24.HER ABILITY ATE HER WHOLE

108 7 0
                                    

EROS POV:

2 DAYS AGO...

Ang Red Master ang isa pang tawag sa namumuno ng Reficul city pero sa kabuuan sila ay tinaguriang King of Red City.

Sya ang namununo sa kabuuan ng Red City maliban sa iba pang syudad na may sari-sariling hari.Syudad ang tawag sa bawat lugar na malaki at progresibong lugar gaya na lamang ng Reficul city at ang mismong Red City sila ang dalawang pinakamalaking Syudad sa lugar na ito. Kaiba sa lungsod na katabi nito.

Mayroon ang bawat isa ng kani kanilang hari na namumuno sa loob nang kanilang nasasakupan.

Pero dahil ang aking mga magulang ay isang maharlika na galing pa sa Reficul city at Red city may kalayaan ako kong saan ko gugustuhing tumira.Kaya noon pa man may kalayaan akong mag aral sa Reficul city nang hindi nila ako kwenekwestyon.

Ngunit dahil ama ko na ang tatay ni Theo na syang nagdikta sa akin bata pa lamang ako na isa ako sa pinili ng Red master kasama si Hesha na anak nang maharlika at residente ng Tanzania Village.Noong pa lamang ay sinasabi na sa akin na ako ang mamumuno pagdating ng panahon kasama si Hesha dahil sa kagustuhan na nang Red master na magretiro mula sa mahabang panunungkulan.

Noong una, tumututol ako pero dahil buo na ang disesyon ko ngayon at gusto ko nang mabuhay kasama si Hesha para pamunuan ang mamamayan sa Red City saka ko naman mapapanood ang balita sa telebisyon..

'Amin pong ikinalulungkot ngunit dahil sa problemang mental ni Binibining Hesha, mauukupa na ang trono sa pagiging kabiyak ng ating Hari aantayin muna namin ang panayam ni Red Master upang malaman kong sino ba ang magiging kapalit ng binibini. '

F**** Bakit nila kailangang palitan si Hesha?

Hindi ba dapat sya pa rin ang magiging Bride King?

Hindi nito mapipigilan ang halo halong emosyon na nararamdaman ko sa balitang narinig ko pero...

Hindi lang pala doon matatapos ang problema na kakaharapin ko dahil sa sumunod na balitang narinig ko.

'....Nailabas na mismo ang kasulatan ukol sa panibagong mamumuno matapos na magretiro ng Red Master na syang ating Hari...at sinasaad sa binigay nyang kasulatan...na si Theo De la Vega na ang napili na bagong uupo sa pinaka mataas na posisyon sa kauna unahang pagkakataon matapos ang 100 taong panunungkulan ng ating Red Master'

Napasuntok ako sa center table dahilan para mabasag ito at makalikha ng ingay at sugat sa kamao ko.

Nakita ko nalang na lumapit ang babaeng werdong yun. Casshiophea nga ba ang pangalan nya? Ay ewan!

"Anong nangyari sayo? "sabi nya sa akin pero nanatili akong walang imik.

Umalis sya sandali at pagbalik nya dala na nya ang gasa sa kamay nito at inilagay nya mismo sa kamay ko.

"Ano ba talang nangyari? "tanong nya pa pero, hindi ko magawang magsalita.

Tanging nasa isip ko lang ay ang nakita ko kanina.

F*****!

I hate it.

I hate you DAD!

[PRESENT>>>]

"Natahimik ka?Tama ako hindi ba? "

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan,dahil sa ala alang yun.

Alam ko ang lahat.

Alam kong sya na ang pinili at hindi na ako pero hindi ko matanggap na si Hesha...

Bakit kailangan nilang palitan?

Bakit kailangang baguhin ang dapat baguhin?

Maraming paraan. Pwede namang ipagpaliban muna ang kasal pero...?


Napakuyom ang kamao ko sa isiping yun.

"Nasan si Hesha? "Yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

Pero ang nakakalokong ngiti lang ang lumabas sa bibig nitong si Dad.

SHIEN'S POV:

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Bakit parang maraming alam si Eros sa lahat ng nangyayari.

Pakiramdam ko ako lang talaga ang walang alam sa aming dalawa.

"I consider you a stranger since ,you dicided to fight against me
..your no longer my son Eros...I dont think Ill tell where is she...! "

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Habang nananatili sa inis na anyo si Eros.

Maya maya pay  nagulat nalang ako ng magpalit ang anyo nito dahilan para mapunit ang suot nitong suit na galing mismo sa napatay nito.

Nafreeze lang ako sa kinatatayuan nang dambahin nya ang Dad nito kaya tuluyang nang umibabaw si Eros sa ama nito at akma na nito iyong kakagatin sa leeg.

Nanatili sa ganung posisyon ang ginoo habang tinutulak palayo si Eros, nakita kong nagsenyas ito sa mga tauhan nito na sumugod pero dahil mabilis ako bago pa sila nakalapit dito,isang sigundo lang ang dumaan at nahugot ko na sa kani-kanilang katawan ang kanilang mga puso kasunod ng pagbagsak nila sa lupa na wala ng buhay.

Nasa likod ako ni Eros habang patuloy sya sa balak nyang sakmalin sa leeg ang ginoo.

Hindi ko magawang makialam dahil, wala ako sa posisyon para gawin yun.Dahil baka pag nakialam ako, magagalit nanaman sya sa akin.

"Balak mo ba akong patayin?Hindi mo ba inaalala na ako ang nag alaga sayo noong nawalan ka ng magulang?"Malamig na sabi nito habang tumutulo na ang laway ng lobong si Eros sa mismong leeg nito.

Naririnig ko ang bawat ungol nito na halata ang galit roon.

Ngumisi ang ginoo at maya mayay nakita ko syang nagsalita.

Hindi ko alam kong anong sinasabi nito pero biglang umamo si Eros at umupo na parang mabait na aso sa tabi ng ginoo.

Tumayo ang ginoo at nanatiling nakatitig sa mata ni Eros pero nakita kong nahihirapan na si Eros sa kinauupuan nito.

Mukhang kinokontrol nya ito sa pamamagitan nang paghihipnotismo dahil parang humihiyaw sa sakit si Eros.

Agad ko syang pinuntahan.

"Anong ginawa mo sa kanya? "Angal ko na habang nakatingin sa kaawa awang itsura ni Eros,hindi sya makahinga at baka...

Baka

Ikamatay nya.

"He deserve it. He disrespect me... his no use. Wala na akong pananagutan sa kanya. Since he choose to go and fight against me. Hindi ko na sya tinuturing na anak. Isa lang ang anak ko... and thats Theo... "

We are connected pero sa ngayon hindi ko pa sakop na kapag nanghina sya ay manghihina rin ako lalo nat malapit kami sa isat isa, ngunit nasa kanya ang kapangyarihan ng jade kaya may posibilidad na kapag nawala na sya ng tuluyan ay mamatay rin ako.

Napakasama nya talaga!

Napuno ng emosyon ang puso ko nang mga oras na yun.

Lahat ng nagsama samang galit na hindi ko mailabas ay tuluyan nang pumasok sa buong sistema ko.

Sunod ko nalang na napansin ay hawak ko na ang leeg ng ginoo habang nakalitaw ang mahahaba ko na ring kuko.

"Tatapusin na kita....! "walang pag aalinlangang sabi ko sa harap nito.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon