" bakit ba kayo naghiwalay ni ronald? May babae ba siya? Bakla siya?ano!" Puro hindi kasi ang sagot ni lita. Nakahiga ako sa itaas ng double deck at nasa baba si lita. Malalim na ang gabi nang maalimpungatan ako dahil sa hikbi na naririnig ko na galing kay lita. Sa totoo lang ayoko manghimasok sa love life niya, buhay niya yan at nasaksihan ko na ang pinakamasaklap na mararanasan ng isang taong umiibig at ayokong mangyari sa akin iyon.
"Maya, g-gising ka pa pala" baradong ilong netong sabi. Napabuntunghininga ako. Ilang gabi na siyang ganyan. Iyak ng iyak at naiinis na ako, balak ko ng sugurin si ronald at pag-iitakin.
"So bakit kayo naghiwalay ni ronald marilita?" tumayo na ako dahil hindi narin nmn ako makakatulog saka bumaba ng double deck. Umupo ako sa dulong kama ni lita
"S-sabi niya, na fall out of love na daw siya saken"
"Ha? Hindi ko maintindihan lita"
"H-hindi na d-daw niya ako m-mahal maya. Ang sakit. Three years na kame at sabi niya hindi niya ako sasaktan at mamahalin niya ako hanggang dulo"
"Pero sinaktan ka parin niya lita" malumanay kong sabi. Natahimik si lita at ngumuyngoy. Naaawa ako sa kanya. Kaya nmn humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit saka ko hinaplos haplos ang kanyang buhok
"M-maya" garalgal netong sabi
"matulog kana lita pagsubok lang yan at malalagpasan mo rin eto"
Katahimikan ang bumalot sa amin. Akala ko ay tulog na si lita ang siste ay humarap sa akin ang bruha at kitang-kita sa maliit na bombilya ng ilaw ang pamamaga ng kanyang mga mata
"Maya"
"Hmmn"
"Hindi mo ba talaga naging crush ang senyorito raffy? Hindi ka ba nasasaktan kapag nakikita silang sweet ni maam alexa?" anong hindi, gusto ko ang senyorito, gustong-gusto pero alam kong hindi ko siya pwedeng magustuhan dahil may nakalaan ng babae para sa kanya at ayokong maging komplikado ang lahat. Unang kita ko pa lang noon sa kanya ay gusto ko na siya.
"If ever you will fall in love with one of my grandsons ay pigilan mo na mayanera. Lahat sila ay may nakalaan ng babaeng pakakasalan pagdating nila sa tamang edad ay magsisimula ang engagement ng bawat isa sa kanila at ayokong masaktan ka mayanera. Gawin mo ang trabaho mo at hindi kita pakikialaman sa lahat ng gagawin mo maski magsuot ka pa ng panty at bra habang naglilinis huwag ka lang magkagusto sa isa sa mga apo ko. Inihabilin ka ni sev sa akin at ipinapangako kong pagtatapusin kita ng pag-aaral ayun sa napag-usapan ng asawa ko at ng lola mo"
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...