36: UNANG PAGKABIGO

87 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

Pagmulat ng mata ko liwanag na nang araw ang nakita ko. Sa kabilang tabi naman naririnig ko ang hilik nang nag iisang nilalang na nasa tabi ko lang.

Napaawang ang labi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Napansin kong wala na rin akong kahit anong suot nang yumuko ako, saglit.

Nangyari nga.

Parang panaginip lang ang lahat,pero sa nakikita ko ngayon totoo nga talaga.

Tumama ang araw sa kayumangging pisngi ni Eros kaya mabilis na tinakpan yun ng isa kong kamay.

Tulog na tulog sya.

Para syang anghel.

Gumalaw ang hintuturo nang libreng kamay ko.

I traced my fingertips on his  bangs until I reached his nose bridge, down to the tip of his nose and stop.

Pakiramdam ko tumigil ako sa paghinga ng bigla nitong iminulat ang mata at bumulaga nalang sa akin ang kulay kapeng mata nyang yun.

Ngumiti sya at dahan dahang inalis ang kamay ko na nasa ilong nya pa rin ,at hindi ko kagad naalis dahil sa gulat ko.

        "Magbihis ka na... "Sa mahinang tono.

Tumayo sya kaya bigla ko nalang tinakpan ang mata ko. Alam kong may nangyari noong gabi pero hindi ko pa rin matignan ang kabuuan nya.

Nakita ko nalang sa harap ko ang damit kong pangkasal.

Tumayo na rin ako at magbibihis na nang mawala na sya sa paningin ko.

Ang bilis nya talaga.

THEO'S  POV:

Pinili kong ayusin ang ritwal ng una at huling burol, dumating na ang ilang kaanak ng mga namatay at nakikita ko sa kanila ang galit habang sinusunog ang mga katawan ng bawat biktima ng nangyaring pagsalakay kagabi.

Hindi pa rin nawawala sa akin ang pagkawala ni Shien pero hindi ko pwedeng baliwalain ang nasasakupan ko.

Tuso ka talaga Eros!

Hindi ko mapigilang sabihin yun sa isip ko.
Ako lang at ang ibang mga taga konseho ang abala sa ritwal, habang si dad naman ay nasa laboratoryo kausap ang iba pang kasapi para sa gagawing pagsalakay.

Alam na daw nila kong sino yun.

Nakatingin lang ako sa puting usok na nanggagaling sa bawat katawan na sinusunog sa harap ko.

Marami sa kanila ay dalawang magkaibang lahing mangkukulam at halimaw pero dahil hindi sila imortal , at hindi sanay sa pagsalakay namatay sila. Kakaunting bilang naman sa lahi naman ang nawala pero kaya naman din nilang mabuhay dahil may espesyal sa dugo namin.

             "Mahal na hari... "

Lumingon ako mula sa sa isa kong katulong.

            "Magsalita ka.. "Sagot ko na habang nasa tabi ko ito.

            "Alam na po naman kong nasaan sila....at pupunta na po ang kawal para sagipin ang binibini..."

            "Ganun ba... "Hindi ko maiwasang mapangiti.

Tumango ang katulong.

            "Aalis na po ako, sasabihan ko na po ang mga kawal na hanapin sila... "

Akma itong aalis ng pinigilan ko nalang ito.

       "Sasama ako...."Giit ko,dahilan para magulat nalang sya sa sinabi ko.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon