25.BROTHERS VS BROTHERS

108 7 0
                                    

SHIEN'S POV:

Nanatili ang mga kamay ko sa mismong leeg ng ginoo. Nakikita kong nahihirapan na syang huminga pero hindi ko magawang luwagan ang nakakapit na kamay ko sa leeg nya.

It was like I was on spell.

It was like I was determined on taking his life.

"A-ano b-bang m-meron s-sa k-kanya para ili-ligtas m-mo sya? "Nahihirapang wika ng ginoo habang mahigpit pa ring hawak ko ang leeg nya.

"Manahimik ka!"

Ang kaliwa kong kamay naman ay nakahanda nang itarak ang isang yun sa dibdib nito.

Punong puno ng puot ang sistema ko ngayon. Gusto gusto kong makaganti.

Gusto kong pumatay-----


"Bitawan mo sya...! "

Nawala ang focus ko sa ginoo dahil sa di kalayuan nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng isang plain white na papalapit na mismo sa kinaroroonan namin.


"Theo? "usal ko kasabay nang pagbitaw ko sa leeg ng ginoo.


"Bakit kailangan mo syang patayin... Shien? nagbago ka na ba? Binago ka na ba ng kapangyarihan na nasa loob mo? "

Hindi ko alam pero..


Oras na sabihin nya yun..

Unti unting bumabalik sa dati ang anyo ko,hanggang sa tuluyan nalang na nawala ang kagustuhan kong patayin sya.

Mukhang tama sya. Masyado lang akong nagalit dahil sa ginawa nya kay Eros.

Baka nadala lang ako sa emosyon ko.

Lumingon ako kay Eros na bumalik na sa pagiging tao habang nakatakip ang wasak wasak na damit na, nawasak lang nung nagpalit sya ng anyo.

"Go back.... Umalis na kayo rito kong guguluhin nyo lang kami... "

Napaawang nalang ang labi ko sa narinig ko mula kay Theo?

                     ❌❌❌❌❌

"You have the time to kill him... and you just.. Aish!."

Inis kong narinig na sabi ni Eros habang paalis kami ng Tanzania Village.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapaniwala sa nakita ko.

Si Theo ba talaga yun?

Sya ba talaga ang magiging hari?

"Sya ba talaga ang magiging hari? "

Napahinto si Eros sa paglalakad dahil sa sinabi ko. Imbis na sagutin ang mga pinaparatang nya sa akin yun na ngayon ang naging sagot ko.

"Umuwi na tayo. "Malamig nyang sagot.

"Hindi. Sagutin mo ko. Tama ba? Sya talaga ang magiging hari ng lugar na to? "

"I said lets go!"

Nang mga oras na yun nagulat nalang ako sa pasigaw nitong sagot.

San ba sya nagagalit.

Dahil ba sa hindi namin nakuha ang susi o dahil iluloklok nang hari ay ang mismong kapatid nya at hindi sya.

Kagaya nang narinig ko sa usapan nila ni ginoo.

"Tara na... "

Humina na ang dating lakas ng boses nito at napalitan nang pagkahinahon.

Tuluyan na rin akong sumunod rito pero nagawa ko pa ring lingunin si Theo habang inaakay patayo ang ama nito.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero mukhang hindi pa yata panahon para masagot ang lahat ng yun.


[ITUTULOY]

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon