Chapter 9

4.9K 127 2
                                    

Pagkabalik ko sa trabaho ay parang wala lang kay Red ang nangyari sa amin kahapon sa bahay. Bakit ba ako umaasa? May needs siya kaya niya iyon ginawa at ako naman itong si tanga na pumayag.

Hinihilot ko ang sentido ko at sumulyap sa loob ng opisina ni Red na sobrang workaholic ng lalaking ito dahil kanina pang umaga nasa harapan siya ng laptop niya at hindi pa nga siya kumakain ng lunch.

Speaking of lunch hindi pa rin pala ako kumakain dahil sobrang dami ng pinapagawa sa akin ni Red dahil pareho kaming absent kahapon.

Napapahawak na ako sa tyan ko dahil nagiingay na ang sikmura ko.

"Kailangan kong tapusin itong reports dahil bukas na ang deadline." Bulong ko sa sarili at tuloy pa rin sa pagtatype.

"Tifa." Nilingon ko si Red sa opisina niya dahil tinawag niya ako.

"Yes, sir?"

"Let's take a lunch. Alam kong gutom ka na dahil late na rin naman."

Mabuti alam mo.

Ngumiti lang ako sa kanya at mabilis umiling.

"Ayos lang po ako. Kailangan ko na rin ito---"

"No, you have to take care of yourself. Ako ang mahihirapan kapag nagkasakit ka dahil hindi ka makakapasok."

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino. I saw Leon's name. Bakit naman tumatawag sa akin ang kapatid ko? Hindi tumatawag sa akin si Leon kung hindi emergency.

"Hello, Leon?" Mahinang tugon ko pagkasagot sa tawag.

"Ate... Si papa..." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko. Tumayo ako sa pwesto ko at naglakad papunta sa may elevator para wala makarinig.

"Ano nangyari?"

"Ayaw sabihin ni mama ito sayo pero inatake kagabi si papa sa puso kaya sinugod namin siya agad sa ospital. Kaya lang gipit kami sa babayarin dito."

Hindi naman ako pwede magpaalam kay Red na umuwi na muna sa amin dahil ang alam niya ay ulila na kami. Puro kasinungalingan lahat na sinasabi ko sa kanya.

"Susubukan kong umuwi mamaya pagkatapos ng trabaho ko. Bibigay ko lahat sayo yung mga gastusin."

"Salamat, ate."

Nang binaba na yung tawag ay naglakad na ako pabalik sa desk pero nagulat nang makita si Red.

"Sino ang tumawag sayo sa oras ng trabaho? Si Gold ba?"

"Hindi po. Ang kapatid ko, may kailangan lang siya kaya tumawag at uuwi ako doon pagkatapos ng trabaho."

"Saan ang probinsya niyo? Samahan na kita." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Huwag na po. Marami pa kayo kailangan tapusin. May mga dokumento pa kayo kailangan pirmahan tapos maaga pa ang pasok niyo bukas dahil may meeting pa kayo ng 8:00 am sa board members." Sabi ko sa kanya sa magiging schedule niya bukas. Ayaw ko rin malaman niya talaga.

"Tsk. Damn it. Kung hindi lang importante ang meeting sa mga board, sasama rin ako sa probinsya niyo. Si Mason? Paano siya?"

"Saglit lang po ako doon. Bibisita lang ako saglit sa kapatid ko at bibigay na rin ako ng pera para sa allowance at tuition niya."

Wala naman akong balak makipagkita sa mga magulang ko. Pupunta lang ako para kay Leon at kamustahin na rin ang kalagayan ni papa.

"Okay, magiingat ka doon." Nilagpasan na niya ako dahil sumakay na siya sa ng elevator.

Pagkauwi ko ay hindi na ulit ako pinapansin ni Red. Mas mabuti na rin siguro iyon para wala ng problema. Umuwi na muna ako sa bahay para magpalit ng damit.

"Mimi."

"Hi, baby." Lumuhod ako sa harapan niya. "Baka gabihin si Mimi mamaya. May aasikasuhin lang ako kaya huwag mo na ako hintayin ah."

"Ako lang po ba magisa?"

"You are a big boy, Mason. Basta ang bilin ko lang sayo na huwag ka magpapasok na hindi mo kilala."

"Kay Didi na lang po ako matutulog ngayong gabi."

"No, you can't. Hindi mo naman siya tunay na Didi."

Sorry, baby. Masasaktan ka lang kapag malaman mong may asawa na ang Didi mo. Ayaw ko mararanasan mo ang sakit nararamdaman ko ngayon.

Lalong tumatagal ay lumalalim ang pagtingin ko kay Red kahit bawal. Makasalanan sa batas.

"Okay po. Maghihintay na lang po ako sa paguwi niyo, Mimi." Hinalikan ko sa pisngi si Mason bago tumuloy sa kwarto ko at nagbihis.

Nagpaalam na ako kay Mason na aalis na ako at nagbilin ulit ako sa kanya. Nakasakay na rin ako ng taxi papunta sa ospital kung nasaan nakaconfined si papa.

Nang nakarating na ako sa ospital ay pumasok na ako sa loob pero lumapit na muna ako sa front desk.

"Excuse me, miss. Saan dito nakaconfined si Pablo Tuazon?"

"Nasa ward po siya ngayon." Sabi niya at tinuro na rin niya sa akin ang papunta sa ward.

"Okay. Salamat."

Ang sabi ay nasa 2nd floor lang ang ward kaya gumamit na lang ako ng hagdanan.

"Hello... Ate... Saan..." Naku naman ang hina ng signal dito kaya paputol putol.

Wala na ako magagawa kaya tinext ko ma lang si Leon.

To Leon;

Papunta na ako. Kita na lang tayo sa labas ng ward. Bibigay ko lang sayo yung pera at uuwi na rin ako agad.

Nakarating na ako sa tapat ng ward dahil natatanaw ko na rito si Leon.

"Ate." Sabay yakap sa akin ng kapatid ko. "Miss na kita."

"Miss na rin kita." Ako na ang humiwalay kay Leon. "Hindi ko alam kung sapat na ba ito sa hospital bill ni papa."

Binigyan ko ng pera si Leon para ipangbayad niya sa hospital bill.

"Heto naman ang pera para sa mga gamot niya." Binigyan ko siya ng extra pera para sa gastusin. "Kung may sobra pa diyan ay ipunin mo na. In care of emergency."

"Salamat, ate."

Nakita ko si mama lumabas mula sa ward kaya yumuko na lang ako.

"Tiffany."

"Hindi na rin po ako tatagal."

"No, you can stay here. Kahit hindi sabihin sa akin ni Leon na tinawagan ka niya kanina ay alam ko, Tiffany. Alam kong nagaalala ka rin sa papa mo."

"Ma, sorry po sa lahat na ginawa ko noon. Nagsisi po ako sa nangyari pero hindi ako nagsisi na dumating si Mason."

"Kamusta na kayo?"

"We're totally fine. Simulang tinakwil niyo ko ay natuto akong bumangon sa sarili kong paa. Nagsumikap ako para kay Mason."

"Sino ba ang ama ni Mason?" Tanong ni mama sa akin.

Sasagot pa sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Me. I'm the father of Mason." Namilog ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Red.

"R-Red..."

"Sorry po kung hindi ako nagpakilala sa inyo noon, ma'am. I'm Red De Luca."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lahat na kasinungalingan ko ay bistado na ngayong araw.

"CEO ng DL Corp.? Wow, ate ah big time." Mukhang masaya pa si Leon. Kung malalaman lang nila ang ama ni Mason ay may asawa na talaga.

"Excuse me lang po." Humarap sa akin si Red na parang galit siya. Wala naman siyang dahilan para magalit, eh. "We need to talk, Tifa."

~~~

Next chapter malalaman niyo side ni Red haha sinundan pala siya ni Red, ayan tuloy bistado. 😂

-Skye

Comment and press ☆ to vote

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon