9.TANZANIA VILLAGE

212 7 0
                                    


EROS POV:

"Sino ka---"

Butil butil na pawis ang unti-unting bumabagsak sa pisngi ko nang imulat ko ang mata. Naramdaman ko nalang na may mga kamay na dumampi sa mukha ko.

Agad na gumana ang mga senses ko.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niyon at narinig ko nalang ang pagdaing nito.

"Aw! Why so harsh. Yan ba ang isusukli mo sa pagligtas ko sayo dun sa mga Red gang?"

Lumingon ako rito, at nang makompirma ko kong sino yun nakahinga nalang ako ng maluwag.

"Hesha? "

"Ako nga"nakangusong sabi pa nito habang hawak ang nasaktang kamay.

Inobserbahan ko ang paligid. Hindi ako nagkakamali na ito ang mismong clinic nang dorm.

Kong ganun nasa Reficul city na ako.

At yung babaeng kasama ko..

"Nasan sya? "Sabad ko kay Hesha na kumunot naman yung noo nya.

"Sino? Wala ka namang kasama. I found you alone"Nagtatakang tanong nito, habang iniinda pa rin ang sakit sa braso nya.

Tatayo na sana ako nang mapahiga ako ulit. Kainis! ang sakit nang ribs ko. Hindi ko pa kayang mag regenerate dahil hindi pa bilog ang buwan. Sh*t saan nila tinangay ang babaeng yun?

Kapag bilog ang buwan hindi ko na kailangang gamitin ang mga nakahandang first aid kit ko dahil kusang gumagaling ang mga yun, pero ngayon walang trace na magkakafullmoon. Malabo yatang makapagpatrolya ako dahil sa injured ako, pero kaya ko pa ring magkatawang lobo oras na maggabi.

"You look worried. Sino ba ang impaktang yun para maging ganyan ka? "Inis na sabad nito.

Inirapan ko nalang ito doon.

Oo nga naman.Napaisip nalang ako bigla. Whats wrong with me? Dapat nga hindi ko na yun iniisip pa. She's just one of the hardheaded individual who loves to violate rules. I should just leave her alone.

Tinakpan ko ang  buo kong katawan nang comforter at tumalikod kay Hesha. I want some sleep rather than thinking her whereabouts.

SHIEN'S POV:

"Si-sino b-ba ka-kayo? "

Hindi ko sila makita dahil madilim ang paligid, piniringan kasi nila ako. Nakatali na rin ang mga paa at kamay ko kaya pagpupumiglas lang ang kaya kong gawin.

May isang sumipa sa tyan ko kaya napaubo nalang ako. At yung ibay malakas akong sinampal kaya napasandal nalang ako sa pader.

"May atraso ka miss, napag utusan lang kami"rinig kong sabi nang isa sa kanila.

"Si-sino? A-anong gi-ginawa ko? "Nauutal ko nang sabi.

Imbis na sumagot malakas lang itong tumawa.

"Hindi mo na kailangang alamin dahil... dito kana mamamatay"

Kinilabutan ako sa sinabi nito. Bakit ganito sila? Bakit kailangan nilang saktan ang mga mahihina?

May naririnig pa akong yabag na papalapit pero hindi ko alam kong sino yun.

"Please wag... maawa ka? "

"Wag... WAG! "

Ano yun?

Anong nangyayari?

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon