37: TRAITOR

81 4 2
                                    

EROS POV:

Gusto kong sumigaw,pero hindi ko magawa.

Nakatatak pa rin sa isip ko ang malungkot na mukha ni Shien.

Malalim akong bumuntong hininga habang nakatingin sa malinaw na tubig na nang gagaling sa ilog.


Gusto ko si Hesha.


Gustong gusto ko sya.

Habang tinitignan ko ang ilog hindi ko maintindihan kong bakit unti-unti itong naging mukha ni Shien.

Ang maamong mukha nito.

Ang inosenteng mukha na malayong malayo sa pag babagong anyo nito.

Yumuko ako at hinawakan ang tubig, saka lang naglaho ang imahe ni Shien.

Naguguluhan ako.

Ano nga ba si Shien?

Ano nga ba sya para sa akin?


Gaya ng tanong nya sakin kanina?


Saka ko lang naalala ang iniihaw ko kanina na amoy sunog na.

Kailangan ko nang bumalik.


SHIEN'S POV:


Nakatingin lang ako sa nag aapoy na iniihaw lang kanina ni Eros. Nasusunog na sya pero hinayaan ko lang yun.

Niyakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa malaking bato.

Nasasaktan pa rin ako.

Patuloy pa rin na nakatatak sa utak ko ang huling sinabi ni Eros.

Maaaring nagkamali ako.

Tama, maling mali ako.

At ang tanga tanga ko na isiping mahal nya rin ako kagaya ng nararamdaman ko sa kanya.

I misinterpreted everything.

Wala rin naman syang sinabing gusto nya ako.

Bakit ba hindi ko naisip yun.

Bakit ba----

"Shien?"

Lumingon ako sa nagsasalita.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harap ko.

"Tito? "Nakangiting sabad ko at nagtatakbong niyakap nalang ito.

"Sa wakas... "Natutuwang sabad naman ng nasa likod ni tito at yun mismo si Casshiophea.

Napalitan ng tuwa ang lungkot na nararamdaman ko kanina.

"Kumusta na kayo.. "Excited kong sabi.

Sabay namang ngumiti ang dalawa.

"Nasan si Eros.. "Sabad ni Casshiopphea.

Natigilan ako saglit dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko alam e... "sagot ko nalang.

"Namiss kita... Shien,ang ganda mo sa damit mo ah. Nabalitaan kong ikakasal ka raw kay Theo pero may masamang nangyari sa mansyon kaya hindi nangyari"Si Cashiopphea.

Tumango tango nalang ako.

"Sa totoo lang nag aalala kami sa inyo,pati na rin... kay Eros. "si Tito.

Bahagya akong ngumiti.

"Nga pala, may sasabihin nga pala ako sayo Shien... maaari ba kitang makausap nang tayo lang... "Sabad nanaman ni Cassiophea at bahagyang tumingin kay Tito para bigyan siguro kami ng panahon na makipag usap.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon