31: My BRIDE KING

111 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

      "Shhhh! Wag kang maingay.... Tatakas tayo. Its me.. EROS! "

Mula sa bulong na yun ay nawala nalang ng parang bula ang kaba ko.

Dahan dahan nitong inalis ang pagkakatakip sa bibig ko pero tanging ang pagdampi ng hininga nito ang nararamdaman kong dumadampi sa pisngi ko.

Alam kong nawala ang kaba ko,ngunit napalitan naman ito ng pagkalito.

Kagaya nalang ng...

Bakit sya nandito?

Paano nalang ang kasunduan?

O

Baka naman nakatulog ako at isa lamang tong ilusyon at nasa loob lang talaga ako ng panaginip?

"Tara na... habang tulog sila....dinala ko muna si Hesha sa sekretong daan, pinatulog ko muna sya doon at dadaanan nalang natin sya matapos nating tumakas dito. "Bulong nya pa habang unti unti ko nalang nararamdaman na hinawakan nya nalang ang kamay ko at hinigit para umalis.

Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak nya, dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari .I mean, bakit kailangan pa rin syang bumalik kong kelan ayos na ang usapan namin?

"Bakit.... "Naguguluhang sagot ko na.

"Huh? "sya

"Bakit ka nandito? "dugtong ko.

Narinig ko nalang na pumadyak sya mula sa sagot ko.

"Is it obvious? Iam saving you...? "Sya

Umiling iling ako kahit alam kong di naman nya yun makikita dahil sa dilim ,maya mayay sumagot rin ako.

"Hindi ako sasama..."Casual kong sagot.

"Paano nalang ang prinsipyo mo? Wag mong sabihing balewala lang lahat ng ginawa nating pagtatago sayo noon para kay Dad ,dahil alam naman natin na masama sya at isa syang demonyo. Now, Iam starting to doubt you, because of how you act right in front of me?Tama ba ang nasa isip ko Shien? Sakim ka na rin ba sa kapangyarihan tulad ni Da-----akkkkk"

Hinanap nang mga mata ko ang pinangagalingan ng boses at dahil bukas ang ilang senses ko nagawa ko pang hablutin ang damit nya dahil ramdam kong damit nya iyon.

"Wag mo kong simulan Eros, wag mong kwestunen ang dahilan ko kaya ko pinili to...."Inis kong sagot.

THEO'S POV:

"Bukas na bukas ay sisimulan na natin ang seremonya ng kasal. Mahal na Hari..."

Napabuga ako ng hangin sa narinig kong yun mula kay Dad.

Para bang ang bilis ng bawat pangyayari,na nangyayari ngayon sa buhay ko. Noong isang araw lang ay naganap na ang ritwal upang maging hari ako ng Red City, at ngayon naman ay ang seremonya sa pag iisang dibdib namin ni Shien.

Hindi na ako nagulat sa narinig ko dahil noon palang ay narinig ko na,na mangyayari ito ng minsang papasok ako sa kwarto ni Dad.

Ngayon ay kasalukuyan nang kausap ni Theo si Hesha na nasa masama pa ring estado dahil wala pa rin itong naaalala sa nangyayari, gusto ko sana itong puntahan ngunit hindi ko magawa dahil baka masama pa ang loob nya sa akin.

"Gusto mo si Shien hindi ba? Aking Hari... "

Saglit akong napatingin kay Dad sumunod sa bintana kong saan nasa mismong palasyo ako sa pusod ng Red City.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon