Chapter 14

4.5K 106 1
                                    

Pagkahatid ko kay Mason sa school niya ay dumeretso na ko sa restaurant kung saan kami magkikita ng mama ni Red. Pagkapasok sa restaurant at hinanap ko na si ma'am Margareth.

"Good morning, ma'am. Good for two?"

"No, I'm looking for someone. Hindi ko kasi alam kung nandito na siya."

"Are you ms. Tiffany Tuazon?"

"Yes." Maiksing sagot ko sa waitress.

"Ma'am Margareth is waiting for you. This way, please." Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya hanggang sa isang VIP room. Pang mayaman ang room na ito. Binuksan na ng watress yung pinto at nakita ko na si ma'am Margareth nakaupo sa table. Lumapit na sa kanya para alam nandito na ako.

"Good morning po."

"Have a seat." Alok niya sa akin at umupo naman ako sa harapan niya. "Dederetsuhin na kita."

"Okay po. Ano po ang gusto niyong pagusapan?"

"Kung ano man ang relasyon niyo ng anak ko ay mas mabuti pang lumayo ka na sa kanya dahil hindi na kita gusto para kay Red at siguro naman alam mong may asawa na siya. Nakakasira ka lang sa relasyon ng anak ko at ni Bianca."

"Sorry to say this pero ayaw ko pong maging bastos sa inyo dahil nirerespeto ko kayo dahil ina kayo ng dati kong amo. Ma'am, hindi ko po pinipilit si sir Red kung ano pa man ang ginagawa niya noon sa akin. Masyadong makulit at mapilit po siya kahit ayaw ko ang ginagawa niya dahil ayaw ko makasira ng isang relasyon. Wala rin po kayo ipagaalala dahil matagal na rin noong umalis ako sa kumpanya."

"Magkano ba ang kailangan mo? At babayaran kita."

"Sorry pero hindi ko kailangan ng pera galing sa inyo."

"Iyon naman ang kailangan mo kaya lumapit ka ulit sa anak ko, diba?"

"It's already 4 years, ma'am. Maybe, yes dahil gusto ko makapagtapos sa pagaaral ko at wala na akong ibang choice noon."

"Alam ko rin ang batang kinakasama mo ngayon ay apo ko." Napasinghap ko ng mahina dahil may alam si ma'am Margareth tungkol kay Mason.

"Huwag po kayo magaalala hindi ko gagamitin ang anak ko para makuha si Red. Ni minsan ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo na may anak siya sa akin. At hindi ko rin kailangan ng pera niyo para sa makapagaral si Mason. Kaya ko pong buhayin ang anak ko sa tulong ng pamilya ko kahit naghihirap na kami ngayon." Tumayo na ulit ako dahil nakakabastos na kasi, eh. Siguro nga binigyan ako ng pera ng mama ni Red noon kahit binigyan na ako ni Red bago pa may mangyari sa amin. Sinabihan rin ako ni ma'am Margareth na huwag na ulit magpakita sa anak niya kaya sinunod ko siya pero hindi ko naman inaasahan na magkikita ulit kami ni Red at siya pa ang magiging amo ko. "Alis na po ako baka kasi mawala sa isip ko ang pagkakaroon ko ng respeto sa inyo."

"Pardon?"

"Hindi na po ako kasi ang kilala niyong Tiffany noon dahil 4 years na rin ang nangyari kaya simulang pinagbubuntis ko ang anak ko ay natuto akong bumangon sa sarili ko. Ni minsan ay hindi ako humingi ng suporta kay Red dahil tinupad ko lang ang pinangako ko sa inyo na hindi na ako magpapakita pang muli sa kanya. Hindi ko naman pong inaasahan siya ang nagiging amo ko noon. Sorry po talaga sa gulong pinasok ko at lalo na kay ma'am Bianca kahit na binabalak niyang patayin ako."

Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya nang sabihin ko ang binabalak ni ma'am Bianca sa akin. Patayan kung patayan basta maprotektahan ko ang sarili ko at ang pamilya ko.

Palabas na ako ng restaurant ay saktong nakita ko si Gold.

Oh great!

"Hi, baby."

"Please, huwag mo kong tatawaging baby dahil hindi mo naman ako girlfriend." Medyong iritable ako ngayon dahil sa nangyari sa paguusap namin ng mama ni Red."

"Soon. You'll be my girlfriend, Tiff."

"Gold naman. Tumigil ka na sa kalokohan mong ito dahil wala akong balak pumasok sa isang relasyon. Ang priority ko lang ang pamilya ko kaya ayaw ko ng dagdagan pa." Hindi na kayayanin mg katawan ko kung dumagdag ba ang lalaking ito sa buhay ko. Ayaw ko na kahit sinong tao konektado kay Red.

"But I'm serious about---"

"Stop. Kahit hindi ko nakikita ang mga ginagawa mo ay alam kong marami kang babaeng kinakasama. Isa kang certified womanizer kaya hindi na maba-- Gold, ano ba?!" Hinawakan niya ang braso at nasasaktan ako sa ginagawa niya. "Binatawan mo ko! Nasasaktan ako!"

Ang daming tao dumadaan sa amin pero hindi man lang kami pinapansin o tinutulungan ako.

"No, I won't let you go, Tiffany. I won't let Red touch you because you're mine. Mine only." Nanliliksik ang mga mata nito at nakakatakot. Hindi siya yung Gold na kilala ko noon. O baka heto ang tunay na Gold, nagtatago sa maamong mukha.

"Gold, parang awa mo na dahil nasasaktan na ako sa ginagawa mo sa akin." Maiyak iyak na ako dahil sobrang sakit na ng pagkahawak niya sa braso ko.

Mababali na yata ang buto ko dahil sa pagdiin niya sa braso ko. O kaya magkakaroon ako ng pasa nito dahil sa kanya.

Isang malakas na suntok ang narinig ko at bumitaw na si Gold sa pagkahawak sa akin kaya ito na ang pagkakataon ko para tumakas sa kanya pero hinang hina na ako sa nangyari. Hindi ko man lang alam kung sino ang nagligtas sa akin sa kamay ni Gold kanina.

Kung sino man siya, salamat dahil niligtas niya ako.

Sinabi ko na rin kay manong driver kung saan ako pupunta nang nakasakay na ako ng taxi at niyayakap ko ang sarili ko. Hindi ako paniwala magiging ganoon si Gold.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa para alamin kung sino tumatawag. I saw Red's name. Bakit naman tumatawag si Red?

Please, Red. Lumabayan mo na ako dahil gusto ko ng tahimik na buhay.

Pero nireject call ko lang ang tawag niya at tinanggal ko na rin ang battery pati sim card ko para hindi na siya makatawag muli sa akin.

Nang nakarating na yung taxi na sinasakyan ko sa tapat mg bahay namin ay pinahid ko na muna ang luha ko bago bumaba ng taxi.

"Ano nangyari sayo, Tiffany?" May pagaalala sa boses ni mama.

"Wala po. Ayos lang ako."

"Ako pa talaga ang niloloko mo. Namumugto ang mga mata mo ngayon. Nagkita ba kayo ni Red?"

Hindi ko alam kung bakit iyan ang naisip ni mama na tanungin sa akin.

"Hindi po." Ngumiti ako ng pilit kay mama at niyakap ko na siya.

"Kung ano pa ang problema mo ay nandito lang ako ah. Sabihin mo lang sa akin."

"Sige po. Salamat, ma."

"Babalik na muna ako sa carinderia ngayon. Ikaw na muna ang bahala sa papa mo."

Kumaway ako kay mama ng naglalakad na siya papunta sa terminal ng jeep. Medyo malayo dito ang carinderia.

10 Rules Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon