trabaho. Isang linggo na rin kasi ako nasa bahay kaya madalas ako ang nagaalaga kay papa. Paguwi ni Leon galing school ay may part time job naman siya dahil gusto niya makatulong sa amin. Si mama naman ay may trabaho rin sa isang carinderia.

"Sorry kung hindi ganoon kalaki ang sinasahod dito kumpara sa DL Corp, beshie."

"Ayos lang. Basta makatulong lang sa pamilya at makapagaral si Mason."

Pinalipat ko na kasi si Mason ng school para hindi siya puntahan ni Red.

Habang pumapasyal kami ni Cameron ay biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Isang unregistered number.

"Hindi mo ba iyan sasagutin, beshie?"

"Unregistered number kasi."

"Sagutin mo na baka importante."

Wala naman siguro ang mawawala sa akin kung sasagutin ko kahit hindi ko naman kilala ang tumatawag.

"Hello?" Nahihinayang ako sagutin ang tawag.

"Is this Tiffany Tuazon?"

"Yes po. Sino po sila?"

"This is Margareth. Mother of Red."

"Ma'am Margareth, bakit po kayo napatawag sa akin?"

"Pwede ka ba bukas? Gusto lang kita makausap."

"Um, s-sige po." Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Sana walang alam ang mama ni Red tungkol kay Mason para hindi nila makuha sa akin ang anak ko.

Sinabi na sa akin ng mama ni Red kung saan kami magkikita at kung anong oras bukas. Wala na ako magawa dahil pumayag na akong makipagkita sa kanya bukas.

"Did your future mother in law called you? Sa anong dahilan?"

"Future mother in law ka diyan. Wala kaming relasyon ng anak niya at hindi ko alam kung bakit niya gusto makausap ako bukas."

"Baka naman iniisip niya na mas bagay kayo ni sir pogi kumpara doon sa lintang asawa niya."

Hindi ako umaasa na ganoon ang sasabihin ni ma'am Margareth bukas.

Mayaman ang pamilya niya kaya ang gusto niya ang mapapangasawa ng mga anak niya ay dapat mayaman rin. Yung may kaya.

"Ewan ko sayo. Nood na lang tayo ng sine. Libre mo ah."

"Sige. May alam akong magandang movie ngayon."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon