21.EROS SORROW

119 5 0
                                    

SHIEN'S POV:

"Hesha. "

Hindi na siguro mapigilan nitong si Eros ang sarili kaya niyakap nya na ng mahigpit si Hesha.

Para lang akong nanonood ng isang romantic movie... noong nasa mundo pa ako ng mga tao.

Nakafreeze lang si Hesha na nasa harap itong si Eros maya-mayay nagsalita rin ito.

"Sino ka...? "

Sabay tulak nito kay Eros.

Kunot noong napatingin si Eros dito. Habang napakunot din ako ng tingin sa rito dahil sa narinig.

"Ako to.. Si Eros? Hindi mo na ba ako natatandaan? "

Umiling iling ito.

Maya maya pay may naririnig kaming papalapit na yabag mula sa di kalayuan, kaya no choice ako kundi higitin si Eros palayo. Naiwan tuloy si Hesha roon.

She looked puzzled.

Halatang halatang naguguluhan.

"Tara na paparating na sina Dad"sabad ni Theo na kasalubong na rin namin.

Sa may likuran kami dumaan.Tama nga si Theo paparating na ang Dad nila at papunta na ang mga yun kay Hesha. Sunod ang ilang mga nakaitim na lalaki na takip ang mga mukha.

Nakita ko yun dahil pasimple ko yung tinignan habang patakas kami.

                     ❌❌❌❌❌

"Babalikan ko sya... kailangan nyang sumama satin"

Umiling iling ako.Malayo na kami ngayon sa mismong sementeryo pero nanatiling nakatingin pa rin si Eros sa direksyon kong saan namin iniwan si Hesha.Kaya hinatak ko sya bago pa nya ituloy ang gagawing pag alis.

"Hindi mo ba alam. Andun si Dad. Kong itutuloy mo yan mas lalo kang mapapahamak. "si Theo.

Matapos nun ay tumahimik na rin ito.

Nakita ko pang kinuyom nya ang kamao sa inis.

At nagsimula nanaman itong maglakad pauna.

I can sense his dark awra kahit na alam kong umaga lang ngayon at wala syang kakayahang magpalit ng anyo.

Hindi ko gusto ang awrang meron sya ngayon.

 

THEO'S POV:       
       

"Nasisiraan ka na ba??Sa ayaw at sa gusto mo pupuntahan ko si Hesh---"

Nasampal ko si Eros. Kanina nya pa ginigiit ang bagay na yun pero hindi naman pwedeng mangyari ang gusto nya.

"Mapanganib... hayaan mo muna sya kila dad. Baka mas may malaki pang problema kong itutuloy mo yan? "

Inis syang tumingin sakin habang hawak ang nasaktang mukha.

"Kasalanan nya to. Kasalanan ng babaeng yan"Pinukol ni Eros ng masamang tingin kay Shien.

Dinuro nya si Shien pero tahimik lang ito.

Saka lang ito lumabas ng padabog ng bahay.

Andito kami ngayon sa lugar ni Tito,sabi kasi ni Tito hindi kami pwedeng lumabas.Habang nagpaalam muna si Casshiophea na magpapahangin muna dahil sa tensyon sa loob ng bahay simula ng makarating kami.Hanggang ngayon mainit pa raw kami sa mga tauhan nila Dad kaya mas pinili ni uncle na dumito raw muna kami. Hinahanap pa rin nila kami at may posibilidad na kaya nya kami pinag hahanap ay dahil kay Shien pero hindi pa rin malinaw sa akin kong... ano ba talagang kailangan nya kay Shien?

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon