Three

6.3K 166 2
                                    

Ipinahatid ako ng senyora ermita sa isang katulong sa magiging kwarto ko sa loob ng mansiyon. Inirapan ko ang senyorito raffy. Ang init init agad ng dugo niya sken, ngayon pa nga lang kame nagkita at nagkakilala tapos ganyan na ang ugali niya paano pa sa mga susunod na araw

"Ako at si lola lang ang nandto. Yung nag-iisang kama ay kay lola sol at yung double deck ay sa atin nmn. Sa baba ako nakahiga, saan mo gusto, ayos lang saken kong sa taas ako" umiling ako at hinayaan na ang nakasanayang higaan ni lita. Pinagkukuha niya ang ilang librong nasa itaas at nilipat sa gilid ng higaan nmin. Maganda ang double deck dahil pangmayaman ang desinyo. May book shelf din sa gilid at hagdan nmn. Ang cute ng kulay ei. Pink.

"Sabi ng senyora samahan din daw kitang mag-enrol. Dala mo ba ang mga requirements mo. Isa sa mga benepisyong matatanggap kapag isa ka sa mga magtatrabaho dito sa hasyenda ay ang pag-aaral. Lahat ng anak ng trabahador ng asyenda ay tinutustusan ng foundation ng mga Simon. Maswerte ka at tinanggap ka kaagad ng senyora. Sa totoo lang ang daming nag-aapply na katulong kaso mapili ang senyora. Mabait naman siya yun nga lang strikta at metikulosa tapos mapili pa lalo na ang mga apo niya. Saka nga pala maya. Welcome sa hacienda Simon" nginitian ko si lita at sabay kameng tumili. Excited ako sa magiging buhay ko sa hasyenda simon. Maayos ang pagtanggap sa akin huwag lang isali yung isang apo ng senyora. Masyado kasing masunget.

Nagsimula akong turuan ni lita ng mga gagawin sa mansiyon. Kong anong oras at araw pwedeng maglinis, magpalit ng kurtina at maglaba. Sobrang gustong-gusto ko ang ginagawa ko kaya kahit pagod ay kuntento ako. Sa loob ng tatlong araw ay lage kong nakikita ang magpinsan  sa entertainment room naglalage. Palage silang naglalaro ng board games, x-box o computer games. Sabi ni lita tuwing bakasyon lng daw naglalage ang magpinsan sa mansiyon. Dalawang buwan daw. Minsan ay palage din nmn daw silang wala at nasa kabilang bayan. Iniimbita ng kaibigan ng pamilya. At sa loob ng tatlong araw ay hindi iilang beses napapagawi ang tingin ko kay senyorito raffy. Paano ay lageng nagsasalubong ang kanyang kilay at aasikan ako

"What are you staring!" Sita neto lage sa akin. Napapatanga ako kasi ang ganda niya mag english.

Isang linggo na ako sa mansiyon nang utusan ni manang sol si lita na mamalengke at ipinasama ako neto. Tuwang-tuwa ako kasi makakalabas na ako sa wakas ng mansiyon at makakakita ng ibang tao

Suot ang itim na t-shirt at pekpek shorts kong tawagin ay excited akong lumabas at pinuntahan si lita na na-aantay

Tinignan pa niya ang suot ko mula ulo pababa at pabalik sa aking mukha

"Ang puti puti at kinis ng legs mo maya. Nakakainggit" lumabi pa na parang bata. Nilagay ko sa bewang ang dalawang kamay at umikot ng naka tiptoe

"Talaga" binigyan ko rin siya ng makamandag kong ngiti. Feel na feel ko tlaga rumampa

"Are you guys going to the wet market or you're just wasting my time" irita ang lalaking nagsalita na walang iba kundi ang pinaglihi sa sama ng loob na si senyorito raffy. Pinasadahan pa ako neto ng tingin saka salubong ang kilay na sinuot ang shades at naunang pumasok ng sasakyan

"Let's go" pagkasabi niya nun ay nag-unahan kmeng pumasok ni lita sa ford everest, ang gara at bango ng sasakyan.

Nang maayos na kmeng makaupo ay sinita na nmn kme ni boy sunget

"I am not your fucking driver. Mayanera lumipat ka dito" tinuro niya ang tabi niya.

"Bilis maya lipat na bago mag beast mode" walang nagawa na nakasimangot akong lumipat. Nang maayos na ang upo ko ay hindi niya parin pinaandar. Nagtinginan tuloy kme ni lita sa salamin

"Seatbelt mayanera"

"Ha" bigla dumukwang siya. Nanlaki ang mata ko sa gulat sabay singhap. Napaatras pa ako. Ramdam ko ang panginginig ko at ang lakas ng kabog ng puso ko ay nakakabibingi. Parang nagslowmo ang lahat. Naaamoy ko pa ang kanyang mabangong hininga at ang aftershave na kanyang ginagamit.

"Next time don't wear too short shorts when your going outside the mansiyon" mahina netong anas. Tulala parin ako hanggang sa maramdaman ang tapik ni lita sa balikat ko

"Dito na tayo beh, baba kna. Papakilala kita sa mga suki pra kapag wala ako at kailangan mamalengke ay alam mo na kong sino ang pupuntahan. Sge po senyorito. Salamat sa paghatid. Magtatricycl-"

"I'll accompany you lita. Don't argue" bumaba din siya at sinamahan kameng mamalengke. Dumikit sa akin si lita at bumulong

"Nagayuma mo yata sa legs mo beh. Ang lakas ng kamandag. Aba binakuran ka kaagad" humagikhik si lita, wala akong naintindihan sa binulong niya. Maingay paano. Dala ng senyorito raffy ang bayong na paglalagyan ng pinamili namin. Nauuna si lita sa amin, tapos ako at ang senyorito sa likod ko

Huminto kme sa suki nilang isdaan. Napangiti ako ng magtalon talon at mag kisi kisi ang isda di ko tuloy mapigilang damputin

"What are you doing?" Kunot noo at taka netong tanong habang pinipigilan ang kamay ko

"Kukunin ko lang yung isda" ipiniksi ko ang kamay niya

"Damn"

"Arte mo no. Kumakaen ka nmn neto titignan ko lang kong bago at mataba" kumindat ako kay senyorito

Nang tignan ko ang ale ay ang lawak ng ngiti neto sa akin

"Bago yan iha. Ang puti puti at ang ganda ng kilay mo. Nagpaahit ka ba iha" umiling lang ako at pinagpatuloy ang pamimili ng isda. Pinakilala ako ni lita dito. Nagulat pa ang matabang babae at akala ay amo ako ni lita at asawa ko ang senyorito. Mahabagin. Magdilang anghel ka po ale.

Ako din ang namili ng preskong gulay, karne at mga seafoods na balak ipaluto ng senyora ngayon. Nang pabalik na kame ay muntik na akong madulas. Mabuti na lamang at naalalayan ako ng senyorito.

Ilang sipulan ang narinig ko bago ako maayos na nakatayo

"Ang kiniss" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Nang nilingon ko eto ay bigla hinarangan ng senyorito ang mukha ko at hinawakan ang noo ko.

"Tingin sa daan mayanera. Hurry before i lose my patience" sabay tulak sa noo ko ulit. Salubong ang kilay na umupo ako sa front seat. Nang magtagpo ang tingin namin ni lita ay may kislap ng pang-aasar ang kanyang mga mata. Pinandilatan ko siya makailang beses

"Seatbelt mayanera" mabilis ko namang ginawa ang sinabi ng senyorito. Natuto na ako no. Inirapan ko nalang si lita ng umandar na ang sasakyan. Ayaw matigil ang kislap ng mata ei. Tumingin ako sa labas ng bintana at sa di mawaring pakiramdam ay may pigil na pigil na ngiti ako sa aking labi.

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon