46.RETURN TO RED CITY

83 5 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Nahihibang kana na ba Eros? "Si Madame El.

Bago pa ako nakapagreact, gumalaw na si Eros sa kinatatayuan at ang dalawang mga kawal na may hawak sa akin ay kapwa sinakal nya ,hanggang sa unti-unti na silang nawalan ng malay at nagsibagsak sa lupa.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Tara na Shien.... "

"Pero Eros...? "

Pumagitna nalang ang ilang mga kawal na dala dala ni madame El at pumwesto para pigilan kami.

"Hindi nyo na ako hari, ano pa bang ginagawa nyo? "Angil ni Eros.

Isa isa silang lumuhod sa harap namin kasunod ay ang mismong si madame El.

"Tatalikuran nyo na ba kami ng ganun kadali? aming hari? "May sarkastiko na sa bawat pagbigkas ni Madame El sa sinasabi nito.

Mas hinigpitan ni Eros ang hawak nya sa braso ko. Ramdam ko ang determinasyon nya,pero hindi ako kasing determinado nya.

Sa mga nakikita ko ngayon.

Mas lalong higit na kailangan nila si Eros kesa sa akin.

Marahang inalis ko ang kamay ni Eros na nakakapit sa kamay ko.

Kunot noo pa nyang binalik ang tingin sa akin na parang nagtatanong.

Umiling ako.

"Babalik na ako Eros, hayaan mo na ako... "Nakangiti kong sabad.

Pumihit na ako para umalis...

May humigit sa kamay ko.

Lumingon akong muli pero seryosong anyo lang ni Eros ang nakita ko.

Sa pagkakataong ito mas, lalo nya pang hinigpitan ang kapit nya kesa una.

"Ito ang unang beses na nagdesisyon na ako para sa sarili ko ,Shien. Gaya ng mahigpit kong paghawak sa kamay mo. Hinding hindi ko yun bibitawan. Katulad nang paninindigan ko ngayon sa inyong dalawa ng anak ko. "

❌❌❌❌❌

5 YEARS PRESENT>>>>

"Mama.... nakahuli po ako ng paru-paro oh... para po ito sa inyo.... "

Hindi maalis sa labi ko ang pagngiti habang inaabot sa akin ni Shiro ang isang makulay na paru-paro,pero halata naman sa kaliwang pisngi nito ang ilang gasgas.

"Anong nangyari sayo anak? "

Umiling lang sya sa akin habang hinigit ng maliit nyang kamay ang braso ko pauna. Kakasundo ko lang sya galing sa eskwelahan pero yun agad ang nadatnan ko.

"Ma, binigyan ako ni teacher ng star...ito oh! "sabay pakita sa akin ang marka ng star sa braso nito.

Naglakad lakad pa kami ,at pasakay na nang makasalubong namin ang ilang nanay na nagsusundo sa kani-kanilang anak.Alam kong yun mismo ay ang kaklase ng anak ko.

Babati pa sana ako nang nagsi unang maglakad ang mga ito na para bang may nakakahawa kaming sakit.

"Mom, monster! "

Nakita kong may isa pang bata na tinuro ang anak ko at takot na takot na tumago sa nanay nila.

Saka ko lang ibinaba ang tingin sa anak ko. Halata na ang lungkot sa mukha nito at gulat pa ako nang magtatakbo ito palayo.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon