Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Unang beses sa buong buhay ko na makakatuntong ako ng maynila. Sabi ng lola mama noon mayaman daw ang tatay ko na siyang nakabuntis sa nanay ko kaso nga lang walang maipakitang picture ang lola mama dahil wala naman daw itinago ang nanay na picture at ang pakiusap daw ng nanay sa kanya ay kalimutan na ang nangyari at magpatuloy sa buhay. Ewan daw ba ni lola mama kong bakit yun sinabi ng nanay ko. Tapos kitang kita ko noon ang lambong at kaguluhan sa mga mata ng lola mama at isang di maipaliwanag na emosyon na dagli rin niyang tinabunan ng isang masayang ngiti.
"Umayos ka nga maya. Para kang di maihi jan sa kinauupuan mo. Ang ligalig mo" sita sa akin ni lita na katabi ko lang sa backseat ng kotse. Narinig kong tumawa si manong fredo
"Hayaan mo na lita at excited iyan si maya. Perstaym niyan malamang" napangiti ako sa sinabi ni manong
"Ay trulalo po kayong manong fredo-"
"At excited din yan makita ang senyorito raffy manong. Huwag ako maya. Alam ko may hidden motive ka" napaiwas ako ng tingin at napaupo ng maayos. Kinabahan na ako. Letse talaga to si lita
"E bakit ka ba kasi sumamasama. Hindi naman kita pinapasama" inikutan lang ako ng mata ng bruha
"Utos po ng senyora ermita madam maya na samahan ko po kayo! Baka daw kasi tatanga-tanga ka sa maynila" ngumisi si lita sabay tingin kay manong fredo. Napanguso ako. Tss. Hindi naman ako ganun katanga para bantayan pa saka trabaho ang ipupunta ko sa maynila. Tumingin nalang ako sa labas ng dinadaanan namin.
Pagdating sa airport ay namangha ako sa nasilayan. Nakangiti kong nilibot ang paningin ng pitikin ni lita ang noo ko at pinandilatan ako
"Para kang tanga. Huwag mo ipahalata na first time mo lang sasakay ng eroplano. Nakakaloka. Promding promdi tayo teh" napapanguso nalang ako.
Forty-five minutes nang lumapag ang eroplano sa NAIA. Nauna pa akong lumabas kay lita sukbit ang backpack ko. Hinawakan naman ako ng bruha ng mahigpit sa braso
"Teka lang maya at baka mawala ka. Ayokong maghanap sayo-"
"Hindi ako tanga lita"
"Wala akong sinabing ganun. Ayoko lang na mawala ka sa paningin ko. Tara dito sa paradahan ng mga kotse at nag-aantay na ang driver ni maam amanda" hinila na ako ni lita. Hindi ko na tuloy nasuyod ang kabuuan ng airport. Napasimangot nalang ako ng itulak ako papasok ni lita sa loob ng backseat ng kotse sabay upo niya sa tabi ko at malawak ang pagkakangisi
"Tara sa Ocean park manong. Nagpaalam na ako kay maam amanda. Maaga pa nmn po ei. Excited na ako" so kaya pala siya sumama sa akin dahil gagala pala ang bruha. Ang alam ko ilang beses ng nagma-maynila si lita at kadalasan sinasama siya ng senyora ermita kaya din siguro alam niya kahit papaano ang pasikot sikot dito
"Iba ka talaga lita. At pagkatapos sa ocean park saan ko kayo ihahatid?" Lumawak ang ngiti ni lita
"Sa upside down museum manong. Pinaghandaan ko talaga eto alam mo ba? Alam mo naman at minsanan lang akong nakakaluwas dito sa maynila kaya gusto ko sulitin kasi bukas maaga ang pictorial ni maya kaya ngayon palang kailangan ko ng puntahan ang nasa iterenary ko" humagikhik si lita. Hindi narin ako nagreklamo dahil kuryuso din ako sa lugar na gustong puntahan ni lita
Pagdating ng ocean park ay namangha ako sa loob. Todo amg ngiti ko at kakaiba ang aking naramdaman. Ang saya sa pakiramdam na ang pangarap ko noong bata ako na makapunta sa zoo ay kahit papaano nagkaroon ng katuparan. Kapag kasi simple lang ang buhay na naranasan mo ay mangangarap ka talaga ng higit pa at gusto mo rin magkaroon ng mga bagay na mayroon ang iba at makapunta sa lugar na ipinagmamalaki ng mga kaklase mo na napuntahan na nila
Para kameng mga bata ni lita. Sabay pa kameng hihinto at magbubungisngisan at sabay na tatawa. Kahit ang ibang tao ay napapatingin na sa amin.
"Tara dito picture tayo. Remembrance naten maya" at nagpose kame ng kong ano anong pose. Maganda ang camera ng celfone ni lita kaya enjoy kame saka may dala siyang digicam. Pinaghandaan daw niya talaga ang pagpasyal namin. Tuwing pasko daw ay pwde kang humiling ng isang bagay kay senyora. Bagay na dapat magagamit mo daw at humiling si lita ng digicam. Nakakatuwa nga. Sobrang thankful at blessed ako na napunta sa poder ng mga Simon. Hindi man ganoon kabait ang senyora ay may itinatago naman etong lambot sa puso para sa kanyang nasasakupan.
Puro picture ang ginawa namin pagdating ng upside down museum. Halos ma full na ang memory ni lita
"Ipapa print ko eto maya at ilalagay sa album naten. Bestfriends forever. Ikaw ang nag-iisa at kauna-unahan kong naging kaibigan. At sa libo libong tao ay nagpapasalamat ako na ikaw ang binigay sa akin. You look strong but you're actually soft and naive and I like you for that. You are so genuine that's why sir raffy likes you" kumindat si lita. Napatulala nmn ako. Ang galing niya kasi mag englis.
"At alam kong hindi mo naintindihan ang iba kong sinasabi. Nakakatuwa kang talaga. Second year college ka na boklogs ka parin pagdating sa englis. Bakit ba napakahirap sayo ang umintindi ng salitang englis" napasimangot ako
"Nakakaintindi naman ako ng simple at mabagal na englis. Mas magaling lang siguro ako sa math na kahit gaano pa kakomplikado ay kayang-kaya kong bigyan ng kasagutan huwag lang ang englis at hirap akong unawain" tumawa si lita
"Totoo ngang kapag magaling ka sa math bobo ka nmn sa englis" kumindat pa ang bruha sabay hila sa buhok ko at takbo. Nilingon pa ako neto at inutusang habulin siya. Natatawa nalang akong nakitakbo at habol sa kanya.
Well, indeed life is surprisingly beautiful if you have a friend who you can share your laughter with.
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...