"Is that your friend magdalena?"
"Opo maam. Makulit talaga si miling" tumawa ang maam amanda, maski si rafael ay kakitaan ng ngiti sa sulok ng kanyang labi. Kanina pa yung mga mata niyang nangingislap kapag nadadapo sa akin.
"Well, they're both ugly mom. No questions" sinapak ni maam amanda sa braso si raffy
"Youre too hard on her anak" napanguso ako.
"Hindi naman kasi ako panget maam. Mapanlait lang talaga ang senyorito. Kala mo napakagwapo niya kong makapanlait" rafael chuckled
"But it's true. Your ugly mayanera" kumislap na naman sa kapilyuhan ang kanyang mata. Pinandilatan ko siya at nginusuhan. Nagulat nalang ako ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at titigan ako ng matiim.
"Isang irap pa heart" natulos ako sa gulat sa tinawag niya sa akin.
Heart? Tinawag niya ba talaga akong heart?
Palakas ng palakas ang tambol sa puso ko at naghahabulang daga na ngayon ang nananahan. Nagtitigan kame
"Ohmyyyy" tili ni maam amanda ang pumuno sa kabuuan ng kotse, nag-iwas ako ng tingin dahil hindi matagalan ang kanyang nanunuot na titig. Napalunok ako at nag-iinit ang pisngi dahil sa nangyari.
Naging awkward ang kabuuan ng biyahe. Ni hindi ako makatingin kay rafael. Kinakabahan ako ng bongga at nahihiya din akong salubungin ang nanunuot niyang titig. At hanggang sa makarating kame ng mansiyon ay sa labas lang ako ng bintana nakatingin. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ako mapakali. Para akong nasusuffocate.
"So i'll be going first. Raffy be good to magdalena" sabi ni maam amanda bago bumaba ng kotse. Lalabas narin sana ako kaso biglang hinawakan ni rafael ang braso ko. Bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa kaibuturan ko. Natulala ako sa pagkagulat at nanlaki ang mata na bumaling kay rafael na titig na titig rin sa akin.
"Damn! Did you felt it? What the hell was that!" umiling ako. Maski ako ay nagulat sa kuryenteng dumaloy sa aking braso patungo sa kabuuan ng katawan ko na maski kasuluk-sulukan ay nagising yata sa pagkakadaiti naming iyon
"Anyway, here" inabot niya sa akin ang isang celfone sa pagtataka ko. Naningkit ang mata ni rafael
"Type your number mayanera" seryoso netong sabi. Mabilis kong tinipa ang numero ko saka binalik ulit sa kanya ang celfone niya
"May kailangan pa po kayo senyorito?"
Raffy sigh
"I'll text and call you. Don't entertain any texts or calls from different boys mayanera. I hate what I am hearing about you talking and texting. I am a very jealous man and a possessive one. Kaya huwag na huwag matigas ang ulo mayanera" tulala lang akong nakatitig kay rafael habang nagsasalita siya. Halos wala akong naiintindihan dahil lumalakbay ang isip ko sa kong gaano ka perpekto ang kanyang makapal na kilay, ang kanyang labi, ang tangos ng ilong at ang kinis ng kanyang mukha na walang ka pores pores. Halata talaga na galing siya sa isang mayamang pamilya
At tinawag niya akong heart. Kayaaaah.
Bigla akong napangiti
"Mayanera, are you even listening?" Napakurap ako at sinamaan ng tingin ang senyorito
"Bakit mo ako pinitik sa noo" tumaas ang kilay neto
"Hindi ka nakikinig. Huwag matigas ang ulo. I'll call you tonight. Bumaba kana at mangangamoy isda na ang compartment"
-
Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas agad ako ng banyo at kahit basa pa ay pinaabot ko kay lita ang celfone ko na naka full volume. Excited much teh!
"Excited much teh!" Pinandilatan ko si lita, tumatawa lang eto ng mapang-asar at binigay sa akin ang celfone na mabilis kong sinagot
"What the hell are you doing mayanera? Where the hell are you?" Inis na tungayaw ni rafael. Napairap ako sa hangin. Masyado talagang maiksi ang pasensiya ng isang eto samantalang buong araw silang magkasama ni alexa sa labas dahil pinasyal niya eto. Dasal nga ako ng dasal na sana umulan para hindi sila matuloy kaso hindi dininig ng diyos ang panalangin ko. Kaya tuloy buong araw din akong wala sa sarili at badtrip.
"Naliligo po ako mahal na hari. Saka bakit ka ba nagagalit agad jan e sinagot ko naman agad ang tawag mo" napa tss eto sa kabilang linya. Maya maya ay naririnig ko ang malalalim netong paghinga.
"Hala, nakatulog ka na ba senyorito?"
"I told you to call me rafael, mayanera. Your too stubborn huh. Hmmn, where are you?" Inipit ko sa balikat ang celfone at nagsimulang magbihis
"Nasa kwarto na po. Eto nga at nagbibihis na at mahihiga narin ako"
Katahimikan ang sumunod na naghari. Tinignan ko ang celfone kong nakapatay na ang call kaso hindi pa nmn kaya binalik ko eto sa tenga ko.
"I am going to tour alexa tommorrow. I want you to come with us"
"Ha? Ano po yun?"
"Are you that deaf?" Napasimangot ako. Gusto ko lang nmn ulitin niya kong tama ba yung pagkaintindi ko. Hirap man din akong magsalita ng englis ay nakaintindi ako ng mga iilan din.
"Ibig niyo pong sabihin isasama niyo ako sa pamamasyal niyo senyorito" narinig ko na may kumausap kay senyorito kaya nag-antay nalang ako.
"I need you to be ready at exactly 8 am mayanera " tumango tango ako
"Okay po"
"And one more thing. Do not wear your short shorts or I'm gonna kissed you. I'm not bluffing or threatening you mayanera. I'll hang up now. Matulog kana rin. Huwag kanang lumabas"
"Hmmn. Goodnight rafael" bulong ko at saka humikab inaantok na ako at papikit pikit na ang mata ko
"Goodnight heart"
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
Chick-LitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...