2:EROS

316 12 0
                                    

SHIEN'S POV:

"Eros masyado mo naman yatang tinatakot si miss"

Sabay kaming lumingon nang malaanghel na lalaking to, pero demonyo naman pala ang ugali.

Sa may di kalayuan isang matangkad na lalaking naka suot ng itim na hoody at nakapamulsa ang unti unting lumapit sa aming dalawa.

"Tss! Stop enterferring my actions Theo! "

"Why so harsh on her... bago lang sya. Wag mo syang takutin"

Palipat lipat na tuloy ang tingin ko sa dalawa. Hindi nakatakas sakin ang pag irap nito sa kausap.

Nag aaway na ba sila ngayon?

Imbis na takot ,saglit na nawala ang mga yun dahil sa dalawa.

Nagulat pa ako nang bigla nalang akong itulak nitong akala ko anghel pero halimaw naman pala ang ugali kaya napasubsob nalang ang mukha ko sa dibdib ng nakahoody na lalaki.

"Magsama kayo. Mga pasaway! "yun lang at padabog na iniwan na nya kaming dalawa nitong si hoody.

    

                                  ❤❤❤

"Anong klaseng lugar ba to? "

Ilang beses ko pang narinig na tumawa ang lalaking nakahiga na ngayon sa damuhan. Hindi ako nagkakamali, sya yata si Theo. Narinig ko kasi na tinawag sya nung siraulong lalaki kanina.

Pumaling ang ulo nito sa akin, pero hindi ko pa rin nakita ang mukha nito. Dahil nakatakip pa rin ang mukha nito ng hoody?

May tinatago ba sya sa mukha nya kaya sya nakahoody? At bakit nga pala sya tumatawa??

"I didnt see that coming. Akala ko talaga, sasabihin mong thank you, dahil nakahanda na akong magsalita ng your welcome for helping you out kanina but then again... "

Ngumiti ako. Isang pilit na ngiti.

Nagulat, pa ako nang bigla syang umupo mula sa pagkakahiga kaya unti-unting nahulog ang takip nitong hoody sa ulo nito.

Lumabas ang nakapusod nitong blonde na buhok. Makinis na kahit yata labanos e mahihiya sa kaputian at kagandahan ang kutis nito pero iisa lang ang ikinakunot nang noo ko.

Ang tinted eye glass na suot nito. Akala ko sa hoody lang ako magugulat mas may ikakagulat pa rin pala ako.

Hindi naman gaano kataas ang sikat nang araw pero nakasuot sya ng eye glass?

"Anong klaseng lugar to? "Ulit ko ulit sa tanong ko kanina.

Gumuhit ang ngiti sa maputlang labi nito.

"Hell.. a complete hell"sagot nya na lalong nakapagkunot sa noo ko.

"Huh? "Sagot ko.

Hindi pa ako nakakabawi sa sinasabi nito nang bigla nalang itong tumayo at higitin ang kamay ko patayo, at walang salitang tumakbo kasama ako.

                          ❤*❤*❤*❤

"Yung nasa dulong babaeng yun, anak sya nang isang kapre at tao. Ang tangkad nya hindi ba?Yung sumunod sa kanya ,anak naman sya ni ceberius. Alam mo ba yung kwento sa bible, isa sya sa fallen angel na sumiping sa tao at sya na mismo yun.Dalawa ang ulo nya hindi ba? Yung isa sa kaliwa sya si Helena, anak sya ng isang babaylan at taong lobo at sya ang------"

"TAMA NA! "Pigil ko. Sabay hampas sa lamesa na nasa harap namin.

Andito kami sa canteen pero imbis na mag enjoy ako sa pagkain nawalan na ako nang gana dahil sa sinabi nitong si Theo. Kanina nya pa iniisa isa ang mga tao na kumakain sa canteen at mukhang mas lalong hindi ko na kakayanin pa kong iisa-isahin nya pa lahat nang tao rito maging yung waiter at yung cook doon.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon