Chapter 43

4.6K 92 0
                                    

Pinagmamasdan namin ni Red ang paglubog ng araw mula sa pwesto namin malapit sa dagat.

"Paano pala tayo uuwi sa Manila kung wala tayong pamasahe?"

"Hindi pa kasi sumasagot sa text ko si Dave para makauwi na tayo. Mukhang busy pa yung kaibigan ko."

"So, habang wala pang sagot ang kaibigan mo ay dito pa rin tayo?"

"Parang ganoon na nga."

Nang dumilim na ay nagpasya na kami ni Red na bumalik sa bahay dahil madilim na ang kapaligiran at para bang bumabalik sa akin lahat sa tuwing dinudukot ako. Ayaw ko na rin kasi ng madilim ang kapaligiran.

"Tifa." Humarap ako kay Red nang tawagin niya ako. "Kailangan ko bumalik sa hotel para kunin yung mga gamit ko at hindi pa ako naliligo simulang umaga."

"Kaya pala ang baho mo." Pabiro ko sa kanya.

"Hindi ako mabaho."

"Joke lang." Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi. "Balik ka agad ah."

"Maybe tomorrow. Baka kasi delikado na ang bumalik ako dito mamaya."

Sabagay may punto naman doon si Red. Delikado talaga kapag naglakad ka sa gabi tapos hindi mo naman alam ang daanan.

"Okay. Dito ka na rin kumain ng hapunan."

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay umalis na si Red para bumalik sa hotel niya. Kahit wala pang isang oras nawawala si Red ay na miss ko na siya agad. Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Red.

"Nakarating ka na sa hotel mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yup, I'm already here. Tulog ka na dahil bawal sayo ang magpuyat."

"Ikaw rin ah. Bukas pagkagising ko ikaw ang gusto kong makita agad."

"Okay. Aagahan ko ang gising ko bukas para makapunta diyan."

Ngumiti ako lalo dahil makikita ko ulit si Red. Sobrang miss ko na siya. Ano ang magagawa ko? Gusto ko palaging kasama ang ama ng anak ko. Iyon siguro ang gusto ni baby.

"Matutulog na ako. Good night." Sabi ko at humiga na ako sa kama.

"Good night. I love you."

"I love you too." Binaba ko na yung tawag at bigla ako napabangon nang maalala ko ang tungkol sa lansones. Lumabas na rin ako sa kwarto, saktong nakita ko doon si Aling Rosie nagliligpit ng mga pinagkainan. "Aling Rosie, yung lansones po na binili ni Red nasaan po?"

"Nasa loob ng refrigerator. Kakainin mo na ba?" Tumango ako. Muntik ko na makalimutan ang lansones baka magtampo si Red dahil pinaghirapan niyang hanapin iyon kahit may buto.

Pagkakuha ko ng lansones sa refrigerator ay tama nga ang sinabi ni Red tinanggal niya ang mga buto nito. Talaga ngang ginawa niya iyon.

"Talaga po bang tinanggal ni Red ang mga buto nito?" Tanong ko ulit sa matanda.

"Oo. Ang sabi kasi niya ay gusto mo daw sa lansones ay ang wala buto pero nahihirapan daw siya maghanap kaya pinagtyagaan niyang tanggalin ang buto niyan."

Talaga si Red.

Napangiti na lang ako sa ginawa ni Red. Pero bigla nag-flash back sa aking isipan sa tuwing tumitingin ako sa kamay niya dahil puno ng band aid ang mga daliri nito. Kahit alam naman niyang hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo ay ginawa pa rin niya. Gusto niya talaga maging masaya kami ng anak niya.

Talaga ang daddy mo, baby. Kahit ano gagawin para sa atin.

Pagkatapos kong kumain ng ilang lansones ay bumalik na ako sa loob ng kwarto para matulog na.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon