Chapter 29

4.1K 93 4
                                    

Tiffany's POV

Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito at sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pinaggagawa nila sa akin. Kulang na lang i-torture nila ako ng buhay at sana nga lang mahanap na ako ni Red ngayon o gumagawa siya paraan para mahanap ako.

I have no idea where am I dahil may takip ang mga mata ko noong araw na dinukot ako kaya wala akong ideya kung saan ako dinala o saang lumalop ng mundo ako ngayon.

May anino ako natatanaw mula sa labas ng isang kwarto dahil may ilaw galing doon at mukhang may dalawang tao ang papalapit kung saan naroon ako ngayon. Napapalunok na lang ako dahil panigurado akong kampon na naman ni Satanas ang mga ito pero narinig ko ang boses ng isang babae at isang lalaki at hindi lang iyon dahil hindi Tagalog ang lenguwahe ang ginagamit nila.

Hanggang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Oh God! Katapusan ko na ba?

"What's that?" Nabosesan ko ang boses ng babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang baliw na asawa ni Red iyon.

Mabuti naman umalis na sila kung saan sila nakatayo ng kasama niya kanina. Siguro pinuntahan na nila kung saan galing ang pagputok ng baril.

"Babe, nandito ka ba?" Nabuhayan ako ng marinig ang boses ni Red. Sana hindi ito hallucination.

"Red." Mahinang tawag ko sa kanya. Sana nga lang nandito siya at hindi hallucination.

"Babe, I'm here." Tiningala ko siya at talagang hinang hina na ako ngayon. Lumapit siya sa pwesto ko ngayon. "Tatanggalin ko itong tali mo para makatakas tayo. Can you talk?"

Tumango ako sa kanya kahit pakiramdam ko ay hihimatayin na ako.

"Good. But can you walk?" Umiling ako sa kanya dahil hindi ako sigurado kung makakalakad ako. "Oh Gosh. Damn it! Bubuhatin kita para makalabas tayo--"

"You're not going somewhere, babe." Napasinghap ako ng marinig boses ni Bianca. Sinensyasan ko si Red na umalis na dito pero hindi siya nakinig sa akin. Ngayon pa talaga umiral ang katigasan ng bungo ng lalaking ito. Pinapahamak lang niya ang kanyang buhay.

"Bianca. Love." Agad naman tugon ni Red. Ano ba itong pinagsasabi ng lalaking ito?

"Don't 'love' me, Red."

"Why? We're still married, right? Or maybe you planned something that's why you accept my marriage proposal... am I right, Bianca?"

"I don't know what are you talking about."

"Act like an innocent, eh?" Palihim na may kinukuha si Red sa bulsa, isang cellphone iyon at parang may hinahalungkat doon na hindi man lang niya tinitingnan. Mukhang kabisado na niya. Hanggang may narinig akong boses para bang recorded at boses iyon ni Bianca pero wala ako maintindihan sa sinasabi nito. "Is this kind of a game that you want to play?"

"Damn you!" Tinutukan niya ng baril si Red.

"Red." Hindi ako makasigaw dahil naubusan na ako ng boses sa pinaggagawa nila sa akin kahapon.

Napapikit ako ng may narinig akong isang putok ng baril pero pagdilat ko ay nakita ko si Red nakadusay na sa sahig ngayon.

"Red." Tawag ko ulit sa kanya at sakto naman ang pagtulo ng luha ko. Natanggal ko naman ang tali sa kamay ko kaya agad ako lumapit sa katawan ni Red.

"I'm going to kill you too!"

Napahawak ako sa braso ko dahil doon ako natamaan ng bala. Hinawakan ko ang isang kamay ni Red pero nararamdam ko parang lumalamig na siya.

"Oh, please. Red, huwag kami kami iiwanan ni Mason."

Bago pa ako mawalan ng malay ay marinig pa akong putok ng baril. Heto na yata ang katapusan namin ngayon.

Nagising na lang ako sa isang puting paligid. Nasaan ako ngayon at agad kong nilibot ang buong silid hanggang nadatnan ko si Cameron.

"Beshie. Salamat gising ka na."

"Cam.." Bigla ako napahinto sa sasabihin ko ng maalala ko si Red.

Agad ako napabangon sa kama para hanapin at alamin ang kalagayan ni Red ngayon. Sana buhay siya.

"Beshie, kumalma ka na muna."

"Kumalma?! Paano ako kakalma kung wala akong alam kung ano ang nangyari kay Red ngayon?" Pumatak na naman ang luha ko dahil hindi ko kaya mawala sa akin si Red. Ang laking engot naman kasi niya na pumunta sa ganoong lugar kahit alam naman niyang wala siyang kalaban laban sa mga kampon ni Satanas.

May kumatok mula sa kwarto at bumukas ang pinto. Si David, ang kaibigang pulis ni Red.

"Si Red?" Agad kong tanong sa kanya dahil alam kong may alam siya na pwedeng mangyari kay Red ngayon pero hindi sumagot si David sa akin. "David, sumagot ka!"

"Huminahon ka na muna."

Huminahon? Paano ako iyan magagawa kung wala sa kanila ang sumasagot sa tanong ko.

"Red! Hindi ko kayo mapapatawad na lahat lalo ka na!" Turo ko kay David dahil siya dapat ang reponsibilidad sa ganitong sitwasyon.

I heard him groan.

"Tatawag lang ako ng nurse." Lumabas naman ito ng kwarto pero tuloy pa rin ako sa paghagulgol ng iyak.

Hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon kung may mangyaring masama kay Red.

Nakaramdam na ako ng antok kung ano ang tinurok sa akin ng isang nurse.

"I'm sorry, beshie." Iyon na lang huling narinig ko bago ako tuluyang makatulog ulit.

Nagising na ulit ako kaso madilim na ang labas pero naalala ko na naman ang mga mangyari sa akin at wala pa rin akong sagot natatanggap mula sa kaibigan ni Red kung nasaan siya o kung ano ang nangyari.

Hindi kita mapapatawad kung iniwanan mo kami rito ni Mason, Red. Hindi ko papatahimikin ang kaluluwa mo kapag tuluyan mo nga kami iniwanan.

"Cam, ilang araw na ako nawalan ng malay simula nakarating ako ng hospital?" Kalmadong tanong ko sa kaibigan.

"Sa tingin ko 3 months ka ng comatose, beshie." Tumango lang sa kanya. Ganoon na pala ako katagal walang malay.

"Si Mason pala?"

"Nandoon ngayon sa bahay ng parents mo."

"Alam ba ni mama ang nangyari sa akin?"

"Oo. Kahit ayaw kong sabihin sa kanila ang nangyari sayo pero mabuti na lang wala doon ang papa mo." Mabuti naman kung ganoon wala si papa dahil hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung meron mangyaring masama kay papa kapag inatake ulit siya sa puso.

~~~~

Hala. Nakaligtas ba si Red o hindi? 😱

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon