48:ANG PAGBABAGO NG LUNGSOD

86 5 0
                                    


SHIEN'S POV:

Pigil ang hininga naming dalawa ni Casshiopphea habang, maingat sa mga galaw namin. Naririnig ko pa ang ilang hakbang ng mga naghahanap kay Casshiopphea na papalapit na sa amin.

Nagconcentrate ako para palabasin ang lakas ko.Hindi rin naman ako nabigo dahil, ilang segundo lang ay humaba na ang mga kuko ko na normal lang kanina, at ang pakpak sa likod ko ay sumulpot nalang bigla. Puti at itim sila.

Palapit nang palapit ang mga yabag.

Isa.

Dalawa...

"Wala sya .....dito! "Sigaw ng isa sa nandun.

Naghintay pa kami ng ilan pang minuto para mawala na talaga sila. Saka lang kami naging kampante.

Lumingon ako kay Casshiopphea,ramdam ko ang kaba nya dahil sa walang tigil na pagpapawis ng noo nito na humahalo na sa dugong nagkalat sa kanyang mukha.

Nang makasigurado kaming wala na talaga sila.Saka ko nalang hinatak si Casshiopphea para lumipad sa ere.

EROS POV:

Naalimpungatan ako dahil sa tumatamang sikat ng araw sa mukha ko. Tumingin ako sa gilid ko,andun si Shiro na himbing na himbing pa rin sa tulog habang halos isang dangkal nalang ang layo nito para malaglag na sa kama.

Napangiti ako. Ang likot nya talagang matulog.

Inayos ko ang higa nito at inisod pagitna.

Pansin ko rin na wala na si Shi.en sa kabilang parte ng kama.

Ang aga naman nyang gumising.

Tumayo na ako para tignan sya sa kusina. Naglakad lakad pa ako. Hanggang sa makarating na ako sa kusina pero hindi ko sya nakita roon.

Nagtatakang napalabas na rin ako dahil baka nasa paligid lang ito. Nang mag sawa ako sa paghahanap sa loob ng bahay. Naisip ko nalang na baka pinatawag din sya ni madame El.

Possibleng----

"Papa ano po ito... "

Lumingon ako kay Shiro, wala na pala sya sa kama. Lumapit sya sa akin at inabot ang isang malaking dahon sa akin.

Tinanggap ko ang binigay nya at kunot noo pa ako ng makita ko na hindi lang pala ordinaryong dahon ang isang yun.

May nakasulat kasi doon.

Eros,

Patawad. Ngayon palang humihingi na ako ng tawad dahil naging pasaway ako sa huling pagkakataon. Alam kong magagalit ka sakin. Alam kong, hindi ka pa rin sasang-ayon pero ito nalang talaga ang nag iisang solusyon. Lagi mo lang sanang tatandaan na mahal kita Eros, kaya ko to ginagawa.

Pupunta ako sa Red City, kakausapin ko si Theo tungkol sa kasal namin para ipawalang bisa nya yun,at makipagkasundo na itigil na nya ang panggugulo sa Reficul City, gusto kong maayos na muli ang relasyon ng dalawang syudad at isa pa , buo na ang desisyon ko, hindi ako papayag na matuloy ang kasal nyo ni Dahlia. Ipapangako ko sayong hanggang sa huli hindi kita bibitawan. Gaya ng huling sinabi mo noon sa akin.

Shien

Halos madurog ko ang dahon na may nakasulat galing kay Shien.

Alam nya na ang tungkol kay Dahlia.

Bakit ba, mas lalo nya pa akong pinag-aalala?

"Papa ano po ba yan? "Nakangusong sabi ni Shiro.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon