22.SOLUTION

110 5 0
                                    

SHIEN'S POV:

Madaling araw pa lang wala na sa bahay si Theo. Nagpaalam daw ito kay tito na may pupuntahan lang dahil babalik din daw kaagad ito kaya no choice ako kundi sina Eros ,Casshiophea at Tito lang ang kasama ko sa bahay.

Tahimik pa rin si Eros habang nakapanood sa Tv mula sa sala ni Tito.

Uncle na rin daw ang itawag ko kay tito kaya ayun tito na rin tawag ko sa kanya.

Simula ng umuwi kami, ganyan ang pakikitungo sa akin ni Eros. Tahimik, yun bang parang may malalim na iniisip. Hindi ko na rin sya kinulit dahil ayoko rin naman na magalit sya sakin.

Susundin ko nalang ang sinabi nyang distansya. Kesa makipag away pa.

"Tara kain tayo"bati sakin ni Casshiphea at nakangiting aya sa akin sa kusina.

Dito na rin muna sya pinatira ni tito habang wala pa itong matitirhan.Wala na rin daw kasi itong mga magulang. Inampon sya ng mag asawang mayaman,noong una at grades school pa lang sya mabait ang turing nito sa kanya hanggang sa tumuntong sya ng dise otso at nabuksan ang kakayahan nyang makakita ng hinaharap doon na sya minaltrato raw ng mga ito , marahil dahil nawewerduhan sa kanya kaya naisipan na nyang maglayas at di na tinapos ang kursong medicine sa mundo ng mga tao.

Ang kwento nya sa akin. Napadpad sya dito dahil sa kahahanap ng solusyon sa mga panaginip nya, dahil nakita nya raw kami sa panaginip nya.Wala syang ideya na nahahati pala ang mundo ng tao at mga kagaya namin. Hanggang sa may nagkumbinsi sa kanya na isang lalaki at sinama sya rito. Binigyan sya ng baril para gamitin at pamprotekta sa sarili nya,hanggang sa nawala na raw ang lalaking yun at nagpalaboy laboy na sya sa mga syudad. Hanggang sa nakarating sya sa Reficul city at dun nya raw ako nakita na dala dala ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha.

Nakita na nya rin sina Eros at nang susundan nya raw kami at nakarating sya sa mismong laboratory na navission nyang mangyayari na ang umpisa ng kinatatakutan nya.

Binaril nya si Eros sa binti pero nakatakas ito. Wala na syang magawa nang nagmadali na itong nakatakbo dahil sa anyong lobo dahil wala na syang maisip na paraan para pahintuin ito.

"Tara na"Ulit nya muli ,nahalata nya yatang nakatingin lang sya sa akin.

Sumunod na rin ako roon.

Nagsisimula na akong maglakad ng marinig ko ang malakas na pagkawasak ng kong ano.

Lumingon ako sa kinaroroonan nang ingay at huminto ang mga mata ko sa nabasag na  glass center table ni tito.

Nanlaki nalang ang mata ko nang makita ko ang dumudugong braso ni Eros.

Ano nanaman bang problema nya?

                          ❌❌❌❌

"Wag kang mag alala okey lang sya."

"Huh? "

Napalingon ako kay Casshiophea. Nakita kong nakatingin na pala sya sa akin.
Nahuli yata ako ni Casshiophea na nakatingin sa nakabendang braso ni Eros,habang naka upo ito sa may balcony sa may bench doon. Isang metro lang ang layo sa amin.

Sya rin kasi ang tumulong magbenda kay Eros, hindi pa kasi bilog ang buwan kaya wala syang kakayahang mag regenerate.

"Nag aalala ka sa kanya no. "Nakangiting usal nito.

Ngiti lang ang sagot ko rito.

"Pero... payo ko sayo. Mabuti sigurong lumayo kana sa kanya oras na matapos nyo ang alternative solution na ipapagawa ko sa inyo.. "

"Bakit... "

Ngumiti lang ito at tinapik ako sa balikat.

"Basta... makinig ka lang sakin."sagot nya lang.

                           ❌❌❌❌

"Sa mundo ng mga tao... may kaisa isang underground na may nakatagong  isang punyal. Maaaring ginagamit iyon ng mga sinaunang witch healler upang paghatian ang jade na nasa kweba noong unang panahon ,dahil sa laki nito. At nang madiskubre ito ng mga tao. Ninakaw nila ang malaking jade na pambuhay sa mga  witch healer at ang mismong suot suot nila. Hanggang sa sinunog nila ang lahing yun, ngunit may nakaligtas sa kanila. Mukhang sya ang iyong ninuno na nagsalin sayo ng jade necklace na yan. At yung punyal na ginamit ng iyong ninuno lang ang makakaputol ng jade.Yan ang nabasa ko noon sa isang libro sa mundo ng mga tao. Nakuha ng atensyon ko ang kakaibang librong yun noong namasyal ako sa malaking museyo noong nag aaral pa ako,na akala ko noon ay isa lamang imahinasyon pero dahil sa vission ko matapos ng halik ninyo ni Eros yun kaagad ang pumasok sa panaginip ko.Nakita ko kayong dalawa roon. "

Nanatili pa rin akong nakikinig kahit naaamaze pa rin ako sa mga naririnig ko.

"Paano mo nalaman na galing ako sa lahing witch healer? "

Tumingin sya sa akin ng seryoso.

"...Dahil sa mga visions ko na nakita ko kayong dalawa nung lalaki habang sinasabi sayo kong ano at sino ka talaga"sagot nya.

Ibig sabihin alam nya rin ang pinag usapan namin nung tatay nila Eros sa laboratoryo?

Aish bakit pa ba ako nabibigla, hindi bat alam nya ang nangyayari sakin.

"And...? "sabi ko nalang dahil naging speechless ako bigla.

"Ang punyal na yun ang syang gagamitin nyo upang maputol ang jade necklace para paghatian nyong dalawa ni Eros... "

"Teka diba, warning device nalang ang jade necklace na ito? "sabay hawak ko sa jade necklace na nasa leeg ko.

Umiling iling sya.

"Nang mga panahon na hinahanap ko kayo, at natupad ang halik na ginawad sayo ni Eros may nagvission sa akin na hindi lang pala punyal ang nandoon dahil may kasama itong isang potion  na makakapag balik ng jade necklace sa dati partially,palagay koy baka ginagawa na rin ito ng mga sinaunang witch healer kapag aksidenteng nahahawakan ng estranghero ang nalalaglag nilang kwentas at nagagaya sa sitwasyon nyo ni Eros... ibig kong sabihin,ibabalik nya ang kapangyarihan nitong patuloy na buhayin ang sinumang magdadala nito...pero konektado pa rin kayo sa isat isa. Marahil dahil sa hindi nito naalis ang sumpang meron sa halik na nangyari sa inyo nung hawakan nya noon ang kwentas..."

Medyo napaawang ang labi ko nang marinig kong alam nya rin ang paghawak nito sa kwentas ko.

"You mean alam mo rin na hinawakan ni Eros ang kwentas? "naisatinig ko na.

Ngumiti syang muli.

"Oo, hindi bat nakikita ko ang hinaharap. Simula pa noon nakikita ko na kayo sa panaginip ko noong nasa mundo pa ako ng mga tao pero hindi ko kayo ganun kakilala"sagot nya.

"Pwede mo rin bang sabihin kong anong meron sa halik na hindi na kayang tanggalin ng potion? "

Hinawakan nya ang kamay ko saka marahang pinisil.

"Oras na masaktan sya o mismong ikaw,nananatiling konektado pa rin kayo sa isat isa. Dahil kapag may nangyaring hindi maganda kay Eros nararamdaman mo rin iyon. Yun nalang ang koneksyon nyo sa isat isa...at possibleng kapag..."

Natigilan sya sa sunod na sasabihin.

Pero nanatili akong nag aantay sa sunod nyang sagot.

"Kapag... namatay sya. Kasama ka na ring mamamatay..Shien."malungkot nyang sagot.

.
.
.
.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon