Chapter 2

6.3K 168 2
                                    

Pagkatapos lahat nangyari kanina ay baliwala lang kay Red ang lahat na iyon. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit ko pa sa kanya sinuko ang sarili ko noon.

Wala ka rin naman ako magagawa dahil hindi ko na rin naman maibabalik ang nakaraan.

Nakita ko si Red naglalakad papalapit sa desk ko at ako naman ay nagaayos na ng mga gamit dahil pauwi na rin ako.

"Are you going home?" Tanong nito sa akin.

"Yes, sir." Sagot at tuloy pa rin ako sa pagaayos ng gamit ko. Pero nagulat na lang ako ng dumikit ang labi niya sa akin. Ano iyon? Magnanakaw ng halik? Kiss snatcher. Napatakip na lang ako ng bibig pagkatapos.

"I'll take you home."

"Thanks for the offer, sir." Sabi ko sabay hablot sa bag ko dahil nagmamadali na akong umalis. Hindi niya pwede makita si Mason. Hindi pa ngayon.

"Hi, Tiff." Bati sa akin ni Eina, isa sa mga empleyado.

"Sabay ka na sa amin umuwi." Sabi naman ni Giovanni sa akin.

Sila ang mga kaibigan ko sa trabaho pero dahil bawal ang tsismisan at ayaw ko rin naman ng ganoon ay tahimik lang ako, busy na rin sa trabaho.

"Salamat, girls."

Magkasabay na kami sumakay sa jeep at nagbayad na rin ako.

"Musta naman maging sikretarya ni sir Red?" Tanong ni Eina sa akin.

"Mahirap dahil maraming kailangan na reports tapusin sa oras."

"Oo nga pala. Nasa rules ni sir Red ang magpasa ng reports sa kanya sa oras."

"Huy, alam niyo bang sisanti na si ma'am Sachiko kanina." Ani Giovanni.

"Oo, alam ko na iyan dahil halos dalawang linggo na siyang absent. Ikaw, Tiff?"

"Nakita ko kanina pumunta si ma'am Julie sa opisina ni sir Red at kinausap tungkol diyan." Sagot ko. Kung ako kang ang masusunod ay aalamin ko na muna ang dahilan.

Nang nakauwi na ako sa bahay ay sinalubong ako ni Mason sa labas.

"Mimi.." Niyakap ko ang anak ko kahit wala siyang alam na mama talaga niya ako. Imbes na ate ang tawag sa akin ay Mimi na lang kahit pa paano ay may naging mama siya. Kung alam mo lang anak.

"How's school, baby?"

"Boring, Mimi. Sobrang dali na nga po ng Math problem para sa akin." Napangiti ako sa sagot ni Mason. Hindi ako matalino sa Math kaya panigurado akong namana niya ang pagiging matalino kay Red. At his age ay nasa grade 1 na siya ngayon, masyado kasing matalino ang anak ko.

"May homework ka ba na kailangan gawin?"

"Yes po. Sa Filipino." Lumabi ang anak ko sa akin. Kung matalino siya sa Math, mahina naman siya sa Filipino subject niya.

Si Mason ay half Filipino half Italian dahil pure Italian ang ama niya at pure Filipina naman ako. Pero dito na nagkaisip si Red at nagaral ng grade school. Ewan ko lang kung marunong siya ng Italian dahil straight ang Tagalog niya.

"Okay, baby. Magpapalit lang si Mimi tapos kakain na tayo then tutulungan kita sa homework mo."

Pagkatapos namin kumain ay tinuturuan ko na si Mason sa homework niya sa Filipino subject

"Heto lang ba ang homework mo?"

"Yes po. Ginawa ko na po kasi ang Math kanina habang hinihintay kayo umuwi." Ngumiti na talaga ako sa anak ko dahil nawawala na rin ang pagod ko.

"Okay. You have to brush your teeth first before going to sleep." Sabi ko kaya sabay na kami pumunta sa banyo para magtoothbrush.

Nang pinatulog ko na si Mason ay pumunta na ako sa kwarto ko. Magkahiwalay kami ng kwarto dahil minsan ay ayaw niya sa tabi ko matulog.

Kinaumagahan ay maaga ako nagising para magluto ng almusal namin at pinaghahanda ko na rin siya ng baon.

"Good morning, Mimi."

"Good morning, baby." Hinalikan ko siya sa ulo nang nilapag ko na kanina ang niluto kong pagkain namin. "Kain ka na para mamaya hahatid na kita."

"Baka po malate kayo, Mimi."

Oo nga pala ayaw ni Red na may nalelate na empleyado niya. Dahil dito kaya nakakapagaral si Mason sa private school.

"Okay, ang tito Cam mo na lang ang hahatid sayo." Ngumiti ako sa anak niya. Sana nga hindi busy si Cameron ngayon. Kaya tinawagan ko na siya para pagkatapos ay aasikaso na ako.

"Hello, beshie?"

"Busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Gusto ko sana na ikaw ang maghahatid kay Mason sa school niya."

"Sure. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya pwedeng pwede."

"Salamat, beshie." Binaba ko na agad ang tawag at pumasok na ako sa banyo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at naglagay ng konting make up at lipstick. Lumabas na rin ako sa kwarto at nakita ko si Mason nanonood na muna ng tv. Maaga pa kasi.

"Mamaya pupunta rito ang tito Cam mo para hatid ka niya sa school mo at huwag ka magpapasok ng ibang tao kapag hindi si tito Cam. Okay?" Bilin ko sa kanya.

"Okay po, Mimi. Ingat."

Lumabas na ako sa bahay pero nagulat ako nang makita kung sino nasa labas ng bahay namin. Lumakas na naman ang kalabog ng dibdib ko na parang nakipag habulan sa cheetah.

"S-Sir, paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?"

"It written on your resume." Sagot nito sa akin. Nga naman nilagay ko pala doon ang address ko.

"A-Ano po ang ginagawa niyo rito?"

"Since it's Friday today and tomorrow is my mom's birthday. Ang gusto ko lang naman ay samahan mo ko mamaya bumili ng regalo for her."

"Mimi, baka po--"

Napaharap ako kay Mason nang lumabas siya ng bahay.

"Mason?!" Lakas talaga ng kalabog ng dibib ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para magkita ang mag-ama. "Papasok na ako kaya pumasok ka na sa loob. Okay?"

Mabuti na lang at sumunod sa akin si Mason dahil pumasok na siya sa loob.

"Is he your little brother?" Tanong niya sa akin at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya masyado nakita si Mason.

Humarap na muna ako kay Red bago sumagot sa kanya.

"Yes, sir."

"You told me before dalawa ang kapatid mo. Nasaan yung isa?"

Patay! Hindi pwede malaman ang totoo.

Puro kasinungaling na lang ang lahat.

"Nasa probinsya po si Leon at doon nagaaral."

Uso naman padala ng pera sa probinsya kahit wala naman doon si Leon talaga. Nandito ang kapatid ko sa Manila. My Goodness!

"Okay. Ano pala sagot mo? Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Wala naman po sa rules niyo na hindi ako pwedeng tumanggi, hindi po ba?"

"Wala naman. So, tatanggihan mong sumama ka sa akin?"

"Ano po kasi... Baka magalit sa akin ang asawa niyo kapag nalaman niyang magkasama tayong dalawa. Bakit hindi niyo na lang si ma'am Bianca ang yayain niyo, sir?"

"No, ayaw ko siyang yayain baka hindi regalo ni mom ang bilihin namin. I know Bianca."

Bumuntong hininga na lang ako. Suko na ako sa lalaking ito.

"Sige na nga po pero mahal ko ang trabaho ko ah."

"No worries, no one will know we're together later. Kung maingat ka."

"Magkita na lang po tayo sa mall mamaya, sir. Para iwas gulo sa ibang empleyado ng DL Corp."

"Great idea. Okay, let's meet at the mall."

~~~~

Susubukan ko habaan ang love story nina Tifa at Red. :)

-Skye

Comment and press ☆ to vote

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon