Hinawakan ko ang kamay ng Lola mama habang umiiyak. Nakahiga siya sa papag. Pilit niyang hinahaplos ang aking buhok kaso nanghihina na siya kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya at pilit akong ngumiti habang tumutulo ang aking luha
"I-iiwan mo narin ako lola mama?" Ngumiti siya, masuyo akong nginitian. May papel siyang nilagay sa kamay ko. Hirap na siya magsalita. Umubo ang lola mama. Matigas na ubo. Alam kong iiwan niya na ako. Kumirot ang puso ko at naninikip ang dibdib
Pinikit ng lola mama ang kanyang mga mata hanggang sa higitin niya ang kanyang huling hininga. Humagulhol ako. Wala na. Iniwan na ako ng tanging taong nag-iisa kong karamay. Iniwan na ako ng lola mama ko. Wala na akong ksama. Mag-isa na lamang ako. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Wala kameng pera at nagpapasalamat na lamang ako na may nasisilungan kame. Kahit ang mga kapit bahay namin ay walang gustong magbigay ng tulong. Kapag nakikita nila ako ay pandidiri at panghuhusga ang ginagawad nilang tingin sa akin.
Ang kwento ng lola mama ay nagmahal ng isang mayamang lalaki ang mama ko. Binigay niya ang lahat kaso ay iniwan at pinagpalit din daw si mama sa iba. Nang mabuntis daw ang mama ko sa akin ay umuwi siya para dito ako sa probinsiya palakihin at para mas maalagaan daw ako ng maayos. Higit sa lahat para makalimot sa isang nasawing pag-ibig ang mama ko. Kaso kinuha din siya sa akin. Ni hindi ko man lang nasilayan at naramdaman ang pag-aaruga ng mama ko.
Namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng pag-ibig na nararamdaman ay makatotohanan. Hindi mo kailangan ibigay ang lahat ng iyong pagmamahal para sa isang lalaki. Kailangan mo rin mahalin at pahalagahan ang iyong sarili.
"Ang mga lalaki, mapupusok yan. Nag-iinit agad makakita lang ng babaeng sexy at maganda ang legs. Kapag palay na ang lumapit wala na yan silang sinasanto. Aba lamang-loob din yun"
Ang palage kong naririnig kay lola mama. Kaya nga natutunan kong maging matapang. Balang araw alam ko magmamahal ako pero syempre pipiliin ko yung lalaking hindi ako sasaktan. Yung lalaking mamahalin ako at aalagaan. Yung lalaking hinding-hindi ako iiwan.
Napabuntunghininga ako. Nakatanghod parin ako sa walang buhay na katawan ng lola mama. Iniisip ko kong saan ko siya ngayon ililibing. For sure hindi papayagan sa sementeryo ko ilibing ang lola mama. Marami kasing galit kay lola mama.
"Lola ma, ang hirap nmn mag isip ng paglilibingan sayo. Gusto mo sa likod bahay nalang kita ilibing. Baka magwala ang asawa ni mayor kapag pinalibing kita doon mismo sa forest park. Alam mo nmn galit na galit sayo yun. Ikaw kasi la ei. Bakit mo kasi nilandi ang tatay niya noon" sisi ko kay lola mama. Dati kasi siyang Guest Relation Officer noon. Marami siyang naging customer at isa na doon ang tatay ng asawa ng mayor. Kilalang magaling gumiling ang lola mama sa kama. Kaya nga habang lumalaki ako ay puro mga masasakit na salita ang naririnig ko patungkol sa kanya at sa mama ko. Hanggang sa makasanayan ko na lang
"Yan, magiging pokpok din yan paglaki, kita mo ang mga isinusuot" rinig kong sabi ng mga chismosa. Sa inis ko ay mas lalo ko pang ini straight ang katawan ko at kumembot na naglalakad padaan sa pinagtatambayan nila. Alam kong kapag tumuwad ako ay kita na ang kuyukot ko. Ramdam ko na nga ang ilang mga matang nakatitig sa likod ko at ang ilang sipulan.
"At mas ginanahan pa. Nagpa fashion show ang apo at anak ng malandi. Walang pinagkaiba ang batang eto. Ke bata bata pa at lumalandi na" umirap lang ako at bumubulong bulong. Pakialam ba nila sa buhay ko. Kong tutuusin hindi naman sila ang nagpapakaen sa akin, ang laki ng problema nila. Masyado kasi akong importante sa buhay nila kaya ayan inggit na inggit sila sa legs ko.
Hindi sa pagmamayabang, maganda talaga ang binti ko. Maputi at flawless na flawless. Yun nga lang hindi ako kagandahan. Maputi lang talaga ako. Yun lang ang advantage ko. At least panisinin ako. Dati naririnig ko nga.
"Hindi nmn kagandahan, maputi lang kaya napapansin"
Nakakatawa talaga ang tao. Kapag panget jina judge kapag maputi jina judge din. Haay.
Tinext ko si andoy at nagpatulong na magbungkal ng lupa. No choice ako at sa likod bahay ko ipapalibing si lola. Ipapa bless ko nalang siya kay father. Mabait naman ang kora paruko namin ei. Saka kilala niya ako kasi nagsisimba ako lage at nagtitinda ng sampaguita.
Nang maiayos namin ang kabaong ni lola mama ay pinuntahan ko kaagad si father, kahit nagtataka ay hindi nalang eto nagtanong kong bakit sa likod bahay ko pinalibing si lola. Kilala niya din ang mayor sa bayan namin.
"Aalis ka na ba talaga maya?" Tanong ni father kasama niya si andoy. Pinainom ko sila ng coke at nilutuan ng suman. Paborito ni father ang suman. Si andoy ay kaklase ko at mabait sa akin. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko saka manliligaw ko din siya na gusto ko na iligaw. Nakakaloka. Mahirap na nga ako tapos papatol pa ako sa mahirap. Excuse me. Kahit hindi ako kagandahan my taste din nmn ako noh. Hindi sa panlalait pero panget talaga si andoy kahit saan anggulo tignan. Hindi ko din siya feel halikan dahil nandidiri ako. Pero thankful ako kasi tinutulungan niya ako at hindi tinitake advantage. Kahit ganyan siya may pogi points naman si andoy sa akin. Hindi lang nmn kasi sa pisikal na anyo nakikita ang pagiging pogi ng isang lalaki. Kapag mabait siya, pogi yun para sken. Kaso hindi nmn tumitibok ang puso ko kay andoy ei saka alam niya na friendship lang talaga kame
"Yes po father. Kayo na pong bahala dito sa munti naming lupa at bahay ha. Babalikan ko po ang lola mama. Thankyou po father at andoy sa tulong ninyo. Mamimiss ko po kayo"
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...