Chapter 41

4.2K 95 3
                                    

Tiffany's POV

Mga ilang oras ako naghintay sa pagbalik ni Red, hindi ko nga alam kung babalik pa nga ba iyon o hindi pero alam ko naman mahal niya ako kaya babalikan ako mamaya ni Red.

Nagising ako bigla dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi namalayang nakatulog pala ako kakahintay sa pagbalik ni Red, napansin ko na lang may tao sa katabi ko at napatingin ako doon. Si Red. Ang hambing ng tulog niya pero kailangan ko siyang gisingin.

"Red." Niyugyog ko ang katawan niya para magising.

"Hmm?" Ungol nito bilang kasagutan kaso napansin ko ang kamay pati ang mga daliri nito na puno ng sugat. Naguilty tuloy sa nangyari sa kanya noon.

"Nagugutom ako." Sabi ko at agad naman dinilat ang mga mata nito.

"Ano ang gusto mong kainin? Pupunta ako para bumili ng pagkain." Ang husky ng boses niya para bang nangaakit sa akin.

"Samahan mo na lang ako sa kusina. Baka may pagkain doon." Sagot ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng utusan si Red na magluto dahil anak mayaman siya at may taga luto sa bahay niya.

Bumangon na si Red habang nakapikit ang mga mata nito. Halatang inaantok pa siya.

"Let's go, Mimi."

Pagkarating namin sa kusina ay tinitingnan ko ang laman ng refrigerator kung may lutong pagkain dito kahit hindi na initin. Saktong may natira pang ulam at kanin. Nilabas ko na iyon sa refrigeration para kainin na pero nakita kong bagsak na naman si Red.

"Red, kung gusto mo matulog bumalik ka na sa kwarto." Sabi ko sa kanya ng nakaupo na ako para makakain.

"Hmm?" Umupo na siya ng tuwid sa harapan ko. "Pinabili mo ko ng lansones kanina pero hindi mo naman hinintay ang pagbalik ko."

"Nasaan pala yung lansones?"

"Nandiyan sa ref dahil nilagay ni aling Rosie diyan kanina ng makitang natutulog ka na."

"Walang buto?"

"Wala naman akong makitang walang buto. Pinagtatawanan pa ako ng mga pinagtatanungan ko kanina." Lumabi pa itong si Red. Hala, baka magalit siya sa akin. At saka wala ka naman makikitang magbebenta ng lansones malapit dito. "Tinanggal ko na rin ang mga buto para sayo."

"Huh?" Iyon ba yung mga sugat sa kamay niya? Hiwa ng kutsilyo. Ang akala ko nakuha niya ang mga iyon kay Gold. "Ginawa mo iyon?"

"Yes, tinanggal ko ang mga buto ng lansones. I'm your slave, right? Kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ang amo ko. Kahit hindi ako marunong sa kusina ay pagaaralan ko. Hindi naman ako mahirap matuto kung gusto ko ang isang bagay."

Hindi na ako kumibo pa dahil tinuloy ko na ang kinakain ko. Pero bigla kong naalala kung kumain na ba si Red.

"Um, kumain ka na kanina?"

"Hindi pa. Bakit papakinin mo ba ako ang slave mo?" Aniya. Teka nga lang bakit parang galit siya sa akin.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko para tumabi sa kanya dala ang kainakain ko. Kumuha ako ng konting ulam at kanin para subuan siya.

"Say ah." Sinunod naman niya ako dahil binuka niya ang kanyang bibig at sinubo ko sa kanya ang pagkain. "Hindi mo naman kailangan gawin ito, Red. Hindi ka naman sanay sa ganitong buhay."

"I have only two choices. Ang samahan kita sa lugar kung saan mo gusto o sasama ka sa akin pauwi ng Manila. Dahil hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama, Tifa."

Ano ba ang gagawin ko para pauwiin siya sa Manila? Hindi siya nararapat dito dahil mahihirapan lang siya sa pamumuhay ng taga dito. Ano ba alam niya? Kahit pagaralan niya kung paano mamuhay rito ay mahihirapan pa rin siya.

"Red, bumalik ka ng Manila."

"Bakit ba, Tifa? Bakit mo ba gusto ako bumalik ng Manila? Simple lang naman ang gusto kong mangyari ah." Nagulat ako ng tumaas ang kanyang boses. Galit na nga sa akin si Red. Yumuko ako at kinagat ang labi ko para pigilan ang umiyak. "Ano ba mahirap doon?"

"Kailangan ka ng pamilya mo. Ng kumpanya niyo."

"Kaya kong talikuran ang kumpanya namin para sa inyo. Mamuhay ng ganito."

"Please---"

"No. That's final, Tifa. Whether you like it or not."

"Bahala ka. Huwag kang magrereklamo sa akin kung hindi mo kaya ang mga trabaho nila rito. Buhay senyorito ka sa Manila."

"Siguro nga tama ka." Tumayo na siya sa kinauupuan nito. "Babalik na ako sa kwarto mo at pagsikat ng araw ay babalik na ako sa hotel ko."

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nilagay ko sa lalagyanan. Bumalik na rin ako sa kwarto at nakita ko si Red ay nakahiga na sa kama.

"Red."

"What now, Tifa? Kung alam mo lang nasasaktan ako sa pagtataboy mo sa akin kanina kaya naiisip ko na sobrang hina ko na hindi ko kayang ipaglaban ka. Naiinis na ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang protektahan ang mga tao mahalaga sa akin. Dalawang beses ka napahamak nang dahil sa akin. Ako ang dahilan kaya nila iyon ginawa sayo, Tifa. Kung hindi lang ako nagpakasal kay Bianca noon ay sana hindi ito mangyayari sayo."

"Kahit anong gawin mo ay hindi mo na mababalikan ang nakaraan dahil nangyari na, Red."

"Exactly. It already happened. I lost a friend kahit malaki ang kasalanan ni Gold sa akin ay marami kaming pinagsamahan na dalawa." Nakita ko ang pagpahid niya sa kanyang mata. Teka, umiiyak ba si Red? Kung ganoon ay ngayon ko pa lang siya nakitang umiyak. "Ang sakit pala magmahal lalo na kung tinataboy ako ng babaeng mahal mo."

Pinunasan ko na rin ang luha ko na kanina pa gustong pumatak. Naiiyak na rin ako dahil ayaw kong makitang ganito si Red. Hindi ako sanay.

"Listen, Red kaya ko lang naman ginagawa ito dahil ayaw kong mahirapan ka. Pumayag ako kay Gold sa kasal na iyon dahil nakikita kong hirap na hirap ka na sa mga pinaggagawa niya sayo. Naawa na ako."

"I don't need your pity. All I need is your love."

Humiga na ako sa tabi niya at humarap sa kanya, hinawakan ko na rin ang kanyang pisngi para punasan ang luha nito.

"Red, I'm sorry." Hindi na sumagot pang muli si Red dahil hinalikan na niya ako sa labi.

"Ti voglio molto bene, Tifa. Senza di te non sono niente." Sabi nito pero niisa ay wala akong maintindihan. Tifa lang naintindihan ko sa sinabi niya.

"Ano ibig sabihin noon?"

"I love you very much. Without you I am nothing."

Okay? Kinikilig ako doon.

"I love you too. And I'm sorry again."

"Pinapatawad na kita dahil mahal kita, Tifa. Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal." Hinalikan niya ako sa aking noo. "Papayag ka na bang sumama sa akin pabalik sa Manila?"

"Yes. Sasama na ako sayo. Ayaw ko na rin ang mapalayo pa sayo."

"Grazie, Tifa."

~~~~

Sa mga probinsya na sinama ko rito sa story ko... ang totoo niyan di ko pa napuntahan. Maliban sa Bicol. Pagpasensyahan niyo na ako laking Manila kasi ako 😅 haha

Inuunahan ko na kayo baka kasi may negative comments ako matanggap kung bakit ganito? Bakit ganyan? Wala po akong alam sa ibang lugar sa Pilipinas. In other word taong bahay lang ako 😂

Advance kasi ako mag-isip.

Char..

Ito lang haba na nitong sinabi ko.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon