10: Bride King

186 8 0
                                    

SHIEN'S POV:

Fully airconditioned naman ang lugar at malawak ang kama pero hindi ko magawang makatulog. Umupo ako sa kama at isinandal ang ulo sa headrest niyon.

Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang naganap na wedding formalities, pero ang huling natatandaan ko his going to quit the marriage. Narinig ko kasi yun nung huli sa basement pero...

Aish! ito nanaman ako. Bat ba pinapapakielaman ko nanaman ang buhay nya?

Andito ako ngayon sa guest room at paniguradong ilang beses na mas malaki ito kesa sa kwarto ko sa dorm.

Matapos kasi kaninang kumain, nagpaalam na lang ako na magpapahinga na dahil pagod naman na talaga ako dahil sa maraming nangyari ngayong araw. Pinayagan na rin naman nila ako at inihatid mismo dito sa guest room.

May ilaw na nanggagaling ngayon sa lampshade sa kwarto ko kaya hindi nakatakas sa mata ko ang isang kalendaryo na nakapatong sa table niyon.

Kumunot noo nalang ako bigla.

May kalendaryo din pala sila?

Kinuha ko nalang iyon at saka binasa ang mga dates, tutal di naman na ako makatulog. Ito nalang muna ang pagtutuunan ko nang pansin.

Habang tinitignan ko yun, saka ko nalang nakita ang month nang july at habang tinitignan ang mga dates nito napa awang nalang ang labi ko.

Hindi ako nagkakamali. Bukas na...

Bukas na ang oras na kinatatakutan ko!

                             ❤❤❤

"Ano yun? "

May narinig akong ingay mula sa first floor nitong mansyon... yun bang parang nabasag?

Inilapag ko sa lamesa ang kalendaryo at binuksan unti unti ang pinto. Hindi gaanong madilim sa labas dahil na rin sa iisang ilaw na nangangaling sa kusina.

Curious ako kong anong nangyayari?

At bakit may gising pa nang ganitong oras?

Bababa na ako nang hagdan nang may humatak sa braso ko. Titili na sana ako dahil sa gulat nang may tumakip bigla sa bibig ko.

"Wag.. kang maingay"

Ramdam ko sa batok ko ang hininga nya habang dahan dahan nya akong hinihila pabalik sa kwarto.

Anong nangyayari?

I know his Eros pero bakit nya ako pinipigilang bumaba?

"Hindi ka maaaring bumaba... "Mahina pero maawtoridad na bulong nito. Sabay, dahan dahang binuksan nito ang pinto nang kwarto ko.

Nalilito ako sa nangyayari, ano ba talaga ang----?

Halos mapasubsob ang mukha ko sa kama nang itulak nya ako papasok sa loob , saka dahan dahang isinara rin yun.

Wala syang salitang sinabi, basta tuloy lang sya sa pag dahan dahang pagsara at maya mayay nagclick na ang pinto.

"Stay there. Wag kang magtatangkang umalis"mahinang sabi nito.

Nang pipihitin ko na ang doorknob dahil ayoko syang sundin pero nadismaya lang ako nang malaman kong nalock na yun. Geeez! Nilock nya?

EROS POV:

"Huli ka na. Its all finished. "

Hindi ko alam kong ikakatuwa ko ba ang nakikita ko sa harap ko. Apat na lalaking nakatakip nang itim na maskara sa kanilang bibig na may nakatatak na red gang ang nakahiga na ngayon sa may tiled floor.

Tinignan ko ang mga pulso nang bawat isa at, hindi nakakapagtakang wala ako ni isang makitang trace na buhay pa sila.

"Mukhang may hinahanap sila rito. Malas lang nila dahil bukas ang senses ko. "

Sabad nitong si Theo na nagpapahid pa nang dugo sa labi nito.

Posible rin bang sya ang nakabasag nang baso na lumikha nang ingay kanina?

Eversince he had that ability mas naging allert sya. Di ko sya masisisi, I was him back then. Kaya ngayon sanay na ako.

Umupo ito sa may parteng lababo at itinukod ang isang kamay sa baba.

"Hindi pa rin yata tapos ang mga gagong yun kay Miss! "Inis na sagot nya.

Miss?  Is he pertaining to her?

Dun ko lang naalala yung mga panahon na hinahabol din kami nang mga naka maskara.

At ang puntirya nila ay ang babaeng yun.

Ano ba ang meron sya? At gustong gusto nila itong makuha?

Tumalon bigla mula sa lababo tong si Theo at saka nagtatakbo paakyat.

"Saan ka pupunta? "Nagtatakang tanong ko.

"Nalock mo ba si Miss? "

Tumango ako.

"Sinarado mo rin ba ang bintana? "

Saka lang ako marahang humindi.

"B***s***!"sigaw nya at nagtatakbo paakyat nang second floor.

Ano ba kasi ang problema nya. Hindi naman yun mawa----

Mumurahin ko pa sana si Theo nang wasakin nya ang pinto gamit ang kamao nya pero..

"D**** it"Tinangay nila sya!"sabad nito na wasak na ang pintuan.

Sumunod rin ako sa kanya at ang walang katao taong kwarto ang nadatnan ko habang tinatangay nang malakas na hangin ang bangs at buhok naming dalawa, sa mismong nakabukas na bintana.

Mukhang huli na kami.

SHIEN'S POV:

"Bitawan nyo ko ano ba! "Kanina pa ako nagpupumiglas, pero para lang silang mga bingi dahil hindi nila ako naririnig.

Ano bang kasalanan ko at bakit nila ako ginaganito?

Kanina habang nakalock ang pinto sa kwarto at sinusubukan ko yung buksan may naramdaman akong kaluskus mula sa likuran ko. Lumingon ako para tignan yun pero bukas na bintana lang ang nakita ko.

Hanggang sa...

Sa...

May tumakip sa bibig ko at bigla nalang akong kinarga. Nagpupumiglas na sana ako kaya lang may naramdaman akong isang parang matilos na bagay na tumusok sa batok ko at nakaramdam ako nang pagkahilo at panghihina.

"TAHIMIK! "

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan nang maramdaman kong may sumampal sa akin.

Nawawala na yata ang epekto nang kong anumang tinurok sa akin dahil nararamdaman ko na ang lakas nang sampal na tumama sa mukha ko.

Hindi ko maaninag kong nasaan ako, parang nanlalabo ang mata ko at saka pakiramdaman ko nawawala lahat nang lakas ko para magpumiglas.

Side effects ba ito nang tinurok sakin?

"Is she the... brides king? "

Brides king?

"Yes master"

Naramdaman ko nalang na inilapag nila ako sa sahig, hindi ko alam kong anong klaseng amoy ang biglang nangamoy oras na inilagay nila ako roon.

Halo halong nabubulok na kong ano pero hindi ko masyadong makita kong ano yun dahil na rin sa panlalabo nang mata ko, basta naaaninag ko lang ito. Baka side effects rin to ng drug na itinurok sakin.

It was like, I was lying beside a... corpse?

Bride King?

Saan ko nga ba narinig ang salitang yun?

"Konting oras na lang... gigising na sya. Gigising na ang nakatagong kadiliman sa sistema nya... "

Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko pero, parang nabalot nang lamig ang buong katawan ko oras na sinabi nang kong sino ang salitang sinabi nito.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon