Chapter 7

5.3K 136 2
                                    

Tiffany's POV

Lunes na kaya inaasikaso ko na ngayon si Mason para hindi siya malate sa school niya at pina cancel ko na rin ang schedule ni Red dahil sobrang kulit niya kahapon. Every minute tumatawag sa akin kahit ang dami kong ginagawang house chores.

"Galingan mo, baby sa play niyo ah." Sinusuklayan ko na ang kanyang buhok.

"Yes, Mimi." Ngumiti ang anak ko sa akin. Kainis nga lang kahit hindi ko pa nakikitang ngumingiti si Red ay naalala ko siya sa kanya kay Mason. "Pupunta rin po ba si Didi mamaya?"

"Yes, baby kaya galingan mo para matuwa ang Didi mo."

Oh shoot! Bakit ko sinabi iyon kay Mason?

May narinig akong busina sa labas kaya nagtataka ako dahil hindi naman nagdadala ng kotse si Cameron o baka si Red na iyon. Kaya si Mason ay nagmamadaling lumabas sa kwarto niya.

"Didi!" Sigaw ni Mason. Si Red nga ang dumating. Kaya lumabas na rin ako sa kwarto ng anak ko.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" Tanong ko kasi naman nakatayo lang siya sa labas.

"Beshie!" Tawag ni Cameron sa akin pagkarating niya. "Oh, may gwapong bisita pala tayo."

Nakatingin lang si Red kay Cameron na parang papatay ng tao kahit alam naman niyang bakla itong kaibigan ko.

"Tito Cam." Lumapit sa kanya ang bata.

"Ready ka na ba sa play mo?" Tanong ng kaibigan ko kaya tumango sa kanya si Mason.

"I thought relatives lang ang invited. Why is he also invited to watch the play?" Tanong ni Red sa akin dahil sinabi ko sa kanya noon ay kamag anak lang ang pwedeng iniimbita.

"Family friend si Cam kaya parang kamag anak ko na rin siya."

"Um, beshie. Sir, wait lang ah kakausapin ko lang po itong kaibigan ko." Sabay hila sa akin ni Cameron palayo kay Red. "Oh gosh! Ano ang ginagawa ni fafa Red dito, beshie?"

"Ang kulit niya. Kahit anong tanggi ko na huwag siya sumama pero mapilit."

"Malaking gulo ito pinasok mo baka sabihin ni Mason sa buong klase na tatay talaga niya si Red. Well, tatay naman talaga niya pero pareho silang walang alam na mag-ama sila."

Nakuha ko ang punto ni Cameron. Hindi ko naman pwedeng pauwiin si Red na ngayon o papuntahin sa DL Corp.

"Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya sa school." Sagot ko at bumalik na kung saan namin iniwanan sila Red at Mason pero wala na sila dito.

"Ako na ang maghahatid sa inyo sa school para wala na kayo gastos sa pamasahe."

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, sir---"

"It's Red. You don't need to call me sir outside of my company. And that's my order. Remember what's written in my rule # 7, follow all my orders." Inikot ko ang mga mata ko. Nakakairita na rin minsan ang lalaking ito ah. "Don't rolled your eyes on me, Tifa."

Narinig ko na may pumito sa may likuran ko kaya napalingon ako. Si Cameron lang pala at nawala sa isip ko nandito pala siya.

"Cameron, right?"

"Yes, sir pogi." Sabi nito. Basta may lalaking pogi ang landi.

"I like the way you call me." Kumunot ang noo dahil pinatulan naman nito ang pagiging malandi ng kaibigan ko. "Kaya sakay na kayo dahil nasa loob na ng kotse si Mason at baka malate pa ang anak ko."

Narinig ko ulit pumito si Cameron kaya kinurot ko siya sa taligiran niya.

"Ouch! Beshie, masakit iyon."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon