16.AKALA

150 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

"Ang dali dali mo palang mauto. Pathetic! "

Hindi ko magawang manlaban. Parehong nakakadena ang paa at kamay ko sa mismong malaking puno.

Ang lalaking mahabang buhok at gwapong lalaki na nagsasabing ama ko ay unti-unting naging babae din kani-kanina lang.

At ang libingang sinasabi nya ay ang mismong bitag nya pala para sa akin.

Niloko nya ako.

Nagpupumiglas ako,pero ibang klase yatang bakal ang nakakadena sa kamay ko kaya hindi ko magawang maputol.

Gabi na at alam kong anumang oras lalabas na ang kakayahan na meron ako,pero hindi ko magawang gawin yun. Pakiramdam ko nang hihina ako.

Ito ang unang pagkakataon na nanghihina ako.Samantalang nagagawa ko noong pumatay nang hindi ko alam pero wala akong nararamdamang panghihina noon,
pero ngayon. Ibang usapan na.

"Nakakaawa... ayan ba? Ganito bang klase nang nilalang ang sinasabing mas malakas pa raw sa akin?"

Marahas nyang hinawakan ang baba ko. Kahit nanghihina ako. Alam kong ang walangyang babae na ito ay ang mismong si Hesha.

Yung babaeng kasama namin sa dorm na may kakayahan palang magpalit nang ibang anyo.

Malakas nya akong sinampal matapos nyang hawakan ako sa baba, dahilan para maramdaman ko ang likidong umaagos sa labi ko.

Hindi pa sya nakuntento dahil sinuntok nya rin ako sa tyan kaya napa ubo nalang ako.

"Ang hina... ang boring naman. I can sense na nagkamali si Tito sa pagcalculate sayo. Dahil walang wala ka sa akin. Your just as weak as my slaves. "sabad nya na ibinulong mismo sa tenga ko.

Maya maya pay naririnig ko na ang ilang yabag mula sa di kalayuan.

Sa tantya koy marami sila dahil sa sunod sunod na yabag na palapit samin.

"Ipinag uutos daw ho ni master na, iwan raw ho natin syang buhay. Paparating na daw ho sya rito"

Totoo ba ang nakikita ko.

Sila yung mga Red Gang hindi ba?

May mga bandana sila sa kani kanilang ulo at may nakatakip na itim na mask sa mg bibig nila.

"Sure, dinala ko lang sya dito para ilayo kila Theo, alam kong hadlang sila sa atin"rinig kong sabi ni Hesha.

"Kasama mo sila? "Nagtatakang tanong ko.

Ngumisi sya sa akin at saka tumango tango.

"Oo... hindi ba halata! "

Kinagat ko ang ibabang labi sa inis.

"Pakawalan mo sya! "

Napaangat ang tingin ko sa narinig. Lahat sila nakatingin sa direksyon na tinitignan ko.

Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko.

Si Eros ang lobong sinasakyan na yun ni Theo.

Bumaba si Theo kay Eros at mabilis na sinakmal ang isa sa myembro nang Red gang na pasugod dito.Nahigit ko pa ang hiningi ko nang baliin pa nya mismo ang leeg nito.

Sumunod si Eros na tumalon na rin sa isang myembro at sinakmal sa leeg ang isang yun.

Ewan ko ba, pero habang nakikipaglaban sila, may kong anong lakas ang bumubuhay sa katawan ko. Pakiramdam ko lumakas ako kayat hindi na ako nahirapang wasakin ang kadena sa paa at kamay ko.

Mabilis ang pangyayari.Ilang tauhan nalang ang natitira. Hindi ako pwedeng manood nalang, kailangan kong lumaban. Kailangan ko silang tulungan kahit hanggang ngayon may pag aalinlangan pa rin ako sa kanila.

Patuloy sa pakikipaglaban sila Theo at Eros ganun din ako, pero si Hesha na ang pinunterya ko.

Nagsimulang bumukas ang pakpak ko at dinala nito ako mismo kay Hesha.

Halata ang gulat sa mukha nito. Sumugod sya pero nakailag ako. Hanggang si nakalmot ko sya.

Curious pa rin ako kong bakit madali na sa aking macontrol ang lahat hindi kagaya noong una. Siguro dahil nag aadjust palang ang katawan ko noon.

Sinipa ko sya sa tyan pero naka ilag sya. Sinugod ko sya at mabilis na sinakal.

Hindi nya magawang maalis ang kamay ko sa leeg nya. Alam kong nahihirapan na syang huminga.

Nang mga oras na yun gusto kong makaganti.

Ang pumatay...

Ang burahin sya sa mundo...

Pero... hindi bat, hindi naman ako mamamatay tao?

Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako papatay,para lang sa kagustuhan kong manalo..

Hanggat maaari iiwasan ko yung mangyari.

Inalis ko ang pagkakahigpit nang kamay ko sa leeg nya.

"Bakit hindi mo itinuloy? Naaawa ka?... Hindi ko gawaing matalo but now that today I was defeated by you.Tingin mo hahayaan kitang maging masaya? kaya ihanda mo na ang sarili mo dahil bago matapos ang araw nato maging kasuklamsuklam ka sa paningin nilang lahat.."

Matapos nun. Nagulat nalang ako nang itarak nya sa dibdib nya ang mahahabang kuko ko.

Saka lang sya unti-unting bumagsak sa harap ko.

"HESHA! "

Sigaw ni Eros na tuluyan nang nagkatawang tao. Hubad sya pero hindi nya ininda iyon. Hinawakan nya si Hesha habang patuloy ang pagdurugo nang dibdib nito.

Wala nang kalaban kundi kami kami nalang.

"Hesha... "sabad ni Theo na lumapit na rin dito.

Malungkot na pinukol ako ng tingin ni Eros.

Ramdam ko ang galit sa awra nito.

"Bakit mo yun nagawa? "

"Hindi ako. Hindi ko sya kayang patayin. "

Hahawakan ko sana si Hesha dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mabilis na pangyayari na nangyayari na ngayon,pero maagap ni Eros na tinabig ang kamay ko.

"Pero nagawa mo na. You killed her pinatay mo sya! "sigaw nya.

"Hindi nya sinasadya dude. Prinoprotektahan nya lang ang sarili nya!"sabad ni Theo na pumagitna na sa amin.

"Hindi. Dad is really right.She is really a total danger.Sana lang talaga hindi nalang natin sya iniligtas...! "

Tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ko.

Bakit...

Bakit kahit umiiwas ako...

Nangyayari pa rin ang hindi dapat mangyari?
.
.
.
.
.
.
.
(Itutuloy)

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon