27: THE TRADE

124 7 0
                                    

SHIEN'S POV:

"Sandali.... "

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig kong yun mula kay Eros.Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng paglalakad sa mismong arko na bumubuo sa salitang TANZANIA VILLAGE nang magsalita ito.

Dalawang araw na ang nakalipas, kayat sumubok kaming muling pasukin ang Red City at puntahan mismo ang Tanzania Village patungo sa De la Vega Mansion.

Ngayon seryoso na ang anyo nya ng tignan ko yun. Alam kong normal na sa kanya yun pero, ano nanaman kaya ang gusto nyang mangyari?

Tinignan ko ang paligid pero ang tahi-tahimik kompara noong una na may mga nagpapatrolyang mga tauhan sa subdivision na ito.

Mukhang naubos nga namin sila noong nakaraan.

"Tara na... "Sabad ko dahil wala naman akong nakikitang kakaiba.

Umiling sya.

Kumunot naman ang noo ko.

Palubog palang ang araw ngayon pero nakikita kong handa na si Eros para magbago ng anyo.

Naramdaman ko nalang na hinigit nya ang kamay ko at tumago sa isa sa matayog na puno ng acacia na nakahilera sa mismong highway ng subdivision na ito.

Gulong gulo ang isip ko sa werdong kinikilos nya.

As far as I can see wala naman akong nakikitang kalaban sa paligid.

Ito ang magandang pagkakataon para gawin ang pakay namin.

"Tara na... "Wika ko pero hinawakan nya nalang bigla ng mahigpit ang kamay ko dahilan para mapatingin ako doon.

"Seriously? thats why your always endagered because of that mentality..."

Malamig nyang sagot.

Agad na napataas nalang ang kilay ko sa sinabi nyang yun.

"Look, walang tao? Wala akong nakikitang masama para simulan na natin ang misyon para pumasok sa loob? Hindi mo ba naaalala na gusto nating tapusin ang parusang binigay satin ng kwentas ko at ito ka palagi nalang komokontra?"Sa unang pagkakataon, nasabi ko na ang lahat ng yun dahil sa sama-samang pressure at stress na dinudulot sakin ng lalaking lobo na to.

Maya-mayay narinig ko nalang ang pagtawa nito.

Napabuga nalang ako ng hangin sa ginawa nya. Tss!

"Nilalagay mo lang tayo sa alanganin...hindi mo ba napapansin...ang tahimik? Wala ni isang bantay? Ni walang mga gwardya sa paligid?? Ni minsan ba di ka nagtataka?? "

"Tapos? "Sagot ko ng pasarkastiko.

"Jeez! Your making me pissed.. "Bulong nya na rinig ko naman.

I composed myself. Pinilit kong magtimpi nanaman dahil hindi ko ugaling habaan pa ang argumento namin kaya iniwan ko sya at naglakad pauna.

Sa unang hakbang ko palang nagulat ako ng biglang bumuka ang lupa at tuluyan akong nahulog roon.

"Oh.. Geeez! SHIEEEN! "

Yun nalang ang huling narinig ko habang pabulusok pababa at nilamon ng dilim.

                         ❌❌❌❌❌

"Gising na binibini... "

"Binibini... "

Nagising ako dahil sa malabing na boses na bumubulong sa tenga ko.

Tinignan ko ang buong paligid pero wala ni isang liwanag akong nakikita.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon