Chapter 37

3.8K 78 0
                                    

Red's POV

Napabalikwas ako ng bangon sa hindi ko alam ang lugar kung nasaan ako pero ang sakit ng buong katawan ko.

Naalala ko ang nangyari. Traydor si Gold. Oh fuck, hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin, Gold! Pero kailangan kong mabawi si Tifa sa kanya.

"Whoa there, buddy. Hindi pa magaling ang mga sugat mo kaya hindi ka pwede bumangon." Tumingin ako sa isang binatilyo. Hindi siya familiar sa akin at mas lalong hindi ko siya kilala.

"I don't care. I need to rescue my wife!" Pinipilit kong bumangon pero takte naman ang sakit ng mga nakuha kong sugat at bugbog sa hayop na iyon.

At mas lalong hindi ako papayag magpakasal si Tifa sa tarantando na iyon. Akin lang si Tifa. Ako lang ang pwede niyang pakasalan.

"Relax. Tell me what happened to your wife." Hindi ako umimik. How can I trust this guy? Ni hindi ko nga siya kilala baka kasabwat rin siya ni Bianca at Gold. "You can trust me, sir."

"Paano ako magtitiwala sayo? Baka kasama ka nila!"

"Who?" Napapailing na ito. "Kung kaaway ako, sa tingin mo ba tutulungan kita? Hahayaan ba kitang mabuhay? Mga tao nga naman sa panahon ngayon hindi talaga marunong magpasalamat."

"I want to make sure if you're a bad guy or not."

"Hindi akong masamang tao. Ako pa nga ang nakakita sayo sa bayan. Ang akala ko nga patay ka na."

"Sorry for doubting you. Salamat sa paggamot ng mga sugat ko."

"Ano ang pangalan mo, sir?"

"Red. Red De Luca." Halatang nagulat ito ng nagpakilala ako sa kanya. Sino pa ba ang hindi nagkalilala sa mga De Luca? Buong mundo kilala ang pamilya ko.

"The CEO of DL Corp? Mukhang hindi ka naman masungit." Hindi ko na lang siya pinansin. I don't have time for chit-chat. Kailangan kong mailigtas si Tifa sa kamay ni Gold. "Ako pala si Stephen."

"Where am I?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kong malaman kung saang lugar ako ngayon.

"Nandito ka ngayon sa Batangas."

Batangas? Paano ako nakarating dito? Ang huling naalala ko ay kinaladkad ako ni Gold palabas ng isang gusali. At hindi ko na maalala ang sunod na pangyayari.

"May cellphone ka ba diyan o kahit ano pwedeng pangtawag? May gusto lang akong tawagin."

"Here." Inabot niya sa akin ang kanyang phone. Old unit na ito. Mas luma ito kumpara sa phone ni Tifa.

Dinial ko na ang number ni David at mabuti na lang ay memorized ko ang number niya sa cellphone.

"This is chief Ferrer. How may I help you?"

"Dave.."

"Red?"

"Kailangan ko ang tulong mo. Kilala ko na kung sino ang kasabwat ni Bianca."

"Nasaan ka ngayon? Pupuntahan ka namin ng team ko. Tell us your exact location."

"Sorry, man hindi ko alam ang eksaktong lugar dahil sobrang sakit ng buong katawan ko sa pinaggagawa ni Gold."

"Gold? As in si Gold Fiorentino?"

"Yes ang tarantado. Siya ang kasabwat ni Bianca."

"Gosh. Sabihin mo kung nasaan ka?"

"May papakausap ako sa inyo para sabihin sayo ang eksaktong lugar." Inabot ko sa binatilyo ang phone niya. "Kausapin mo ang kaibigan ko para sabihin mo sa kanya ang eksaktong lugar kung saan tayo ngayon para pumuntahan nila ako rito."

Sinabi na niya kay David ang lugar kung nasaan kami ngayon.

"Sir, gusto ka ulit makausap ng kaibigan mo." Binalik niya sa akin ang phone.

"Bro, bukas ng madaling araw o sa umaga pa kami makakarating diyan sa Batangas. Pagaling ka at bukas na lang natin pagusapan ang strategy para mahuli si Gold."

"Bilisan niyo ang punta dahil wala na akong oras. Magpapakasal si Tifa sa walang hiyang lalaking iyon."

"Pakakasal? Ang akala ko ba ikaw ang mahal ni Tiffany?"

"Pumayag si Tifa sa kagustuhan ni Gold para sa kaligtasan ko."

"Okay. Pupunta na kami diyan." Pinutol na ni David ang tawag kaya binalikan ko na ulit sa kanya ang phone niya.

"Thanks."

Kinabukasan...

Hindi ako makatulog ng maayos dahil kumikirot ang mga sugat ko at hindi ako sanay matulog sa matigas na kama. I can't complain dahil hindi ko naman ito bahay.

"Sorry to intrude."

"Kayo po ba yung kausap ni sir Red kahapon?"

"Yes ako nga."

Nandito pala si David.

"Tuloy kayo."

"Diyan na lang kayo sa labas at magbantay kayo diyan.."

"Yes, sir!"

Naramdaman ko na ang presensya ni David kaya tumingin na ako sa pinto.

"Bro!? Oh gosh! Talaga bang ginawa ni Gold ito? Hindi ako makapaniwala magagawa niya ito."

"Ngayon maniwala ka na kayang gawin ng hayop na iyon sa akin."

"Can you tell the details?"

Sinabi ko na kay David ang lahat na detalye ang mga nangyari kahit rin ang pagalis ko ng bansa dahil may business trip pa ako sa Japan at kasama ko ang hayop na iyon hanggang may mga armadong lumapit sa akin at pinagbantaan nila ang buhay namin ni Gold kaya wala na kaming choice, sumama na lang sa kanila kaysa mamatay kami. Ang hindi ko alam planado pala ang lahat na ito.

"Paano ka nakarating sa lugar na ito?" Tanong ni David sa akin.

"Iyan ang hindi ko alam dahil magkagising ko kahapon ay nandito na ako. Ang huling naalala ko lang ay kinakaladkad ako ni Gold palabas ng isang gusali."

"Familiar ba sayo yung lugar kung saan kayo dinala ni Tiffany, bro?"

"Hindi, eh. Pero may kutob akong nasa Manila lang sila."

"Ang laki ng Manila at marami ring abandonadong gusali ngayon doon." Ani David. Tama naman siya.

Madali sa akin ang memorization ng numero pero ang lugar ay hindi masyado. Ang naalala mo lang lugar ay ang mga napuntahan ko na at ang pinakamalayong pinuntahan ko ay Baguio.

"May balita na ba kayo kung nasaan nagtatago ngayon si Bianca?"

"Your ex wife is really stupid. Kung mautakan niya ang mga kasamahan ko, pwes ako hindi."

Hindi iyan ang gusto kong marinig dahil wala naman akong pakialam kung stupid pa ang babaeng iyon. Mas stupid siya kung nahuli na naman ng mga pulis.

"Nang makita namin ang lungga ni Bianca ay sumugod kami doon para mahuli siya pero lumalaban sa amin si Bianca kaya ang isang kasamahan ko ay pinagbabaril si Bianca. Dead on arrival si Bianca pagkarating niya ng ospital."

I don't believe in karma, pero ito ang karma ni Bianca.

"Ngayon ay si Gold na ang suspect dito."

"Kailangan niyong kumilos para hindi matuloy ang--" Natigil ako dahil may kausap ito sa telepono.

"Gael, alam kong magaling kang investigator kaya may trabaho akong ipapagawa sayo. Kailangan mong hanapin ang location ni Gold ngayon. Yes because this an emergency. Pagkatapos na lang doon ko sasabihin sayo. Okay, 7 days. Maghihintay ako ng 7 days para sa report mo."

7 days? Baka nagpakasal na si Gold kay Tifa! Hindi ako papayag.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon