3:WOLF

251 9 0
                                    

SHIEN'S POV:

Ilang beses kong sinangga ang mga kamay ko sa anumang kamao na dadapo sa mukha ko. Putok na ang labi ko at hindi ko na masyadong makita ang nasa harap ko dahil sa likidong halos tumakip na sa mata ko.

Napahiyaw ako nang may sumipa sa tyan ko at maya mayay may humigit sa buhok ko.

Napadapa na ako sa sakit. Habang pagapang na palapit kay tita. Nakasubsob ito sa sahig at hindi na gumagalaw.

"Wala kang karapatang lapitan sya. Pinatay mo sya! Halimaw ka! Demonyo! "

Nanginginig ang mga kamay ko habang inilalapit ang mga yun kay tita.

Sya lang ang tanging tao na nagmahal sakin. Sya lang ang tanging nilalang na tumanggap sakin...

Sya lang ang...

Pumatak ang luha sa mga mata ko nang makita kong may umaagos na dugo sa mismong ulo nito at sa dibdib nito.

"Mamamatay tao ka! "
.
.
.

"MAMATAY TAO KAA! "

Sunod sunod na luha na ang pumatak sa mata ko habang patuloy sa pag abot sa kamay ni tita.

Hindi na talaga sya humihinga..

Wala na akong nakikitang senyales na buhay pa talaga sya.

"Hindi! Hindi ko yun magagawa? Mahal ko si tita mahal ko sya"

.
.
.

Gumising ako na may ilang butil na luha na sa pisngi ko. Tinignan ko ang paligid.Panaginip lang pala ang lahat. Yumuko ako. Pakiramdam ko nagbalik lahat ng bagay na gusto ko nang kalimutan.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Gising ka na pala Binibini"

Iniangat ko ang mukha ko ,nagulat pa ako nang makita ko yung mismong babae kahapon na nasa late 50's na nasa harapan ko na ngayon.

Tatakbo na sana ako ng may humawak nang mahigpit sa kamay ko. Lumingon ako roon. Hindi ako nagkakamali ,dahil ang mismong mamang guard na manyak na yun ang humahawak ngayon sa kamay ko.

"Wala ka nang takas Binibini"gumuhit pa sa labi nito ang isang  ngiti na nagpakilabot sa buong katawan ko.

Mukha sya yata ang nakahuli sa akin kagabi?

                        ❤*❤*❤*❤

"Ito ang magiging kwarto mo, simula ngayon dito ka na titira, pero hindi libre dito. Magtatrabaho ka sa Reficul Academy bilang student assistant para sa expenses mo, at yung virginity test. Hindi ko na kailangang gawin yun dahil si Hernan na ang nagsabi na hindi ka pa raw nagkakaboyfriend. "

"Si Tito ho? Asan po sya binisita nya po ba ako? "Napapangiting sabi ko pa.

Umiling iling ito.

"Simula ngayon kailangan mo nang matutunang kalimutan ang mga tao na nakasanayan mo dahil dito na ang buhay mo. Kami na ang pamilya mo at dito ka nabibilang. "Sagot nito.

"Hindi... HINDI KO KAYO PAMILYA!"Apela ko.

Nanlaki nalang ang mata ko nang biglang lumitaw ang pangil nito sa bibig kaya napayuko nalang ako.

"Sa ayaw mo man at sa gusto, ito na ang tahanan mo, dito ka nabibilang dahil hindi ka tao.... kaya yakapin mo na ang tadhana na meron ka. "Maawtoridad na litanya nito.

"Hindi... hindi nyo ako katulad.."matigas na sagot ko.

Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa na unti unting lumakas dahilan para magecho na yun sa buong kwarto ko.

"Kong normal kang tao... Paano mo napatay ang tita mo sa loob lamang ng isang segundo.Isa ka rin sa amin. Halimaw ka rin"

Napaawang ang labi ko. Saka unti-unting tumingin dito. Maya-mayay napa yuko muli.

Paano nya nalaman ang tungkol doon. Kwenento rin ba yun ni tito?

                      

                        ❤*❤*❤*❤

"Class this is Shien Mendez, newbie student here in Reficul Academy. Just be nice to her"

Ginala ko ang mga mata ko sa loob ng classroom na pinasukan namin. Andito na kami ngayon sa Reficul Academy, ang gulo nang loob. Maraming nagkalat na basura na kala mo dumaan sa world war three ang loob. Ang gulo gulo rin nang ayos nang armchairs at may isang estudyante pa akong nakita na nakikipaghalikan sa gilid. Wala na ba talagang manners ang mga tao rito?

"BOOOOOO! "Yun mismo ang narinig ko sa buong classroom.

"Tahimik! Tahimik! "Sigaw ni madaam El sa mga ito pero ganun pa rin ang mga yun,tuloy pa rin sa pagsigaw ng boo.

"Alright class, Iam going now"sabad nalang ni Ms El at lumabas na nang classroom, nang hindi na nito iyon masaway.

Night class ang klase ko dahil yun ang gusto nitong si Lady El na pasukan ko.

Sa mismong likod ako pumwesto para maupo, sa tabi mismo nang bintana.

Hindi sinasadyang nahagip nang paningin ko ang isang lobo na nakatuntong sa gate na para bang nagpapatrolya.

"Interesado ka ba sa class president namin? "

Muntik nang lumabas sa chest ko yung puso ko dahil sa gulat. Pinaling ko ang paningin ko sa tabi ko at nakita ko ang isang babae na putlang putla ang kulay nang balat pero sobrang pula naman nang labi. Suot nya ang skirt at blouse na mismong uniform nang school nato.

"Wag mo na syang pangarapin. Dahil sya ang fiancee ko"malandi pang sabi nito.

Umiling iling ako dito sabay ngiti.

"Wag kang mag alala wala akong gusto sa kanya. Curious lang kasi ako kong madalas ba syang nagbabantay dyan sa gate, twing gabi? "

Bumuntong hininga ang babaeng maputlang kausap ko saka tumingin sa bintana kong saan nandoon yung tinutukoy namin.

"His responsible for the hard headed student. Once na may tatakas para pumunta sa Red city ...lalo na sa mga bagong estudyante. Pinaparusahan nya, or else sya ang malalagot sa directress nating si Madaam El"sagot nito.

Kaya pala, nung nakaraan nakita ko syang may kagat kagat na braso. Ibig bang sabihin nun kakainin nya ang sinumang lumabag?? Nakakatakot naman??

Lumingin sya sa akin at saka kumunot ang noo.

"Hindi nya kayang pumatay, pinaparusahan nya lang nang detention ang nakikita nyang lumalabag, but he cant afford to kill....anyways I dont want to elaborate everything dahil pumunta ka pala sa kwarto nang fiancee ko"

Wait... nabasa nya ba ang isip ko?

"Seriously yes, I have the ability to read minds dahil psychic ang mom ko at warewolf ang dad ko"

Dun nalang ako napatayo dahil sa sagot nya.

"Nababasa mo isip ko"isinatinig ko na yun dahil alam kong nababasa nya rin naman.

Ilang beses din itong tumango tango.

"Why so shocked everyone in here has a special ability kaya normal na yun. Well newbie ka nga pala"maarteng sabi nito.

"Dyan ka na nga, your bored looking mukhang hindi kita gustong kaibigan. "Tumayo na ito at umalis na sa harap ko, pero di nakatakas sa mga mata ko ang pagbabago nang itim nitong mata na nauwi sa pula saka pumunta na mismo sa grupo nang mga estudyante na nag uusap usap kanina.

Ginalit ko ba sya? Alam ko nagbabago lang ang anyo ng mga lobo kapag ginalit sila at mas malakas ang kapangyarihan nila sa gabi mas lalo na kapag bilog ang buwan.

Pero naguguluhan pa rin ako, kong hindi yung Eros na yun ang pumatay sa dala dala nya. Posible kayang nagutom lang sya at isa sa estudyante ang kinain nya?

Napalingon nalang ako bigla sa direksyon nito kong saan yung gate na lokasyon nya kanina pero wala na ito doon.
.
.

<ITUTULOY>

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon