45: Shien vs Reficul City

88 5 0
                                    

SHIEN'S POV:

"Akin ba talaga ang batang... yan? "

Ilang beses pa akong napalunok lunok,habang nakatitig sa mukha ni Eros.

Halata sa kanya ang halo halong gulat excitement at saya.

Huli na.

Paano ko pa mababawi yun?

"Maiwan ko muna kayo.. Shien? "Sabad naman ni Hesha. Kaya dun na kami parehas napatingin.

Kumaway pa ito bago tuluyang nagmartsa palabas ng pinto.

Ngayon ,kaming dalawa nalang ang tao sa loob ng kwarto. Pakiramdam ko nanliliit ako sa nangyayari. Hindi na tuloy ako mapakali.

Umupo si Eros sa tabi ng kama ko at gulat pa ako ng yumuko sya para mailapit ang ulo nya sa tyan ko.

"Baby... "wika nya habang yung isa naman nyang kamay ang humahaplos sa tyan ko.

Hindi ko mapigilang pagmasdan si Eros habang seryosong kinakausap ang isang buhay sa loob ko. Gumuhit pa ang ngiti nito sa labi kaya parang nahawa na tuloy ako at napangiti na rin.

"Ako ba talaga ang ama nya... "Masuyong wika pa nya at tumingin muli sa akin.

Sa puntong yun, hindi na ako tumutol.

Tumango tango ako.

Marahil, ito na rin siguro ang pagkakataon para hindi ko sa kanya ipagkait ang bagay na karapatan naman nyang malaman.

Saka lang sya umayos ng tayo at mahigpit na akong niyakap. Yakap na parang sabik sa isang bagay na matagal na nyang gusto. Yakap na parang makakalas na ang mga buto ko, pero sandali lang yun dahil unti-unti nya ring niluwagan.

"Mahal na mahal kita Shien,kayo ng anak ko... pinapangako ko sayong, palalakihin natin sya ng may pagmamahal... "

EROS POV:

"Nasisiraan ka na ba,reyna sya ng kalaban nating syudad. Bakit kailangang patirahin mo sya dito? Baka nakakalimutan mo. Ang syudad nila ang pumatay sa ilang mamayan natin. Ang kawal nila ang pumatay sa pinuno natin at ang dating hari! EROS! "Giit ni madame El ng kausapin ko sya sa opisina nya na nasa dormitoryo pa rin.

Andito ako dahil sa kumalat na sa palasyo ang pagtira ni Shien sa poder ko ilang araw na rin ang nakakalipas,kaya pinatawag nalang ako ni madame El para kausapin na raw nya ako tungkol doon.

Ilang beses din nyang binagsak ang kamay sa desk table nito matapos sabihin yun.

"Alam ko... "Sagot ko.

Tumayo sya sa kinauupuan at humarap sa akin.

"Paalisin mo sya... hindi mo ba alam na malaking insulto ito sa syudad natin? Ginawa ka naming hari upang mamuno hindi para mas lalo mo pang ilagay sa alanganin ang buong Reficul City. "

Kinuyom ko ang kamao.

"Hindi ko pwedeng gawin yun... "Giit ko.

Tumaas nalang ang kilay nito sa sagot ko.

"Natatanggap ko pang ipinagpaliban mo muna ang kasal,dahil gusto mo munang ibuhos ang sarili mo sa plano para sa digmaan natin sa pagitan ng Red City at syudad natin pero ito.... isang hamak na reyna ng kalaban.... hahayaan mo lang na dito patirahin?"Sya.

"...Pero buntis sya! "ako.

Napaawang nalang bigla ang labi nito sa sinabi ko.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon