Twenty-six

4.4K 108 1
                                    

Batangas is a three hour drive. Halos hindi nakatulog si maya. Nakahiga lamang siya sa kama katabi ang naghihilik pang si lita. Hindi niya mapaniwalaan ang nangyari. Pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya. Too good to be true ang nangyari. Pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkikita ay bigla bigla na lamang magtatapat sa kanya si rafael na mahal siya neto.

"Hoy. Magpipictorial ka pero ang laki laki ng eyebags mo. Natulog ka ba maya?" Pinaningkitan siya ng mata ni lita at dinuro ang ilalim ng kanyang mata.

"Ano ba!" iniwas ko ang mukha ko dahil wala ako sa mood sa mga pang-aasar at okray ni lita

"Aba aba gumaganyan ka sken. Seryoso kasi. Natulog ka ba? O baka naiisip mo yung nangyari sa inyo ng senyorito rafael sa kwarto niya. Teka nga hindi ka pa pala nagkwento, may nangyari ba sa inyo? Umamin ka maya, aba'y ang tagal niyong lumabas kahit ilang beses na akong kumatok tapos naka lock pa ang pintuan" napasimangot ako at pinanlakihan ng mata si lita

Sinabi ko na ngang nakatulog ako dahil sa sobrang pagod sa biyahe ay ayaw akong paniwalaan. Iniwan ko nalang siya at nauna ng lumabas ng kwartong pinaukopa sa amin ni maam amanda. Pagdating ko sa sala ay nandoon at nakayuko si rafael. Nag-angat eto ng tingin at tumayo agad ng makita si maya. Tinitigan neto ang mukha ni maya saka lumapit at pinulupot ang braso sa bewang ng dalaga

"Did you even sleep mayanera? You look like a panda. I suggest you sleep while were travelling. Papanget ka sa pictures for sure. At panigurado ding hindi ka mapapaganda ng make up" nag-init ang ulo ni maya sa narinig. Siya na nga tong hindi pinatulog ng mga isipin patungkol kay rafael tapos ang makukuha niya lang dito ay pang-aasar. Naiinis siya kaya tinanggal niya ang pagkakapulupot ng braso ni raffy at pinanlisikan eto ng mata. Nauna na siyang lumabas ng bahay at pumasok sa kotse na nag-aantay na. Nandoon narin ang driver nila maam amanda at nang makita siya ay pinansin din ang nangangalumata niyang mata. Mas lalong talaga siyang nainis.

"Hey. I was just teasing you. Hindi ko alam na pikon ka pala. I'm sorry okay" tinignan ni maya si rafael. Sinisigurado kong sincere ang paghinge neto ng paumanhin. Sabi nga magbiro ka na sa lasing huwag sa bagong gising. Pero teh hindi ka naman natulog kaya hindi applicable sayo yun.

Nag-iwas nalang ng tingin si maya. Tumabi sa kanya si lita. Umupo na sa driver seat si rafael saka siya tinignan sa rareview mirror.

"Can you seat her infront mayanera" alangan netong tanong. Tinatantya ni raffy ang mood ni maya dahil halatang inis eto sa kanya kanina. Mabuti nga at maaga nagising si manong sol kaya maaga neto naasikaso ang sasakyan bago eto bumalik sa pagtulog. Sinigurado muna ng matanda at pinagkakatiwalaan nilang family driver kong maayos ang sasakyan at walang magiging problema sa kahabaan ng kanilang bibiyahiin.

Bumaba na si maya at lumipat sa front seat. Dala niya ang unan at kumot na binigay sa kanya kanina ni lita.

Nang makapag-ayos ay kinabitan siya ni raffy ng seatbelt at inayos ang kanyang upuan para makahiga siya.

"Sleep heart" and he kissed her forehead. Napangiti si maya sa ginawa ni raffy. Nang magsimula ng umandar ang sasakyan ay hinayaan na ni maya na lamunin siya ng antok. Sobrang pagod ng isip niya. Mabuti at nakisama narin eto at hinayaan siyang matulog.

Suot ang itim at puting bikini ay ilang na ilang si maya sa bawat titig na binibigay ni rafael. Kanina pa siya nilalamig sa hampas ng hangin idagdag pa ang pang-umagang alon na natutuwa siyang panoorin. Kanina pagdating pa lamang nila ng resort na pagdadausan ng pictorial ay excited na excited siyang bumaba at tumakbo sa dagat. Tawa ng tawa si lita sa kanya. Maski si miss fely at ava ay tinatawanan din ang pakikipaglaro niya sa alon.

"You look like a goddess that's been deprive to play mayanera. I can't help myself but smile because you just look so innocent and my heart swells with pride just by seeing you laugh, just by seeing how innocent your eyes as they twinkle with happiness. Sumasaya ang puso kong makita kitang masaya. I hope that your smile will remain just the way I see it" and raffy envelopes her into a warm hug na nagpakabog at nagpasaya sa kanyang puso.

"Ay iba si ate girl" parinig ni miss fely na dumaan mismo sa gilid nila rafael. Rinig niya ang tawa ni miss ava at ang halakhak ni lita. Puro pang-aasar ang nakuha niya sa tatlo. Gustuhin man niyang sawayin ay hindi niya magawa dahil natutuwa siya sa bawat pang-aasar nila sa kanya  at kahit pinipigilan niya ay kinikilig siya 

Private ang beach house na pag eestayhan nila hanggang bukas ng umaga at sa hapon ang alis nila. Si rafael ay itinalagang driver com alalay ang sarili. Kahit saan siya pinagpopose ni miss ava ay nandoon eto at dinaig pa si lita at ang bruha ay prente lang na nakaupo at sumisipsip ng juice habang nagbubuklat ng magazine feeling donya.

Nang matapos ang ilang click ng pictures ay hinayaan na ako ni miss fely na maligo na kanina ko pa gustong gustong gawin. Mabilis akong tumakbo sa dagat at pumalalim. 

Nang mag-angat ako ng ulo ay may matitigas na braso ang lumingkis sa bewang ko. Mahigpit na lingkis na halos di ako makahinga.

"Damn it! Are you drowning yourself mayanera?" Ramdam ko ang  takot na may kasamang galit sa boses ni rafael. Taka ko siyang tinitigan. Naguguluhan. Ano bang sinasabi niya. E sa masarap pumailalim sa dagat. Ang huling punta ko ay noon pang nasa baryo maganda ako. Apat na taon narin kaya nga tuwang-tuwa akong masilayan kong gaano kaaliwalas at ganda ang dagat. Minsan kahit gaano mo pa kagustong puntahan ang pinakalaliman ang dagat para lamang makita ang pinakamagandang isda na makikita mo sa buong buhay mo ay hindi kakayanin ng iyong hininga. Parang buhay lang yan at parang pag-ibig.

Titig na titig ako sa kong paano magsalit-salit ang emosyon sa mukha ni raffy at di ko maiwasang mapatanong. Hanggang kailan niya ako mamahalin? Totoo ba ang sinasabi at mga pinapakita at pinaparamdam niya. Iilang araw pa lamang siyang nagtapat pero pakiramdam ko sobrang tagal na ng relasyon namin. Pakiramdam ko matagal na kameng magkarelasyon.

Gulong-gulo ang isipan ko. Hindi nga ba at ikakasal siya kay miss alexa. Ano ang nangyari sa kanila? Bakit siya nagtatapat ng pag-ibig sa isang walang maipagmalaki at katulong lamang na gaya ko. Sa totoo lang ang mayroon lamang ako ay lakas ng loob.
"Don't do that again. Huwag kang magtagal sa ilalim ng malalim na dagat. Fuck! You made me worry, you've been out for twenty-minutes mayanera at natatakot ako na baka hindi kana talaga aahon" hinaplos ni maya ang salubong na kilay ni raffy at nginitian eto.

"Ang gwapo gwapo mo talaga kahig salubong ang kilay senyorito"

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon