Chapter 30

4.6K 99 2
                                    

Mga ilang araw na rin noong pinayagan akong lumabas ng ospital kaya sinamahan ako ni Cameron hanggang sa bahay namin pero umalis rin siya agad pagkarating sa bahay.

"Mabuti naman walang nangyaring masama sayo, Tiffany." Niyakap ako ni mama kahit si Leon ay sumali na rin sa amin.

"Sorry po kung pinagaalala ko kayong lahat."

"Ate, masyadong nagaalala kami sa nangyari sayo at hindi nga namin alam ni mama kung paano namin sasabihin kay papa."

"Huwag niyong sabihin kay papa para walang mangyaring masama at saka ang importante nakauwi na ako ngayon."

"Oh siya. Magluluto na muna ako ng miryenda. Leon, tulungan mo ko magluto." Pumunta naman sina mama at Leon sa kusina para magluto ng miryenda. Himala magluluto ng miryenda si mama ngayon kasi naman noon ay hindi siya magluluto.

"How about me? Can I have a hug too?" Napasinghap ako ng may narinig akong familiar na boses at lumingon ako sa likuran ko.

"Red." Agad akong lumapit sa kanya para yakapin ng mahigpit. "Ang akala ko pa naman iniwanan mo na kami ni Mason."

"Kung ganyan kahigpit ang yakap mo sa akin baka tuluyan na ako nito." Pinalo ko siya sa dibdib niya dahil hindi magandang biro iyon.

"Bakit niisang beses ay hindi mo ko binisita?"

"I'm scared. Nang dahil sa akin kaya comatose ka ng tatlong buwan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo."

"Alam mo ikaw agad ang hinanap ko pagkagising pero wala kila Cam at David ang nakasagot kung nasaan ka."

"I know. Dave told me everything."

"Wala bang masakit sayo? Noong pagkaalala ko nakadusay ka na at hinawakan kita ay sobrang lamig mo na."

"Akala ko nga katapusan ko na rin iyon pero maswerte ako na buhay---" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Red dahil siniil ko siya ng halik. "You already forgot your rules. No kiss until I prove it."

"Huwag mo na isipin iyan dahil nagalala talaga ako sayo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Niyakap ko ulit si Red at doon na pumatak ang luha ko.

"I won't let that happen again."

"Nasaan ka ba nitong mga nakaraang buwan?" Kumalas na ako sa kanya.

"Italy. Nag stay na muna ako sa Italy ng isang buwan at nakaraanv buwan ay pinuntahan ko si Bianca kasama ang ama niya para pirmahan nito ang divorce paper namin. Saka ang balita ko pa ay inaaway mo daw ang mga doctors and nurses."

"Bored na ako. Labas pasok pa naman ang mga nurse para tingnan ako kaya wala pa akong tulog simulang nagising ako."

"Maganda ka pa rin naman sa paningin ko kahit may eyebags ka pa." Pinalo ko siya ulit sa dibdib. Kainis!

"Ano pala ang nangyari?"

"Sinabi ni Dave sa akin ang lahat na pangyayari, pagkarating niya sa kwarto kung nasaan tayo ay walang kaalam alam si Bianca na parating siya kaya binaril niya sa paanan ni Bianca pero hindi naman niya tinuloy at tumawag siya agad ng ambulansya para madala tayo agad sa malapit na hospital."

"Ano na nangyari sa kanya ngayon? Nasaan na siya?"

"Nasa kulungan na ngayon si Bianca at yung mga tauhan niya ay namatay dahil lumalaban sila sa mga pulis."

"May kasabwat si Bianca. Isang lalaki."

"Sino?" Kumunot naman ang noo at parang ang seyoso ni Red ngayon.

"Hindi ko kilala dahil hindi ko nakita ang mukha pero alam kong dalawa sila. Italiano rin ang lalaking kasabwat ni Bianca."

"Kailangan masabihan si Dave tungkol dito para hanapin ang isa pang kasabwat ni Bianca."

"Ano pala ang ginawa mo sa Italy?"

"I talked her parents at sinabi ko sa kanila ang mga kagagawan ng anak nila dito sa Pilipinas. Nawala man sa akin yung cellphone ko na may record ng paguusap nila ni Theo ay naniwala naman sila sa akin dahil nalarma na sila ganito ang mangyayari kay Bianca. Nagalit ako sa kanila dahil hindi man lang sinabi sa akin ang tungkol doon. Kung alam ko lang sana hindi rin ako tumuloy sa pagyaya sa kanya magpakasal at tinuloy ko pa rin ang paghahanap sayo noon."

"Hinanap mo ko noon?" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.. Hinanap ako ni Red.

"Yes, dalawang taon kita hinanap bago ko yayain si Bianca." Hinawakan ni Red ang kamay ko pero nakaramdam ako ng kuryenteng dumadaloy nang dumikit ang balat namin sa isa't isa. "Ngayon malaya na ako sa marriage life ko kaya pwede na kita makasama habang buhay."

"Hindi porket may anak na tayo ay papayag ako agad sa kagustuhan mo, Red. At subukan mo lang na gamitin si Mason ay malalagot ka sa akin."

"Yes, ma'am."

Mabuti nga lang ay divorce na sila ng baliw niyang ex wife para maging akin ka na, Red. Official.

"Anyway, pauwi na rin ng bansa si Sarah dahil dito siya magbabakasyon kaya papakilala kita sa family ko."

"Pero kilala ko na silang lahat maliban sa sister mo."

"No, papakilala kita sa kanila as the mother of my child, love of my life and my future wife."

"Ano iyan? Are going to propose?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil parang nagpopropose na sa akin si Red ngayon.

"Kung pwede nga lang na luluhod na ako ngayon sa harapan mo para makasama ko na kayo ni Mason sa bahay."

"Hindi ka ba nalulungkot dahil magisa ka na lang sa bahay mo?"

"Nope, may kasama naman ako doon. Si manang Ching."

Napangiti ulit ako ng may naisip akong ideya.

"Ganito na lang ang gawin natin tuwing weekend ay makakasama mo si Mason para magkaroon kayo ng bonding na dalawa."

"Si Mason lang? Hindi ka kasama?"

"Hindi. Baka kasi gusto mo makabawi sa kanya dahil wala ka ng apat na taon. Wala ka noong lumalaki na si Mason."

"Yeah, apat na birthday na niya wala ako kaya babawi ako sa susunod niyang birthday. Sana payagan mo ko." Ngumiti ako sa kamya bago tumango.

"Ate, kuya, kain na muna kayo ng miryenda sabi ni mama." Sabi ni Leon at bumalik ulit sa kusina.

"Tara. Hindi ako masyado nakakain sa hospital dahil hindi ko gusto pagkain nila." Tumayo na ako at hinila ko na siya para tumayo pero ang bigat ni Red.

"Ang arte mo pala."

"Anong maarte doon? Tatlong buwan akong walang malay kaya gutom na gutom ako. Ngayon lang ulit ako makakain ng tunay na pagkain."

Pinagtulak ako ni Red ng upuan at umupo na ako doon. Sa tabi ko naman siya umupo.

"Susunduin ko na po si Mason sa school niya." Sabi ni Leon.

"Bago ka pumunta sa school ni Mason ay tawagin mo na muna ang papa mo." Utos naman ni mama.

"Kumain ka lang ng marami, Red. Masarap itong luto ni mama." Inabutan ko siya ng turon na gawa ni mama.

"Mukha ngang masarap." Agad naman niyang sinubo ang maliit na pirasong kinuha niya sa turon pero naririnig ko siyang napapamura. Tama daw bang subuin agad na hindi man lang pinalamig mula. Shunga talaga ito.

"Hindi ka naman masyadong gutom, no?" Natatawang saad ko.

"Sorry. Hindi pa kasi ako kumakain."

"Bakit ka nagpapalipas? Baka magkasakit ka sa ginagawa mo."

"Are you worried?"

Tanga ka ba? Malamang nagaalala ako dahil ayaw ko magkasakit ang lalaking mahal ko."

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon