41.SECRET DOOR

82 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

Huminto ang mga mata ko sa nag iisang pulang rosas sa harap ng lamesang malapit sa kinahihigaan ko. Sa tangkay nito ay may nakataling papel na nakarolyo.

Umupo ako sa kama at inalis ang tali sa rosas saka kinuha ang maliit na papel na nakarolyo.

Maya maya pay binasa ko na ang nakasulat doon.

Shien;

          Sanay napangiti man lang kita sa munting regalo ko sayo.

                                            Theo

Saka ko lang pinatong sa lamesa ang sulat at nag inat inat. Ibig bang sabihin umalis na si Theo?

Ginala ko ang paningin pero nakakapagtakang wala na pala ako sa sala. Nasa kwarto na pala ako ngayon.

Saglit kong inalala kong sino nga ba ang kasama ko kagabi.

Hindi ko na siguro kailangang manghula,mukhang may ideya na ako.

Posibleng sya ang nagdala nito sa akin.

Maya-mayay may kumatok.

    "Mahal kong reyna may dala ho akong pagkain.. gising na ho ba kayo? "


   "Sige tumuloy ka... "

Kaagad naman itong pumasok dala ang isang tray ng pagkain.

Binuksan nya ang tray at isang buong manok na inihaw ang nasa harap ko.

Paborito ko yun pero,hindi ko maipaliwanag kong bakit parang halos bumaliktad ang sikmura ko sa amoy nito.

    "Mahal na reyna may problema po ba? "

Automatic na napatingin ako sa katulong saka mabilis na umiling.

"Wala naman, salamat sa pagkain.."Nakangiti ko nalang na sabi dito.


EROS POV:

     "Si Shien? "Taka pa ring ulit ko.

      "Hindi mo ba napapansin na hindi kami kumikilos kapag nawawala si Shien? Hinahayaan namin sya sa kong ano at saan sya pupunta dahil alam namin na kukunin din sya ng Red City... "

Pilit kong iniintindi lahat ng naririnig ko,kaya hinayaan ko nalang syang magsalita.

      "....Mahalaga rin sya para samin, pero ang pinuno na ang nagsabing hayaan nalang namin sya..."patuloy nya.

Kaya pala hindi ko sila nakikitang naghahanap man lang kay Shien gayong estudyante sya ng Reficul City, matatanggap ko pa noong nakuha sya ng patrol dahil wala nang pananagutan noon ang reficul city, pero noong nakatakas sya maari naman na syang tulungan ng syudad pero hindi nangyari.

Ano bang meron kay Shien kong bakit gustong gusto ni Dad itong makuha?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin masagot ang tanong na yun.

      "Sa ngayon... ihanda mo muna ang sarili mo Eros... isang araw mula ngayon, ikaw na ang bubuo ng hukbo upang panlaban kontra sa Red City matapos kang maluklok bilang hari.... "Isa sa myembro.

Pakiramdam ko sumasakit na ang ulo ko sa naririnig ko ngayon.


SHIEN'S POV:

        "Nabalitaan nyo na ba? May bago na daw napipisil na hari ang katabing lungsod natin....Bella?rinig ko yun mula sa nobyo kong isa sa mamamayan ng Reficul City"

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon