38: PAG IISA

94 4 0
                                    

A/N: Sorry guys kasi ngayon lang ako nakapag update. Sobrang dami kong ganap that day ,nung sat.  kasi fiesta pa sa sa amin kaya ako ang naatasan sa pagluluto at bisita kaya di ko na ako nakapag edit. Ngayon naman may paperworks po ako dahil work ko kaya di ko maasikaso ng ayos kaya ito nalang ang nakayanan ni mind. Sobrang sorry talaga. Pasensya na babawi po ako sa susunod na saturday.

38: PAG IISA

EROS POV:

"Shien.. "

Iniangat nito ang paningin sakin at pinahid ng palad ang kanyang pisngi dahil sa luha roon.

"Eros... patawarin mo ko... "

Doon ko lang narealize ang lahat.

Hindi sya si Shien kundi si  Cashiopphea, hawak pa ang isang baril.

Wala sa sariling nahigit ko ang kwelyo ng suot nyang damit.

"Anong ginawa mo kay Shien... "Gigil na sabi ko pero tanging iyak lang nito ang naging sagot nya sa akin.

Ilang minuto pa ang inintay ko hanmggang sa mahimasmasan ito kaya nagtanong akong muli.

"Nasan si Shien... "

Umiling iling sya.

"Hindi ko alam... pero iisa lang ang alam ko hindi ko yun napigilan, nangyari na. Mabubuhay na sya,pero hindi titigil ang mga lobo para tugisin si Shien sa ayaw man natin at sa gusto... "

Imbis na masagot ang mga tanong ko, mas lalo lang akong naguluhan.

"Anong ibig mong sabihin? "

Tumingin lang sya sakin.

THEO'S POV:

"Sandali! "

Tumigil silang lahat dahil sa sinabi ko. Pare-parehas kaming nanahimik dahil sa putok ng baril na narinig namin sa ere.

Saan galing yun.

"Mahal na hari, dito po tayo... dito namin narinig... "sabad ng kawal habang nakasakay sa kabayo.

Itinuro nya ang direksyon at sya pa mismo ang sumenyas na mauna na daw ako.

Hinampas ko ang kabayong sakay ako at hinila ang renda sa direksyon ng sinasabi ng kawal.

Masydong masukal kaya medyo nahirapan ang kabayo kong pasukin iyon.

Minabuti ko nalang na bumaba sa kabayo at maglakad nalang pero pinigilan ako ng mga tauhan ko.

"Salamat nalang... Kaya ko pa.. "Awat ko sa kanila,  at itinuloy ang paglalakad.

Hinawi ko ang kasing taas ko nang talahib ng may sumulpot sa harap ko na bumangga sakin.

Napaawang nalang ang bibig ko nang makita kong si Shien mismo ang nasa harap ko at nakahiga na sa damuhan.

Maiksi na ang laylayan ng suot nitong pangkasal.

"Shien.. "Hindi ko na mapigilang sabihin yun.

Tumingala sya at tinignan ako sa mga mata.

Pansin ko lang ang pamamaga noon.

Yung parang galing sa pag iyak.

Tinulungan ko syang tumayo at wala na akong inaksayang oras nang mahigpit ko sya at niyakap.

I really miss her.

I really miss this innocent looking girl that I used to know.

Habang yakap ko sya.

Unti-unti ko nalang narinig na humihikbi sya,hanggang sa lumakas na yun.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon