Chapter 12

4.9K 125 2
                                    

Simulang umalis si Tifa ay hindi na ako makapag concentrate ng maayos sa trabaho ko at minsan ay late pa ako sa mga meeting. Gusto ko makita si Tifa pero hindi pwede dahil alam kong nagmamasid sa mga kinikilos ko ngayon si Bianca.

"Hey, Pula." Nilingon ko si Gael dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon. "Kung hindi lang ako pumunta dito hindi ko malalaman umiinom ka ng magisa."

"I don't need someone to accompany me."

"May problema ba? Kilala kita, Red." Seryoso na ang kumag na ito.

"Napapadalas ang pagtatalo namin ni Bianca." Sabi ko at uminom na ng alak.

"Himala yata nagaaway na kayo ni Bianca. Noong dati nga sobrang sweet niyong dalawa at kulang na lang magkaroon ng CAT ang mga langgam sa sobrang tamis niyo." Umupo na ito sa bakanteng stool sa tabi ko. "Boss, isa ngang vodka."

"Okay, sir." Sabi ng bartender kay Gael.

"Huwag mong sabihin dahil kay Tiffany kaya madalas kayo nagaaway ni Bianca." Bumuga ako ng hangin bago humarap sa kanya. "Tungkol pala sa pinapahanap mo sa akin ay matatagalan pa dahil marami pa akong trabaho na kailangan asikasuhin pero wag ka magaalala hahanapin ko iyon kapag may oras na ako."

"Thanks, man."

"Sayang ang bayad mo sa akin pagkakataon." Napailing na lang ako sa sinabi nito.

"Basta malaking binayad ang bilis mo umoo, no?"

"Siyempre. Trabaho ang pinguusapan dito at serbisyo ko. Hindi naman madali ang pinapagawa mo sa akin. Pero may isang bagay akong natuklasan."

"Ano naman iyon?"

"May anak siya."

"I know. Mason ang pangalan ng anak niya."

"Weh? Kung alam mo pala eh, bakit ka pa humihingi ng tulong sa gwapo mong kaibigan?" Tinaasan siya ng isang kilay na ng inabot na sa kanya ng bartender ang kanyang order na vodka.

"Pardon? Sa ating apat ako ang pinaka gwapo. Halos lahat na kababaihan noon ay sa akin lumalapit."

"Sikat ka kasi. Sa ating apat ikaw ang pinaka mayaman kaya hindi ko tatanggihan ang dobleng bayad mo dahil minsan ka lang magbitaw ng malaking pera."

"Baliw ka talaga."

"Kung nakuha mo na ang information tungkol kay Tiffany pero magkakaaway kayo ni Gold. Mukhang seryoso siya kay Tiffany."

"Si Gold? Magseseryoso? Don't make me laugh."

Dahil akin lang si Tifa. Ako lang ang pwedeng gumalaw sa kanya. Possessive na kung possessive ang ginagawa ko dahil akin lang si Tifa.

"Pero seryoso na, Red bakit mo ba gusto malaman ang tungkol sa babaeng iyon?"

"May pakiramdam ako na kilala ko siya noon. Inamin niya sa akin na pareho kami ng pinapasukan noong grade school."

"Gusto mo pati iyon ay alamin ko?"

"Yes. Triple na ang bayad ko sayo kapag nakuha mo ang information totoo ang sinabi niya na doon siya sa school na iyon." Sagot ko at umiinom ulit ako.

"You're crazy, man. Hindi ko trabaho ang magnakaw ng school records."

"I sounds crazy but I didn't say you're going to steal it. Kumuha ka lang ng information kung doon nga siya nagaaral."

"Give me a month. Matatapos ko na itong pinapagawa mo." Tumango lang ako sa kanya. "Money here I come, baby."

"Mukha ka talagang pera." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Si mr. Red De Luca ay napatawa ko. Himala, may isang himala."

"Baliw ka talaga. Hindi ko maintindihan kung paano kita naging kaibigan."

"Masaya lang ako dahil simulang nakilala mo Tiffany na iyan ay natuto na ulit tumawa. Ano ba meron sa babaeng iyan? Pareho kasi kayo ni Gold baliw sa kanya kahit may asawa ka na pero sa ibang babae ang atensyon mo."

"Ano ang binabalak mo?"

"Wala akong binabalak. You know me ayaw ko ng commitment dahil ayaw ko maging katulad mo."

"Huwag ka magsalita ng tapos, Gael. Dahil hindi mo alam kung kailan titibok ang puso mo." Humarap ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko. "May papakilala ako sayo."

"Parang ayaw kong makilala iyan ah. Sa ngisi mo pa lang mukhang hindi maganda ang mangyayari."

"Pangako magugustuhan mo ito."

"Sino ba iyan?"

"Yung kaibigan kasi ni Tifa ay gusto makilala kayo ni Dave pero nandito ka na rin naman, eh ikaw na lang."

"Anong pangalan niya?" Kumikinang pa ang mga mata nito. Excited na ang kumag.

"Cameron."

"Cameron? Fuck you, Red. Lalaki papakilala mo sa akin?! Hoy, hindi ako bakla."

"Siya ang bakla."

"Ayaw ko pa rin. Kay Dave na lang siya. Kinakalibutan ako sa sinasabi mo, gago." Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon ni Gael.

"Mabait naman siya."

"Wala akong pakialam. Gusto ko iyong isang empleyado mo."

"Which one? Ang daming empleyadong babae sa DL Corp.. Alin doon?"

"Yung Eina."

"Si ms. Eina Suarez? Naku, Gael ang pagkaalam ko ay may boyfriend na iyon." Sumimangot ang lalaking ito sa sinabi ko.

"Akala ko ba walang tsismisan sa loob ng kumpanya mo. Paano mo naman nalaman may boyfriend na siya?"

"Isang gabi habang pauwi na siya ay nakita kong may kasama siyang lalaki. Hindi naman empleyado ng DL Corp yung lalaki at ang sweet pa nila."

"Psh. Maghihiwalay rin iyan. Walang forever. Mga magulang ko nga naghiwalay, sila pa kaya."

"Bitter lang?"

"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." Tumalikod ito sa bar. "Oh? Look who's here."

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tinutukoy ni Gael. Si Gold na may kasamang dalawang babae.

"Iyan ba ang tinatawag mong seryoso? Hindi ako na inform na ganyan na pala ang seryoso sa babae ngayon."

"May sinabi ba ako?"

"Yeah, a minutes ago."

"Wala ako maalala na sinabi ko iyan kanina."

Ay, ewan.

Iyan ang sinasabi ko kaya pinagsabihan ko si Gold noon. He is a certified womanizer, ang lalaking hindi marunong magseryoso sa mga babae. Ang tingin lang niya sa mga babae ay laruan lang. Tingnan lang natin kung hindi iyan kakarmahin.

"May alam ka bang pwede maging secretary ko?"

"Bakit? Hindi ba may sikretarya ka na?"

"Tifa resigned. Kaya naghahanap ako ng bago. Ang gusto ko sana yung lalaki para hindi magalit sa akin si Bianca."

"Tsk, tsk. Mahal mo itong si Tiffany pero pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo kay Bianca."

"Kahit anong gawin natin ay asawa ko pa rin si Bianca. Hanggang hindi ko pa hinihiniwalayan siya ay kailangan ko siyang pakisamahan. Basta in a month ah?"

"Yes, boss." Nagsalute pa siya sa akin. Ano ito? Hindi naman kami militar o kahit related sa serbisyo ng bansa.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon