Chapter 3

5.9K 158 1
                                    

Hindi ko nga alam na mapilit pala ang tatay ni Mason dahil gusto niyang sabay kami pumasok kahit ayaw ko. Marami ang makakita sa amin na sabay pumasok at paniguradong pagtsitsismisan kami ng mga tsismosa sa DL Corp pero mapilit talaga ang lalaking ito.

Nang pinarada na niya ang kanyang kotse sa parking lot ay humarap na siya sa akin.

"Use the CEO elevator para walang empleyado makahalata na galing ka sa parking lot." Utos nito sa akin.

"Wala po bang guard nagbabantay doon?"

"Wala. Sa entrance at bago ka lang pumasok sa parking lot ang mga guard kaya safe ka pumunta sa CEO elevator at mamaya pa ako ng konti bago pumasok."

Hindi na ako sumagot pang muli kay Red dahil bumaba na ako sa kotse niya baka kasi may makakita pa sa amin dito at dumeretso na ako ngayon sa CEO elevator. Si Red lang ang pwedeng gumamit nito dahil siya ang CEO ng DL Corp. pagkarating ko sa 25th floor ay deretso lang ako pero nagulat ako nang makita si Gold.

"Sir Gold!"

"Oh, Tiff. Finally you came." Sinalubungan ako ng yakap ni Gold.

"Bakit po? Ano po ang kailangan niyo? Kung si sir Red wala pa po siya." Tinutulak ko na siya para humiwalay sa pagkayakap sa akin baka kasi may makakitang ibang empleyado at kung ano ang isipin.

"Hindi si Red ang pinunta ko rito, kundi ikaw."

"Bakit po?" Nagtataka ako sa dahilan nito.

"Pumayag ka na maging kasama ko para sa birthday ng mom ni Red. Mga kaibigan ko at si Red panigurado ako may mga partner sila lalo na si Red dahil kasal na ang kumag na iyon. Ayaw ko naman out of place sa grupo."

Bumuntong hininga na lang ako. Naawa naman ako sa lalaking ito dahil walang partner para bukas.

"Marami kayong kasamang babae dahil kilala kayong dakilang babaero. Bakit hindi isa sa kanila ang isama mo?" Sumimangot naman siya sa tinanong ko. Bakit? Nasaktan ko ba ang ego niya? Wala naman kasi ako interest pumunta sa mga ganoon.

"Pero ikaw ang gusto ko isama bukas."

"Pagiisipan ko na muna. Titingnan ko kung pwede ako bukas dahil walang magaalaga sa kapatid ko."

"Call me kung nakapagisip ka na." May binigay siyang calling card sa akin at niyakap niya ulit ako pero may tumikhim sa likuran ko kaya napalakas ang tulak ko kay Gold.

"S-Sir Red, nandiyan na po pala kayo." Kinakabahan ako sa mangyayari pero dinaan lang niya kami na para bang walang pakialam.

Napansin kong huminto sa paglalakad si Red pero hindi siya humarap sa amin ni Gold.

"First warning, ms. Tuazon." Sabi nito at tumuloy na siya sa pagpasok sa loob ng opisina niya.

Frst warning, ms. Tuazon

First warning, ms. Tuazon

First warning, ms. Tuazon

Parang isang sirang plaka ang paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Red kanina.

Napakagat ako sa labi. Ayaw ko mawalan ng trabaho kahit isang sikretarya lang ako ni Red ay nakakasama ko lang siya, ayos na sa akin. Hanggang tingin lang ako sa kanya katulad ng dati.

Ayon nga sa kanta ni Jon McLaughin na So Close...

So close yet so far...

Langit si Red, lupa naman ako. Mahirap abutin ang katulad niyang mayaman.

"Please, sir Gold huwag niyo na po ako bisitahin sa oras ng trabaho dahil ayaw kong matanggalan sa trabaho."

"Sorry. Hindi na mauulit, Tiff baka magbago pa ang isip mong sumama sa akin."

"Hindi pa ako pumapayag kaya pwede pa ako tumanggi sayo."

Bumalik na ako sa desk ko at hindi ko na nga napansin ang paalam ni Gold sa akin.

Napakagat na naman ako sa ibabang labi ko para labanan ang pagpatak ng luha ko dahil kahit anong oras ay papatak na ang luha ko sa nangyari kanina.

Kung nakaipon ipon na ako ng pera ay aalis na ako sa kumpanya ni Red dahil ako rin naman ang nasasaktan at baka mawala sa isip ko ang huling rules niya. Kung aalis man ako ay yung handa ako. Unang una hindi ka naman niya mahal kaya huwag ka na umasa, pangalawa may asawa na siya, pangatlo si Mason lang ang priority mo sa buhay. Mapatapos ko siya sa pagaaral ay masaya na ako dahil hindi sayang pagod ko para sa anak ko.

Napaisip na ako hindi na kailangan malaman ni Red ang tungkol kay Mason.

Pagkatapos ng trabaho ko ay wala na si Red sa opisina niya dahil nauna na siya sa mall kaya sumunod na ako doon. Wala ako magaawa, eh. Pumayag na ako sa kanya kanina.

Nang nakarating na ako sa mall ay biglang tumunog ang phone ko na sobrang luma dahil wala naman akong pera para bumili ng bago. Ang ipon kong pera ay para kay Mason lang iyon.

"Where are you?"

"Nandito na po ako sa mall. Nakapasok na po ako."

"Okay, good. Saan ka banda?"

"South exit po."

"Huwag kang aalis diyan. Pupunta na ako diyan."

Binaba naman niya agad ang tawag kaya binalik ko ang phone ko sa loob ng bag.

Natatanaw ko na si Red na papalapit sa gawi ko pero umiwas na rin ako ng tingin sa kanya.

"Let's go?" Tumango na lang ako sa kanya at naglakad na kami pareho.

Dahil nasa 2nd floor pa ang department store ay pumunta na kami sa escalator para umakyat sa susunod na palapag.

"Sir, doon po ang women clothes." Turo ko kung saan ang mga damit pang babae.

"Oh. I thought that way." Tinuro naman niya ang kabilang direksyon.

"Hindi po. Pang lalaki diyan."

Nang nakarating na kami sa bilihan ng damit ay halata sa mukha ni Red nahihirapan siya.

"Ano sa tingin mo ang babagay kay mom?"

"I don't know dahil hindi ko pa nakikita sa personal ang mama niyo." Kibit balikat kong sagot sa kanya.

"Sir, baka ito ang babagay na damit para mother niyo." May pinakita isang dress ang saleslady.

Nakatitig lang doon si Red at halatang wala siyang alam pumili ng damit.

"Wala na po bang ibang size, ate?" Tanong ko sa saleslady.

"Meron pa po, ma'am."

Tumingin ako kay Red para tanungin siya.

"Anong size ang mama mo?"

"Um, I think small to medium. Hindi naman mataba si mom kaya sa tingin ko ganoon ang size niya." Sagot nitong amo ko.

"May ganoon po ba kayong size?"

"Titingnan ko lang po kung may stock pa." At umalis na sa harapan namin ang saleslady.

Habang naghihintay ay tumitingin ako ng magandang dress pero napabuntong hininga ako dahil ang mahal ng presyo. Sa mumurahin lang ako bumibili ng damit, eh. Simulang tinakwil ako ng mga magulang ko ay nag-kada hirap hirap na ako sa buhay pero natuto naman ako bumangon sa sarili kong mga paa at hindi ako humihingi ng tulong sa kanila. They cut off my allowance kaya simula noon wala na akong pera at kung meron man akong pera ngayon ay ipon ko lang iyon para sa pagaaral ng anak ko, isa lang hihilingin ko ang makapagtapos si Mason sa pagaaral. Hindi katulad ko dahil 2nd year, 1st semester lang tinapos ko ng college kasi hindi ko alam nagdadalang tao pala ako kay Mason noon. Pero noomg pinanganak ko na si Mason ay tinulungan ako ni Cameron sa pagalaga sa anak ko kaya bumalik ako sa pagaaral at sumikap ako sa pagaaral para sa anak ko at para na rin sa akin. Kahit mahirap ang naging trabaho ay gagawin ko ang lahat para kay Mason.

~~~~

Comment and press ☆ to vote

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon