30:SACRIFICE

94 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

[EARLIER...]

"Tara na.. "

Nagising ako mula sa bulong na yun na nanggagaling kay Eros. Kinusot ko pa ang mata ko at medyo nagulat na rin dahil mukha nya kaagad ang nakita ko.

Halata sa kanya ang pagkakampante.

Kasalukuyan akong nakahiga sa ugat mismo ng puno nang mapansin kong nakapatong sa akin ang dahon ng saging.

Sya kaya ang gumawa nun.

Ginala ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko ang nag iisang tao, I mean kaisa isang nilalang na tanging kasama ko lang buong gabi.

Seryoso ang anyo nyang nakatingin sa akin habang hinahangin ang kanyang buhok mula sa gubat na kinaroroonan namin.

Suot nya na ngayon ang damit na pinagpipilitan kong isuot nya kahapon. Gulat pa ako nang kunin nya ang kamay ko at itayo ako mula sa pagkakahiga.

Tila na ang ulan kaya may posibilidad na maari na naming gamitin ang suot kong tatsulok na susi.

Matapos kong makatayo, hinawakan ko ang susi at itinaas mula sa ere, sumunod noon ay ang pagcoconcentrate sa destinasyon na gusto naming puntahan.Maya maya lamang ay may nagkurteng lagusan na lumiliwanag ang nasa harap namin ngayon.

Ako ang naunang pumasok, pero halata paren kay Eros ang pag aalangan dahil sa itsura ng reaksyon nito sa mukha,kahit na sabihin natin na sya pa ang nag aya.

Hinatak ko sya kaya wala na syang nagawa,ilang saglit pa ay nakarating na kami sa loob ng kweba. Kagaya noong una ko itong nakita, madilim pa rin sa loob at may kaisa isang nag liliwanag pa rin na hindi namin maipaliwanag kong ano iyon na mismong nasa dulo. Sinundan namin ang liwanag na nanggagaling roon at tumakbo kami para mas mabilis naming marating iyon,pero iyon ang pinakamaling nagawa namin.

Naging dalawa ng daan at sa hindi ko alam kong saan na napunta si Eros dahil naglaho nalang ito sa harap ko.

Habang kasalukuyan akong naghahanap kay Eros...

May isang puting lobo na sumulpot sa harap ko. Alam kong lobo iyon dahil sa balat at anyo nito pero ang kakaiba nga lang ay nagniningning ito sa dilim.

Hindi sya pangkaraninwang lobo.

"Ikaw na ba. Ang itinakda? "

Lumingon lingon ako kong sino yung nagsasalita pero wala akong nakikitang bagay o tao na makikipag usap sa akin maliban sa lobong nagniningning sa harap ko.

"Ikaw ang pangsampung saling lahi ng angkan ng nephilim at manggagamot na mangkukulam base sa aking nakikita sa iyong dugo... "

Nahigit ko bigla ang aking hininga dahil sa sinabi nito.

" Bilang isang lahing Nephilim at Witch Healer nais ko sanang makuha ang susi para mawakasan na ang koneksyon ko sa isa ko pang kasama"

"Kasama? Nasaan sya? "

"Hi-hindi ko rin alam "Sabi ko nalang dahil hindi ko talaga sya makita.

"Mabuti ang nais mo.. ngunit,bakit pakiramdam ko may kakaiba sa mga mata mo... Nababasa kong hindi lang ito patungkol sa paghihiwalay ng inyong koneksyon dahil mahalaga sya para sayo. "Tumingin sya akin.

Ngumiti naman ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo... wala akong ibang nais kundi ang punyal at ang potion para sa koneksyon namin...nang kasama ko. "

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon